Chynna Ortaleza plays villain to former screen partner Richard Gutierrez in "Asero"

"I got this new look para maiba naman anghitsura ko sa mga babae sa show. Halos lahat sila kasi mahahaba ang mga buhok.As a kontrabida, gusto ko naman na may iba akong look para kahit papa'no aymag-standout naman ako sa mga magiging scenes ko," says Chynna Ortaleza about her new hairdo.



Sporting a new look ang young actress na si Chynna Ortalezanang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa opening ngPOP! Nostalgia photo exhibit sa Crucible Gallery ng SM Megamall last June 3.

Bumagay kay Chynna ang short hair niya, na babagay daw sakontrabida role niya sa bagong teleserye ng GMA-7, ang Codename: Asero napinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Ito raw ang pagkakataon na makatrabaho ulit ni Chynna siRichard after ng huling pinagsamahan nila na Sugo. Pero this time ay hindi nasiya isa sa mga leading ladies kundi isa siya sa mga magiging kalaban niRichard sa naturang serye.

Wala naman daw problema si Chynna sa ibinigay na role sa kanya ng Asero. Natuwa pa nga siya dahil binigyan siya ng isang complex na characterna puwede niyang laru-laruin once na magsimula silang mag-taping.

"When they told me na isang villainess role ang gagampananko sa Codename: Asero, I said okay lang. At least, naiiba naman. This is onlymy second time na gumanap na kontrabida. The first time was in Atlantika.

"Marami na kasing leading ladies si Chard sa story, e. Tatlo[Heart Evangelista, Rhian Ramos, and Ehra Madrigal] na yata sila ka-partnerniya. Hindi na ako makikihati pa, di ba?" sabay tawa ni Chynna.

"That's why I got this new look para maiba naman anghitsura ko sa mga babae sa show. Halos lahat sila kasi mahahaba ang mga buhok.As a kontrabida, gusto ko naman na may iba akong look para kahit papa'no aymag-standout naman ako sa mga magiging scenes ko."

FIRST PARTNER. Si Chynna ang unang naka-love team ni Richard nang magbalikito as a teen actor. Sa youth-oriented series na Click sumikat ang tambalangRichard-Chynna at nakagawa pa sila ng ilang movies together gaya ng BakitPapa?, Mano Po 2, at Kuya. Nagbida pa ang team-up nila sa second season ng LoveTo Love at napasama pa sila sa soap drama na Habang Kapiling Ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang magbida si Richard sa mga telefantasya na Mulawin,Sugo, Captain Barbell, Lupin, at Kamandag ay sa iba't ibang young actresses nasiya nai-partner: Angel Locsin, Rhian Ramos, Camille Prats, IsabelOli, Katrina Halili, Ehra Madrigal, Jewel Mische, at Maxene Magalona.

Although matagal silang hindi nagkatrabaho, hindi naman dawgaano nami-miss ni Chynna si Richard.

"Marami nga nagtanong sa akin niyan, and I always say nahindi ko naman nami-miss si Chard, kasi parati rin naman kaming nagkikita. Liketuwing Sunday noong nasa SOP pa siya, nagkakakuwentuhan kami. Kaibigan ko angkambal niyang si Raymond [Gutierrez] kaya I get to see Chard sa mgapinupuntahan namin.

"Siguro ang nakaka-miss lang is yung makasama siya sa isangeksena. I want to see for myself how much he has improved as an actor na. Tuladngayon sa Asero, kontrabida niya ako, gusto kong ma-feel ang intensity ng mgaeksena namin. Nararamdaman ko lang siguro ‘yan kapag nakapagsimula na kamingmag-taping together," pagtatapos ni Chynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN