Chynna Ortaleza on playing villain roles: "Naku, mabuti na ito kesa walang trabaho!"

"Masaya ako sa nangyayari sa career ko. Atsaka naging loyal talaga ako sa GMA-7. Kasi mula sa pagkabata ko, parang silana ang sumuporta sa akin. Hindi ko ma-imagine na magagawa rin ng iba yungpag-aalagang ginagawa sa akin sa GMA," says Chynna Ortaleza.



Si Chynna Ortaleza ang major villainess sa Codename: Asero, ang bagong action series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Richard Gutierrez.Basically, siya ang gaganap sa character na magpapahirap sa buhay ni HeartEvangelista.

Tanggap ni Chynna na nag-e-excel siya sa character roleskaya rito siya ipinupuwesto ng GMA-7. Pero kinulit ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang young actress sa isyu na there was a time na sumama ang loob niyasa GMA-7 dahil walang pinatutunguhan ang career niya noon.

"Actually, hindi dapat gawing isyu 'yan," sabi niya."Kasi when I was younger, kapag tinatanong ako kung okey sa akin ang roles ngkontrabida, okey lang sa akin. Gusto ko.

"Sa GMA Artist Center nga, kinlaro ko pa 'yan. Na kungsa palagay nila, gaganda ang takbo ng career ko kung maa-assign ako sacharacter roles, okey lang sa akin. Mas gusto ko yun kesa matetengga langako," tuloy-tuloy na paliwanag ni Chynna.

LOYAL TO THE KAPUSO NETWORK. Mahilig daw siya sa challenge, kaya malabong maghinanakit pasiya sa GMA-7 dahil puro kontrabida ang ibinibigay sa kanya.

"Naku, mabuti na ito kesa walang trabaho!" atnapangiti na lang si Chynna. "Masaya ako sa nangyayari sa career ko. Atsaka naging loyal talaga ako sa GMA-7. Kasi mula sa pagkabata ko, parang silana ang sumuporta sa akin. Hindi ko ma-imagine na magagawa rin ng iba yungpag-aalagang ginagawa sa akin sa GMA.

"Wala pa akong pangalan noon. Sila yung nagtiwala sa akin,nakita lang nila ako sa commercial. Nakatulong ako sa pamilya ko dahil sakanila. Hindi ko makakalimutan yun. Hindi ko maiwan ang GMA, sa totoo lang."

Naikuwento pa ni Chynna na there was a time, may isyu noonna lilipat na siya sa ABS-CBN.

"Ang Papa ko kasi, may connect siya sa ABS," lahadng young actress. "Mga three years na ako noon sa GMA, pero sabi ko kayPapa, masaya na ako sa GMA. Yung mga artista rito, mga kasundo ko lahat, mgakaibigan ko na. Mahihirapan yata akong makipagsapalaran sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang hirap kasi, para bang back to zero ang mangyayarisa akin sa Dos. E, paano kung hindi naman ako mabigyan ng trabaho doon na gayarito sa GMA? Ayoko nang isipin yun, since I'm very happy na rin naman withGMA-7."

FIVE-YEAR RELATIONSHIP. Bongga ang lovelife ni Chynna. Limang taon nang ongoing angrelasyon nila ng young actor na si Railey Valeroso.

"Yun yata ang sinasabing magic talaga,"nangingiting pahayag ng dalaga. "Hindi naman ako tumigil sa pag-aartista,pero nariyan pa rin yung relasyon. Palagay ko, pareho lang kamingmatatag."

Ayon kay Chynna, mahal daw kasi nila ang isa't isa. SiRailey ay nagkakatrabaho sa ABS-CBN samantalang si Chynna ay stick sa GMA-7.Pinag-usapan ba nila ito?

"Hindi naman," sagot niya. "Career niya 'yan, e. Angnaiisip lang ni Railey, hindi na siya bumabata. I-tap na siguro niya lahat ngpotentials niya, lahat ng pupuwede niyang magawa para kumita. Very supportiveako pagdating sa bagay na 'yan.

"Huwag lang babalik yung mga isyu sa kanya noong batapa siya na hindi siya nagseseryoso sa work niya. Yun kasi ang reklamo sa kanyanoon. Hindi siya naka-focus. So, sa ngayon, nakikita namang kahit paano, maypinupuntahan na ang career niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN