Gerald Anderson rushed to hospital due to overfatigue

by Julie E. Bonifacio
Jun 4, 2008
Young actor Gerald Anderson had to be pulled out from the taping of My Girl last Monday, June 2, because he had fever.

Bumigay ang katawan ng young actor na si Gerald Anderson dahil sa sobrang pagod sa set ng teleserye nila ni Kim Chiu, ang My Girl, sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City noong Lunes, June 2. Tinamaan ng lagnat si Gerald.

Nagkataon naman na ang location nila that day ay sa ospital kaya nabigyan agad si Gerald ng first aid at pinainom ng gamot. Dahil dito, hindi nakunan ang mga eksena ni Gerald, pero tuloy pa rin ang taping ng ibang cast.

Worried na worried si Kim nang malaman ang condition ni Gerald. Hindi ito mapakali at gustong sumunod sa nilipatang hospital ni Gerald. Naibsan ang worry ni Kim nang tiyakin ng production staff na she will be informed every now and then sa kalagayan ng kapareha.

"He was advised to get at least three-day rest," ayon sa nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Mataas ang temperature niya. At first, we thought it was dengue."

Continue reading below ↓

That same day, nakuha rin daw agad ang resulta ng tests ni Gerald. Negative ang aktor sa urinary tract infection (UTI) at dengue. Nakahinga nang maluwag ang mga handler ni Gerald sa magandang resulta ng tests.

Makakahinga na rin nang maluwag ang mga fans ni Gerald ngayong safe na ang young actor sa isang kinatatakutang karamdaman.

Hopefully ay makapag-report na si Gerald sa set ng My Girl this Friday, June 6. Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes kasi ang taping nila ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN. Maraming maiipit na commitments kung nagtuluy-tuloy ang sakit ni Gerald.

The following day, Saturday (June 7), Gerald and Kim will play a big part sa Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na gaganapin sa Araneta Coliseum. Isang bonggang production number ang gagawin nila ni Kim at ng iba pang cast.

Kung matatandaan, sina Kim at Gerald ay produkto ng first season ng PBB Teen Edition. Si Kim ang naging Big Winner at third placer naman si Gerald.

Continue reading below ↓
Nagpapasalamat naman si Gerald dahil patuloy ang pagtaas ng viewership ng My Girl. Base sa latest survey, ito ang number one primetime show ng ABS-CBN ngayon.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actor Gerald Anderson had to be pulled out from the taping of My Girl last Monday, June 2, because he had fever.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results