Preggy Aubrey Miles says live-in partner Troy Montero was the one "naglilihi"

"Siguroaccidentally, nahakbangan ko siya noong tulog siya or may kinuha ako sa bandangside niya. Nagulat na lang ako one day na may mga request siyang kainin. ‘Taposako naman, wala akong kine-crave. Kaya baka nga si Troy ang naglihi for me," says Aubrey Miles about Troy Montero being the one experiencing "pregnancy blues."



Nakapanayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang aktres na si Aubrey Miles nang mag-guest siya sa Momsng QTV-11. Fivemonths pregnant na si Aubrey sa magiging anak nila ng ka-live in partner niyangsi Troy Montero.

Ayon kayAubrey, hindi pa niya alam kung ano ang gender ng kanilang baby ni Troy dahilhindi pa siya ulit bumibisita sa kanyang ob-gyne para magpa-ultrasound. Kungboy or girl daw ang maging panganay nila ay okey lang daw basta healthy itolumabas.

Naikuwentorin ni Aubrey na marami raw nabago sa kanya magmula nang mabuntis siya. Hindina raw siya nagpupuyat at maaga na siyang natutulog. Kung noon daw ay hindisiya palakain, ngayon ay kahit ano ang gusto na niyang tikman at kainin.

Ibinukingni Aubrey na hindi siya naging maselan sa pagkain noong kasalukuyang naglilihisiya. Si Troy raw ang parang naglihi dahil ito ang hingi nang hingi ng kunganu-anong pagkain at naging mahihiluhin noon.

"Nahakbanganko yata!" sabay tawa ni Aubrey. "Hindi ba may ganung kasabihan. Siguroaccidentally, nahakbangan ko siya noong tulog siya or may kinuha ako sa bandangside niya. Nagulat na lang ako one day na may mga request siyang kainin. ‘Taposako naman, wala akong kine-crave. Kaya baka nga si Troy ang naglihi for me."

Sahitsura ni Aubrey ay mukhang hindi naman siya buntis. Except sa medyo bilog angtiyan niya, balingkinitan pa rin ang mga braso at binti niya.

Sabi niAubrey, ingat din siya sa mga kinakain niya. Ayaw raw niyang tumaba atmagmukhang losyang habang buntis siya.

Sa October expectedmanganak ni Aubrey. Umaasa ang aktres na normal delivery at maging madali langsa kanya ang manganak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN