The search is still on for Betty La Fea's Armando

(Top, from left) Gabby Concepcion, Aga Muhlach, and Richard Gomez; (bottom, from left) Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, and Jake Cuenca are reportedly being considered to play the role of Armando in ABS-CBN's Betty La Fea.



Ilang linggo na rin ang nakalilipas pagkatapos i-announce ngABS-CBN na ang young actress na si Bea Alonzo ang siyang gagaganap sa titlerole sa Yo Soy Betty La Fea. Kung matatandaan, ilang pangalan din ng Kapamilyafemale stars ang lumitaw na kinu-consider to play the role of Betty, kabilangna sina Valerie Concepcion, Anne Curtis, at Angel Locsin.

Ayon sa mga taga-PR deparment ng ABS-CBN, posibleng by mid-July na ito magsisimulang ipalabas, pagkatapos ng Lobo nina Piolo Pascual atAngel Locsin.

The original Betty La Fea ofColombia was dubbed andbroadcasted in different countries such as India, Lithuania, Malaysia,Switzerland, Italy, Japan, China, among others. Kaya naman ang Betty La Fea nayata ang isa sa may pinakamaraming bansa na napanood at na-dub.

At ngayon, ang Kapamilya Network ang nakakuha ng rightspara gawan ito ng remake sa Pilipinas.

Kung naging matagal bago ang announcement noon ngABS-CBN kung sino ang gaganap sa role na Betty La Fea, tila gayundin angnagaganap sa pagpili ng leading man ng naturang soap—si Armando, the smart,handsome, and educated president of Eco Moda kung saan magtatrabaho si Betty.

Last Sunday, June 1, marami ang nag-abang at naghintay sa ASAP '08 dahil ia-announce na raw kung sino ang gaganap na Armando. Pero hanggang sa matapos ang ASAP ‘08, walang pahayag na naganap.

Yesterday, June 2, hindi maiwasang maging usap-usapan angpangyayari at kung sino nga ba talaga ang mahiwagang aktor na napili ng ABS-CBNmanagement.

Ilang Kapamilya actors ang sinasabing matunog daw o siyangnapag-uusapan na posibleng napili bilang leading man ni Bea. Kung pagbabasehan daw ang character ni Armando, definitely ay dapat naexecutive-looking at mas matanda ito kesa kay Bea.

Tila unanimous choice, even from the entertainment press, nasi Aga Muhlach ang maging Armando. Marami ang umaasang si Aga ang ia-announcesa ASAP ‘08 last Sunday. Pero nandoon ang malaking tanong kung willing and ablena ba si Aga to do a teleserye this time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Next is Gabby Concepcion. Pero mabilis ding nabubura angpossibility of Gabby as Armando dahil alam naman ng lahat na he's now busytaping his first teleserye for the Kapamilya Network, ang Iisa Pa Lamang withClaudine Barretto.

Then, nandiyan din si Diether Ocampo na isa rin samaituturing na leading man among the younger generation of ABS-CBN. Pero tuladni Gabby, Diether is also part of Iisa Pa Lamang.

Hindi rin nawawala ang pangalan ni Jake Cuenca. Among theKapamilya male stars, si Jake ang matagal nang natapos ang primetime series—angPalos. So far, wala pang sinasabing bago niyang show. Bukod dito, may mgabalita ring lumalabas that Jake's next leading lady could be Bea dahil sasinasabing movie sa Star Cinema na pagtatambalan nilang dalawa.

Pero hindi pa man, mukhang dapat nang i-out ang pangalan niJake sa listahan ng mga possible Kapamilya actors na puwedeng gumanap asArmando. From a source, nakumpirma ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nahindi ang Betty La Fea ang next project ni Jake, but another series na ang youngactor pa rin ang bida.

Ngayon, muling bumabalik ang pangalan ni John Lloyd Cruz asArmando. May mga nagsasabi kasi na sa mga young actors, John Lloyd will stillfit for the role. Bukod pa rito, subok na ang tambalan nila ni Bea. May lumalabaspa raw kasi na tatapusin lang ang isinu-shoot na movie ni John Lloyd with SarahGeronimo and after that, announcement na.

Pero meron ding lumalabas na balita na paghihiwalayin munapansamantala sina Bea at John Lloyd bilang onscreen partners.

Sa kakaisip ng mga aktor na posibleng mag-portray ngArmando, maging ang pangalan ng Kapuso star na si Richard Gomez ay lumabas.Wala raw imposible kung ang hinahanap talaga ng Kapamilya Network ay same status of Gabbyand Aga. In fact, magiging maingay pa raw ito dahil balik Kapamilya na namanang aktor.

But then again, mukhang imposible ang analysis ng ilan aboutGoma dahil, at present, kasama siya sa cast ng Codename: Asero, kung saan siyaang main kontrabida ni Richard Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It seems the list is endless. Not until of course mayannouncement na ngang ibibigay ang ABS-CBN.

Ang tanong: Kasama nga kaya sa mga nabanggit na pangalan ngmga aktor ang gaganap na Armando o may isang hindi gaanong nababanggit angpangalan ang siya palang mapipili ng ABS-CBN?

Hopefully ay masagot na ang katanungang ito sa malapit napanahon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN