Yasmien Kurdi and Vhong Navarro went out on a "friendly meeting"

"Nag-meet lang po kami. Okey naman po, nakakatawa siVhong at baka nga sila pa ng GF niya, ayoko namang magkaproblema. Hindi poiyon date," says Yasmien Kurdi about her meeting with Vhong Navarro.



May nasagap na impormasyon ang PEP (Philippine EntertainmentPortal) na nagkakamabutihan na sina Yasmien Kurdi at VhongNavarro. Katunayan, ayon sa aming very reliable source, naganap angkanilang very first date last Sunday (June 1) sa isang resto-bar sa QuezonCity.

Sinabi pa ng aming source na nagkakilala sina Yasmien atVhong thru Facebook.Noong una ay parang playtime lang kay Yas dahil hindi siya siguradong si Vhongnga iyon. Subalit after i-check niya sa kanilang common friends nataga-showbiz din, nakumpirma niyang si Vhong nga ang ka-chat niya.

Mula noon ay madalas na raw mag-chat ang dalawa hanggang samag-request si Vhong na magkita sila via webcam. Ang kasunod nito ayilang beses na nagyaya ang magaling na dancer-komedyante na magkita sila nangpersonal ng young actress. Pero sa ikalimang beses na pag-imbita ni Vhongat saka lamang pumayag si Yas.

Chika pa ng aming source nang may magsabi kay Yas na bakamag-react si Desiree de Valle na balitang current girlfriend ni Vhong,nakangiting sagot daw ni Yas ay, "Naku! Baka masabunutan ako niDesiree. Pero alam ko wala na sila, e. Kung sakali, loko yung Vhongna iyan, ah."

NOT A DATE. Kaya naman last night ay kinontak ng PEP si Yas atkinumpirma niyang nagkita nga sila ni Vhong last Sunday pero itinanggi niyangnag-date sila.

"Hindi po date iyon," pahagikgik niyangtugon. "Nag-meet lang po kami. Okey naman po, nakakatawa si Vhong atbaka nga sila pa ng GF niya, ayoko namang magkaproblema. Hindi po iyondate," giit pa ni Yas.

"Nakakatawa siya, kasi sobrang magkatulad ang ugali namin.Para tuloy matagal na kaming magkakilala," dagdag pa niya sa kabilanglinya.

Nang usisain namin na kung sakaling sina Vhong at Desiree panga, ano ba ang reaction niya?

"Ayaw ko siyang tanungin about sa GF niya or something, kasiwala namang something going on sa amin to ask him that. Iyong pagmi-meetnamin kagabi, it's just a friendly meeting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko itinatanggi na sobrang nag-enjoy ako sacompany niya," pagtatapos na ni Yas.

First time na nagkita nang personal ang dalawa, never pakasi silang nagkikita in person dahil magkaiba sila ng TVnetwork. Bagamat pareho silang nakakapagtrabaho sa Regal Films, never parin silang nagkasama sa pelikula.

Ayaw namang mag-react na ni Yasmien sa pag-uusisa naminkung may kasunod pa ang kanilang friendly meeting sakaling loveless nga siVhong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN