Rhian Ramos cries foul on negative issues about her

"Kung makilala ko lang talaga kung sino ang gumagawa ngganyan sa akin, parang hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Kasi hindiyata gumagana ang pakiusap lang. Hindi ko alam kung ano ang pupuwede kong magawa. I just haveto pass it on to someone who knows how to handle the situation. Kasi ako mismo,walang magagawa, e," complains Rhian Ramos about the endless issues against her.



Kung anu-ano na lang ang ginagawang isyu sa young actress nasi Rhian Ramos kaya sa recent TV interview sa Showbiz Central last Sunday, June1, ay napaiyak na lang siya.

"It's not fair, kasi gagawa-gawa sila ng isyu about mena puro imbento lang naman. And worst, yung nandadamay pa sila ng ibang tao.Kaya tuloy mas marami ang nagagalit sa akin, pati na rin yung ibang artistasiyempre. Ayoko talaga ng ganoon. Hindi ako mahilig mang-away," himutok niRhian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Napagod na raw si Rhian sa kung anu-anong ibinabatong isyuabout her. Yun ang dahilan kung bakit bumigay na siya, pagkatapos na mabigla sakung anu-anong hate mails na kumakalat about her sa Internet.

Mayroon pang isang isyu na involved ang dalawang guys nayung isa raw ay pinalabas na hinahabul-habol ni Rhian. Yung kesyo naghahabolsiya sa isang Fil-Am guy at pinapadalhan pa raw niya ng picture.

Ang tahasang sinasabi ni Rhian, "Oh, it's not my issue!Matagal na kasi 'yan. Naisulat na blind item, pero hindi naman ako yun. Hindiko maintindihan kung bakit ina-identify ako na ako yun. That's really not fair.I'm sorry, hindi talaga ako yun. I just don't want to mention names, kasi blinditem 'yan. Malay ko ba doon sa sumulat, pero definitely it's not me."

A certain Phil Younghusband is also being dragged in the issue. Actually,hindi naman nag-deny si Rhian na kilala niya ang English-Filipino na ito, na isang professional football player sa England.

"Pero wala kaming communication," paglilinaw niya. "Nihindi ko nga alam ang number niya. The other day lang, kausap ko ang isangartista, I would not just mention her name, ka-text niya raw si Phil satelepono. Sabi niya, if I want to say hi raw to him. Hindi na lang. Kasi bakayung pakikipag-text na yun, maging issue pa. Hindi na rin naman kami nakikipag-communicatepa. So, bakit pa? Yun lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatandaan ni Rhian na noong naririto pa sa Pilipinas siPhil ay nag-exchange sila ng numbers. "Pero nawala na yung phone ko kayahindi na nagpatuloy yung communication. Wala na talaga," dagdag ng youngactress.

BACK TO WORK, BACK TO INTRIGUES. For a time, nagkaroon ng katahimikan sa buhay ni Rhian nangnag-concentrate siya sa pag-aaral at hindi na muna nag-focus sa career niya.

"Nag-umpisa lang talaga 'yan noong nagbalik na ako sascene," kuwento niya. "Noong summer vacation, nagkatrabaho uli ako. ‘Ayun,umingay uli. Naging masaya ako nang magtrabaho uli ako. Kasi na-miss ko yun, e.Tuloy-tuloy ang blessings. Nagkaroon ako ng hope na yung mga isyu na 'yan atintriga, hindi na babalik sa akin. Umasa kasi ako.

"Nakapag-China na ako for the Supermodel search, thennatapos ko yung I.T.A.L.Y. at My Monster Mom, ang gaganda ng projects ko. Nakuha koyung Pinoy Idol Extra hosting job na pinaghirapan ko talaga. Nag-audition paako doon. Yung feeling na nangyayari ito lahat sa akin, 'tapos biglang may mgaisyung ganyan, masakit," sabi ni Rhian.

Hindi pangkaraniwang detractors mayroon si Rhian. Sa mgapangyayari, parang hindi titigil ang mga ito hangga't hindi siya nahihilangpaibaba.

"Iniisip ko rin na naririto ako sa showbiz, parte 'yanng trabaho. Pero hindi pa rin. Hindi naman laging ganyan sa ibang artista, diba? Parang ako lang yata ang ginaganyan.

"Kung makilala ko lang talaga kung sino ang gumagawa ngganyan sa akin, parang hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Kasi hindiyata gumagana ang pakiusap lang. Hindi ko alam kung ano ang pupuwede kong magawa. I just haveto pass it on to someone who knows how to handle the situation. Kasi ako mismo,walang magagawa, e," makahulugang sabi ni Rhian.

So, ano ang message niya sa naninira sa kanyang ito?

"Pretty, please. With sugar on top...just let me enjoywhat I have now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukhang may idea na rin si Rhian kung sino ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN