Dennis Trillo returns to GMA-7 primetime via "Gagambino"

It seems that Dennis Trillo's showbiz career is back in tip-top shape now that GMA-7 has entrusted him to play the title role in Carlo Caparas's Gagambino.



Si DennisTrillo na ang gaganap sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Gagambino.

Mula sacomic series ni Carlo J. Caparas ang Gagambino. Bago napunta kay Dennis angrole, may ilan pang pangalan ng young actors ang lumabas na posibleng gumanapsa naturang role. Kabilang sa mga ito sina JC de Vera, Marky Cielo, at AljurAbrenica.

Sapagbibigay kay Dennis ng Gagambino, patunay lang na nagbalik na ang tiwala ngKapuso network sa kakayahan ni Dennis na muling magbida sa isang primetimeshow. Ang huling primetime show ni Dennis ay ang Zaido: Pulis Pangkalawakan, kungsaan nakasama niya sina Marky at Aljur. Naging bahagi rin siya ng E.S.P. ni IzaCalzado bilang guest for one month.

Kasalukuyangnapapanood si Dennis sa Sine Novela na Magdusa Ka opposite Katrina Halili.

Inaminnaman ni Dennis na nagkaroon ng hindi magandang turn ang kanyang career mulanang lumabas ang balitang nabuntis niya at nanganak ang kanyang ex-girlfriendna si Carlene Aguilar. Pero naayos na ang lahat ng naging gusot sa pagitan nilani Carlene, at ngayon ay wala nang problema ang pagiging ama niya sa kanilanganak na si Calix Andreas.

Natutuwanga si Dennis dahil muli na naman siyang matsa-challenge sa pagganap bilangGagambino. Marami ang nagsasabi na parang Pinoy version ang Gagambino ngHollywood blockbuster movie na Spider-Man, pero bibigyan ito ng Pinoy flavor natiyak na maa-appreciate ng mga manonood.

Ngayonay nagsisimula nang mag-workout at mag-training si Dennis dahil masusubukan angpisikal na lakas niya for the title role of Gagambino. Tulad sa Zaido ay maymga stunts din siyang gagawin kaya kailangan na niyang paghandaan ang mga ito.

After his first primetime show sa GMA-7 na Twin Hearts, nagkasunud-sunod na ang primetime programs niya: Mulawin, Darna, Etheria, Majika, Super Twins, at Zaido.

Sa afternoon slot naman ay napanood siya sa dalawang season ng Now and Forever Presents: Agos at Dangal at sa mga Sine Novela na Kung Mahawi Man ang Ulap at Magdusa Ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinalabasna sa GMA-7 ang plug para sa mga bagong shows sa second quarter ng taong ito bilang bahagi ng 58th anniversary ng Kapuso Network. Kabilang ditoang Gagambino ni Dennis; Codename: Asero nina Richard Gutierrez; Survivor Philippines ni Paolo Bediones; Ako Si Kim Sam Soon niRegine Velasquez; at La Lola ni Rhian Ramos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN