Cosmetic surgeon Dr. Manny Calayan signs recording contract

Dr. Manny Calayan (center) has just signed a recording contract under Bellhaus Entertainment, headed by Jeffrey Tan (right). With Dr. Manny is his wife Dr. Pie Calayan (left).


Pumirma ng kontrata ang cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan saBellhaus Entertainment para maging isang recording artist. Ginanap angcontract signing noong Lunes ng gabi, June 2, sa Abe restaurant sa TheFort, Taguig City.

Kasama ni Dr. Manny sa contract signing ang kanyang misis na si Dr. PieCalayan. Sa part naman ng Bellhaus Entertainment, naroon ang head ng kumpanyana si Jeffrey Tan, ang kapatid nitong si Jacklyn, ang kanilang ama na si Mr.Jack Tan, at ang general manager na si Ms. Myra Martinez. Si Jeffrey ay anak ngyumaong si Bella Tan ng Universal Records.

Kuwento ni Doc Manny, kararating lang nila from U.S. noong May 27at agad niyang ipina-check sa kanyang secretary kung totoong gusto siyanggawing recording artist ng Bellhaus Entertainment. Positive ang lahatng emails na natanggap niya noong nasa New York siya. Dumalo siya roon sa isang medical convention sponsored by theAmerican Academy of Cosmetic and Surgery.

Ayon kay Doc Manny, "Noong una, we were really shocked. Sabiko, ‘Totoo ba talaga 'yon?' But we are proud, pati na ang mga bata. Actually,sabi ng mga bata, 'Dad, kami ba ayaw mong maka-duet?'"

Sa contract signing ay nabanggit ni Doc Manny sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) na mga sikat na mang-aawit ang makaka-duet niya sakanyang album. Sa ngayon ay pina-finalize pa ang lineup ngmga singer na makakasama niya, pati ang mga kakantahin niya.

"Siyempre, hindi mawawala diyan si Faith Cuneta na madalas kongmaka-duet sa mga concert... Si Sharon Cuneta, at sa guys naman, sina MartinNievera and Basil Valdez. And the rest, mag-isip pa tayo," saad ni Doc Manny.

Ka-duet din daw ni Doc Manny si Dra. Pie. Angplano nilang kantahin ay ang kanilang theme song na "The Promise."

May sariling komposisyon si Doc Manny naisasama rin sa kanyang album.

Nadiskubre ang talent ni Dr. Calayan sa pagkanta nang sumali siya saCelebrity Duets ng GMA-7. Hindi man nanalo ay marami ang nagsabing puwedengpang-recording ang kanyang boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin nagbibiro ang cosmetic surgeon nang sabihin niyang kumakantasiya kapag nag-oopera siya ng pasyente. "Yes, kasi kapag nag-oopera ako aymay sounds din ako. Background music at least to relax the patientand para ma-relax din ako. Saka 'yong mga patient naman ay nagre-requestna kumantaako para maalis ang nerbiyos nila," kuwento niya.

Bagamat marunong kumanta ay hindi raw niya pinangarap na magingisang recording artist. Kung kumakanta man siya ay sinisiguro niyang hindi itomaging conflict sa kanyang pagiging doktor.

"Of course, hindi ko pababayaan ang aking pagiging doktor, 'sakapropesyon ko talaga 'yan. Mas mahal ko pa rin ito kaya mas more timepa rin ang itutuon ko sa aking propesyon. Hindi ako darating sa puntong mamimili—doktor o singer—dahil pagiging doktor pa rin anglove ko. Pampaalis ko lang ng stress, ng pagod, ang pagkanta ko," pahayagniya.

Samantala, sinabi rin ni Doc Manny na hindi nakaapekto sa trabaho niyaang pagdedemanda sa kanilang mag-asawa ng isa nilang dating pasyente dahildiumano sa palpak na penis enlargement nito. Ayon sa doctor, blessing indisguise pa nga raw ang inihain na demanda dahil dumami ang humihingi ngappointment para mag-inquire tungkol sa penile enhancement atkaramihan ay naka-schedule na for operation.

"Bastaba sumunod sila sa tamang procedures at sundin ang aking advices. Angpinakaimportante ay pipirma sila ng waiver stating ‘No guarantee, risks andcomplications may arise, patient cannot sue the doctor,'" pagtatapos ng singingdoctor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN