"Darating din ang magandang break sa akin."—Dion Ignacio

"Im already 22 years old. Kinu-consider ko rin ang sexyroles, baka nga doon ako ipuwesto. Pero kailangang mag-workout ako nang husto.Kung magkakaroon ako ng bagong show, gusto ko maiiba na ang image ko. Iniisipko rin ang tungkol diyan," says Dion Ignacio about plunging into sexy roles.



Malaki ang potensiyal ng StarStruck 1 Avenger na si DionIgnacio. Ganito ang obserbasyon ng marami kay Dion, na puwedeng makatsamba ang GMA-7 ng isa pang leading man kungpagtutuunan ng pansin.

Kaso nga lang, nang kumustahin ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Dion, nasabi niyang wala pa siyang regular assignmentsa Kapuso Network.

"Ang huli kong exposure, yung sa Daisy Siete, thenguesting sa Babangon Ako't Dudurugin Kita," sabi ni Dion. "Ngayon,wala akong ginagawa kung hindi magpalaki ng katawan. Sa gym lang muna akopalagi.

"Parang lagi na lang ganoon, 'no? Pero hindi. Happy akosa ganito. Ito lang muna siguro ang kakayanin ko. Pasasaan ba't darating dinang magandang break sa akin," patuloy ng binata.

Alam ni Dion na malamang, hindi pa niya panahon para sumikattalaga. At saka wala siyang manager na tututok talaga sa kanya.

"Tinutulungan naman ako ng GMA Artist Center. Ayos nayun. Katatapos lang ng exposure ko, kailan lang yun, kaya naghihintay lang ako.Habang wala pa, nagwu-workout lang ako," sabi niya.

NOT READY TO BARE. Ang balita namin, maraming interesadong indie producers kayDion na magaganda talaga ang offer. Kaso raw, tumatanggi lang siya.

"Mayroon sa Regal, gusto nilang tanggapin ko, isang role na tipong maymagkakaroon ng gay lover. Hindi pa naman kasi ako handa para doon. May eksenapa na ipapakita ko ang katawan ko. Hindi pa maayos ang katawan ko. Sa halip namakatulong, baka mapintasan. Kaya nga nagwu-workout na ako ngayon.

"I'm already 22 years old. Kinu-consider ko rin ang sexyroles, baka nga doon ako ipuwesto. Pero kailangang mag-workout ako nang husto.Kung magkakaroon ako ng bagong show, gusto ko maiiba na ang image ko. Iniisipko rin ang tungkol diyan.

"'Pag okey na ang katawan ko, baka nga sumabak na akosa ganun. Halos araw-araw akong nagdyi-gym, kaso ilang araw rin akongnapahinga. Kapag ganoon, tumataba na agad ako. Gusto ko na ring ma-experienceang mature roles, pero darating din tayo riyan. Dapat nasa tamang panahon, atmasasabing ready na ako," pahayag ni Dion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAVE FOR THE FUTURE. Masaya naman daw si Dion dahil sa trabahong naibibigay sakanya ng GMA-7, nakakaipon siya. Yun pa lang daw muna ang concern niya.

"Kuntento ako sa ngayon. May out-of-town shows ako.Bumabawi ako sa ganoon. Araw-araw halos may mall shows.

"May mga kasama akong mas gumanda talaga ang career,pero hindi ako nai-insecure. Darating din ang panahon ko. Kung sexy kasi,parang nahihiya pa ako. Hindi pa talaga maganda ang katawan ko. Sabi ko nga,darating din tayo riyan," aniya.

CINDY LOOK-ALIKE. Inamin din ni Dion na may kinalolokohan siyang babae nakamukha raw ni Cindy Crawford.

"Na-meet ko siya sa Embassy. Lately, nagkikitakami," sabi ng binata.

Nag-react ang ibang entertainment press na ano naman dawklaseng babae yung sa bar lang niya na-meet, ngayon ay ka-date na niya palagi?

"Gusto ko pa siyang makilala. Mahirap namang magingjudgmental. Komo ba nakita ko siya sa bar, pag-iisipan ko na siya ng masama?Mabait siya at maganda, kaya na-attract ako. Siyempre, inaalam ko pa naman angugali niya.

"At saka matino naman yun. Two years ko nang kakilala,pero kailan lang uli kami nag-meet uli. Sumali siya sa StarStruck. Taga-Lagunarin siya. Australyana siya, pero Pinay rin dahil nagta-Tagalog. Maaga pa parasabihing seryosohan na dahil kinikilala pa namin ang isa't isa,"nangingiting sabi ni Dion.

INDECENT PROPOSALS. Nagtanong din si Dion sa amin kung normal lang yung may mganagte-text sa kanya na pinepresyuhan siya. Obviously, from gays ang indecentproposals na ito.

"Ayoko ngang sagutin dahil nakakatakot. Imagine,tine-text nila, kung puwede raw ako sa P200,000! Sino ba naman ang hindi matatakot?Sana, P400,000! Joke!" sabay-bawi ni Dion sa kanyang biro.

Sa tipo ni Dion, marami tiyak ang magbabakasakali namatikman siya.

"Ayoko lang talagang pumatol. Hindi sa nagmamalinisako, pero nakakatakot nga kasi. Hindi ako nagre-reply 'pag ganoon. Bakasabihin, interesado pa ako!" at saka siya natawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin maintindihan ni Dion kung paano napupunta sa mgaganoong tao ang number ng cell phone niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN