Pokwang relates "Wowowee!" house rule, speaks kindly of axed co-host Precious Lara Quigaman

"Three months before na ano, kinausap na kami. Na walangboyfriend sa studio... Nagkataon si Lara, nagmamahal yung tao. Ahh, kasi ang alamko kapag pumapasok si Papi [Willie Revillame] sa dressing room sinasabihankami, e. Pero pabiro. Pabiro na, ‘O, walang magsasama ng boyfriend, ha.' Yungmga pabirong ganun," relates Pokwang when asked if there is indeed a house rulein Wowowee! banning the presence of female hosts' boyfriends



Ingat na ingat ang komedyanteng si Pokwang sa pagbibigay ngcomment sa pagkakatanggal ng kapwa niya co-host sa Wowowee na siPrecious Lara Quigaman. Nag-buntung-hininga muna si Pokwang bago nagsalita sapresscon para sa back-to-back show nila ni Pooh sa Music Museum, ang Poohkwang. Magsisimula ang show sa June 6 at mapapanood sa lahat ng Biyernesat Sabado ng buwang kasalukuyan.

"Okey," buwelo niya. "I love my job. I love my job. Maybinubuhay akong anak. Sana maintindihan ninyo.

"Mabait na tao si Lara. Wala akong masabi. Pero pagdatingkasi sa trabaho hindi ko naman sinasabi na napaka-unprofessional niya. Yunsiya, e. Puso, e. ‘Ika nga natin, mahirap pigilan ang taong nagmamahal. So,ganun ang nangyari. Magkaiba kami. Puso talaga niya, talagang literal na love."

Paano sila naging magkaiba?

"Kasi ako, ang love ko talaga ngayon trabaho. Trabaho talagaako ngayon," diin niya.

Sa palagay niya may na-violate na rule si Lara sa Wowowee?

"Sa tingin ko naman..." sabay tigil ni Pokwang. "Ang hirapnaman nun!"

THE HOUSE RULE. Meron ba talaga silang house rule sa Wowoweena nagsasabing bawal magdala ng boyfriend sa show?

"Ang alam ko po, meron. Three months before na ano, kinausapna kami. Na walang boyfriend sa studio. Pero ako naman kasi wala akongboyfriend, e. Nagkataon si Lara, nagmamahal yung tao."

Pero ayon kay Lara, hindi raw niya alam na may gano'ng houserule sa show.

"Ahh, kasi ang alam ko kapag pumapasok si Papi [WillieRevillame] sa dressing room sinasabihan kami, e. Pero pabiro. Pabiro na, ‘O,walang magsasama ng boyfriend, ha.' Yung mga pabirong ganun."

What about her? Napagalitan na ba siya sa show?

"Hindi pa naman. Wala pa naman, awa ng Diyos sa six monthsko po doon. October ako nung magsimula sa show."

Paano niya nalaman na wala na si Lara sa show?

"Ah, pagdating ko dito sa Manila, hindi na siya pinapasok.Sinabi sa amin ng staff. Kinausap nila kami. Ganito, ganyan..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalungkot ba siya nang mawala si Lara sa show?

"Oo naman," sagot niya. "Kahit paano dahil wala naman kamingmasamang tinapay ni Lara. Mabait naman yung tao."

May tsismis din na hindi raw ito ang unang pagkakataon namay na-violate na rule si Lara at ilang beses na rin daw siyang na-late sashow. Totoo ba ito?

"Hindi naman. First time lang. Pero yung late, hindi ko alamyung isyu na yan. Si Lara kasi, hindi naman siya pasaway, e."

May anggulo rin na baka nataon lang si Lara na natsugi sashow dahil kailangan na talagang magbawas ng co-host si Willie?

"Hindi naman po siguro. Kasi ang alam ko naghahanap nga silaulit ngayon ng kapalit. Kanina merong si Ano...Maricar? Pinag-trial nila kanina,e. Model siya."

POKWANG THE GOLDMINE. Goldmine na rin daw namaituturing si Pokwang dahil sa angkin niyang talent. Kaya naman isa siya samga pinakaabalang komedyante sa ABS-CBN.

"Actually, para sa amin itong looks na ito impyerno na ‘to,e. Pero hindi... Ay, ano ba?

"Sa tingin ninyo kung kasing-ganda ko si Bea mabibili ko payung bahay at lupa ko?

"Kasi marami silang ano, kumbaga marami na silangmagaganda."

LOOK-ALIKES. Flattered ba siya kapag sinasabingkamukha niya ang ex-PBB Celebrity Edition Season 2 at beauty titlist na siZarah Aldana?

"Ah! Opo, opo! So, maganda pala talaga ako!

"Kasi yung nanay ko laging pinamumukha sa akin, ‘Chaka ka,Chaka ka.' Ha-ha-ha!"

May nagsabi rin among members of the press sa presscon ng Poohkwangna kamukha niya si Carmen Pateña, ang '60s Pinay diva.

"Carmen Pateña naman. Ang dami kong kamukha. Dati, Aruray [1960-early'70s na babaeng komedyante]. Siguro po depende sa ayos ng buhok ko. Pero masmadalas kamukha ko raw si Aruray."

Sino ang mas gusto niya na maging kamukha?

"Kahit sino po. Basta may mukha. Mahirap yung blangko, ‘diba? Multo yun," natatawang sabi ni Pokwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE STAGE IS POKWANG'S. Kapag nasa stage daw siPokwang, ang feeling naman niya ay ang ganda-ganda niya kahit alam niya nahindi totoo.

"‘Tsaka sa akin ang stage. Akin 'to. Diyan lang kayo. Relaxkayo. Nagbayad kayo, so, sagot ko na yung saya. Basta pag tumuntong ako ngstage walang kaba.

"Sa backstage talagang halos maiihi ako sa nerbyos. Pero kapag nandiyan na ako, akin‘to. Ayokong pinapakialaman kung anuman ang gagawin ko. Pero ang concern koyung tao. Baka may mga bata, yun," tapos ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN