Jericho says "magic and chemistry" make team-up with Kristine a success

Almost five years after their last project together, the Kristine Hermosa-Jericho Rosales tandem will once again be seen on television. Are they going to be able to bring back the spark and the magic? Let's wait and see.


Sa balitang magsasama raw sa isang teleserye sinaJericho Rosales at Kristine Hermosa sa ABS-CBN, mas marami ang higit na natuwasa pagbabalik-tambalan ng dating magkapareha.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)last Sunday, ika-31 ng Mayo, kay Echo sa dressing room ng ASAP,hindi niya makumpirma sa ngayon ang teleserye na umano'ymagiging project nila ni Tintin. Subalit hindi niya itinago na isang episode saMaalaala Mo Kaya at isang pelikula ang pagsasamahannila ng dating kapareha.

"Magsasama kami sa MMK. We're shooting it this month. Right now, naghahanap pa sila ngmagandang istorya, siyempre, comeback. There's a movie offer too so I'm reallyexcited working with Kristine again."

Proven na ang pagtanggap at suporta ng mga tao satambalang Kristine-Jericho kung ang pagbabasehan lang ay kung gaano inabanganat sinuportahan ng publiko ang mga serye nilang Sana'y Wala Nang Wakas at PangakoSa Iyo.

Bukod pa rito ang box office results ng mga pelikulakunng saan nagkasama sila gaya ng Forevermoreat Ngayong Nandito. Sa tanong namin kungano kayang karisma meron ang kanilang tambayan, chemistry and magic ang sagotna ibinigay sa amin ng aktor.

"I don't exactly know about that kasi matagal na akong walang ka-love team so di ko talagana-o-obserbahan yung ganun. But yung sa amin kasi ni Kristine, tinaggap atminahal talaga. We separated for a while, siguro na-miss nila...Yun ang hinintaynila. Siguro we have that chemistry, tapos the way we work together, maybe that'ssomething else," paliwanag ng actor-singer.

First boyfriend ni Kristine si Echo so hindimalayong mabahiran agad ng intriga at isyu ang kanilang balik-tambalan, lalo pa'tparehong walang commitment ang dalawa. But Jericho assured the public that thetandem will be just for reel.

"This is gonna be purely professional, purely worklang talaga. This time, I'm gonna be a different Jericho, more focused andprofessional," said Echo.

Marami ang nagtatanong: Kung hindi sila nag-break niHeart, tanggapin pa kaya ni Echo ang offer na magkatamabal sila uli niKristine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, bakit naman hindi? Trabaho naman ‘yun,"pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN