Stef Prescott considers Katrina Halili as an inspiration

"In fairness, mahusay si Katrina. Napapanood ko siyadati sa Marimar, mahusay siyang magkontrabida. Effective ang pagko-kontrabidaniya, at gusto kong pag-aralan at gamitin din ang styles niya. Pero siyempre,ide-develop ko rin yung sariling style ko. Maganda talaga yung original pa rinako, at yun ang gusto kong mapanood ng mga tao in the future," says Stef Prescott about Katrina Halili (not in photo).



Lagi nang naitatanong kay Stef Prescott kung masaya na basiyang tila nata-typecast sa pagiging kontrabida. After ng villain role niya saSine Novela na My Only Love, may partisipasyon uli siya sa Ako Si Kim Sam Soonna nagtatampok kay Regine Velasquez bilang pangunahing bida. Ang papelni Stef dito ay isa sa napakaraming kontrabida.

"Kontrabida ako rito ni Jennica Garcia," kuwentoni Stef sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala sa akin yun. Infact, masaya ako dahil may bago akong trabaho. Nagkakataon lang talaga na satuwing nai-interview mo ako, may bago akong project at kontrabida uli ang rolena na-assign sa akin."

Patuloy niya, "Iba kasi ang tingin ko diyan, lalo saGMA-7. Hindi ka naman nila ita-typecast ng ganyan lang. Nakita ko kasi angnangyari kay Katrina Halili. Puro kontrabida ang ibinibigay sa kanya noon, andlook at her now, bidang-bida siya sa Magdusa Ka at credible siyang api-apihan."

So does she mean to say na inspiration niya ngayon siKatrina?

"Why not?" nangingiting sabi ni Stef. "Lookat Jean Garcia, gumaganap siyang kontrabida. Pero ngayon, inaapi-api siya saDyesebel, at naipapakita niya ang versatility niya.

"Ganoon naman talaga dapat ang artista. Inspiration forme si Katrina, pero hindi sa point ng pagpapa-sexy. I mean, huwag na muna. Walapa akong ipapakita. Bata pa ako. I'm only 17. Yun lang naman ang dahilan.

"In fairness, mahusay si Katrina. Napapanood ko siyadati sa Marimar, mahusay siyang magkontrabida. Effective ang pagko-kontrabidaniya, at gusto kong pag-aralan at gamitin din ang styles niya. Pero siyempre,ide-develop ko rin yung sariling style ko. Maganda talaga yung original pa rinako, at yun ang gusto kong mapanood ng mga tao in the future," pahayagniya.

Naiisip din ni Stef na balang-araw, mabibigyan siya ngchance na magbida.

"Sa ngayon, 'yan pa lang ang naibibigay sa akin paramakapag-umpisa. Wala akong nakikitang masama. My work is to act, kaya anumanang ibigay na trabaho sa akin, kailangang magampanan kong mabuti," sabi ngStarStruck 4 Avenger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOO YOUNG TO GO SEXY. Wala bang nag-o-offer sa kanya na mag-pose sa FHM, o ibapang sexy men's magazines?

"Ewan kung meron," sambit niya. "Baka wala lang sinasabiang manager ko sa akin. Pero alam naman nilang napakabata ko pa para pumayag.Huwag na muna. Sabi ko nga, I just turned 17.

"To be honest about it, pangarap ko ring magbida, magkaroonng sariling teleserye na ako ang lead. Pero alam kong marami pa akongpagdaraanan. Realistic ako pagdating sa bagay na 'yan. Kaya habang naghihintay,ito na munang pagkokontrabida ang gagawin ko, at nag-e-enjoy naman kasi ako.

"Gusto ko ring maging singer, pero sa ngayon, purovoice lessons na muna ako. Kung papasukin ko ang pagkanta, kailangang handatalaga ako. Kumakanta ako, pero not good enough for a recording deal. Kapagnag-improve na ako at sa palagay ko confident na ako para sa ganyang challenge,okay lang.

"Sabi nga ng mga nagtuturo sa aking kumanta,hindi ko kailangang magmadali. One year pa lang ako sa showbiz. Hindi ko munaraw kailangang pasukin ang recording.

"I guess, that's what I'm doing. Nagsasanay pa nanghusto sa singing and acting, preparing myself for bigger breaks. Kung dumatingman, at least, handa na ako," pagwawakas ni Stef.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN