Francine Prieto gained weight due to stress but now dieting for "Asero"

"Nabigla lang ako kasi one day, biglang wala na pala akongtrabaho. Na iisa na lang ang show ko, which is Bubble Gang. Una kasing natapos yungKamandag, ‘tapos sumunod na nawala ay yung E.S.P. So doon ako na-stress nanghusto because everybody knows na ako ang breadwinner sa family namin, ‘taposmarami ka pang nagiging daily na gastos," explains Francine Prieto.


Hindi na maitago ng sexy actress na si Francine Prieto angmalaking naidagdag sa kanyang timbang. Sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Francine, sinabi niya na dahil sa stress aynakalimutan niya na dapat ay mapanatili niya ang kanyang seksing katawan.

Inamin naman ni Francine na kapag nai-stress siya aydinadaan niya sa pagkain ng kung anu-ano. Ang dahilan daw ng kanyang stress ayang biglang pagkawala ng dalawang shows niya sa ere.

"Nabigla lang ako kasi one day, biglang wala na pala akongtrabaho. Na iisa na lang ang show ko, which is Bubble Gang. Una kasing natapos yungKamandag, ‘tapos sumunod na nawala ay yung E.S.P. So doon ako na-stress nanghusto because everybody knows na ako ang breadwinner sa family namin, ‘taposmarami ka pang nagiging daily na gastos.

"So it was really not a good thing for me. Nasanay kasi angkatawan ko na parating may trabaho. Dumadaan ang buong week na parati akong maytaping. ‘Tapos biglang... Alam mo ‘yon, na basta na lang natapos pang pareho. Sodoon ako parang nag-freak out. Dinaan ko tuloy sa pagkain ng marami para makalimutanko ang problema kong ‘yon," lahad niya sa gala opening ng POP! Nostalgia PhotoExhibit sa Megamall kahapon, June 3.

STRESS, NOT DEPRESSION. Nilinaw ni Francine na hindi naman siya dumaan sa matindingdepression. Kung depressed siya, sana ay hindi raw siya napagkikitang lumalabas.Sana raw ay nasa bahay lang siya at nagmumukmok na lang.

"Magkaiba naman yung nai-stress ka sa nade-depress, di ba?"sabi niya. "Kita n'yo naman, nandito ako sa event ng GMA Artist Center atmasayahin pa rin ako kahit marami nagsasabing mataba ako!

"Ang alam ko kasi kapag depress ka, yung tipong nagse-selfpity ka. Tahimik ka lang at ayaw mong may makausap na kahit sino. Hindi namanako dumaan sa gano'n. Kung depress sana ako, sana payat ako at hindi malusogkasi hindi ako kumakain. Kaso ang taba ko, di ba? It means na sobra pa sanormal ang pagkain ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-stress lang ako kasi nga biglang nawala ang two showsko. E, ang dami ko pa namang bayarin kaya medyo nag-panic ako. Para makalmaako, kumakain ako. Kakaiba, di ba?

"Pero ngayon ay masaya na ulit ako because kasama ako saCodename: Asero. Hindi pa ako nakakapag-taping, pero nasabi na sa akin ang roleko. This time, mabait naman ako. Hindi na ako bad girl tulad ng mga past rolesko. Hindi na rin ako naka-costume. This time ay totoong tao ang gagampanan ko,"nakangiti niyang kuwento.

Dahil sa pagkakaroon ng bagong show ni Francine ay nagsimulana raw niyang ayusin ang katawan niya. Nag-start na raw siyang mag-diet atmag-workout para ‘pag nagsimula na siyang mag-taping ay nakabawas na siya ng timbang.

"Total workout ito!" tawa niya. "Kailangan na kasi baka masmalapad pa akong tingnan kay Richard Gutierrez, di ba? Inuunti-unit ko angpag-slim down. Ayoko nang madalian kasi nagkakasakit ako, e. Mahirap na yungbiglaang pagpapayat, pero nahihimatay naman ako maya't maya. Slowly but surelyang pagpapa-sexy ko ulit."

"WE'RE JUST FRIENDS." Sa personal life naman ni Francine, kailan lang ay na-linksiya kay Edward Maceda, isa sa mga councilors ng Manila at anak ng datingsenador na si Ernie Maceda. Marami raw kasi ang nakakita sa kanila nanagde-date. Pero paliwanag ni Francine, matagal na silang magkaibigan ni Edward.

"Friend ko lang naman si Edward Maceda. Hindi naman siyananliligaw sa akin," diin ni Francine. "Yung nakikita kaming magkasama,friendly date lang ‘yon. ‘Tsaka hindi yung kaming dalawa lang, may mga kasamanaman kami. Dahil siguro artista ako at politician siya, kami ang nakikilala ngmga tao. Pero may mga kasama kaming lumalabas."

In case na ligawan siya nang totohanan, okey lang ba kayFrancine?

"I don't mind," mabilis niyang sagot. "Binata naman siya atdalaga naman ako. We are both unattached. Wala akong nakikitang masama kungmanligaw man siya. Pero one year ko pa lang naman siyang kakilala, and I feelna I need to know him more and he needs to know me more as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Sa ngayon, okey naman ang friendship namin. Mas gustoko nga ang ganito na we start as good friends. If he wants to take it to anotherlevel, nasa kanya naman ‘yon. Nasa akin naman din ang magiging sagot, di ba?" saadni Francine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN