Chynna Ortaleza has yet to find out her acting "chemistry" with Heart Evangelista

"I don't know pawhat to expect. I haven't really metHeart. We see each other, pero siyempre, in passing lang. Alam mo yung usual nahindi mo pa masyadong kilala? So siyempre, hindi mo pa masyadong gamay. So,hindi ko pa alam kung may instant chemistry kaya," says Chynna Ortaleza about Heart Evangelista (inset, top), her co-star in Codename: Asero, which is topbilled by former screen partner Richard Gutierrez (inset, bottom).



Bago ang look ng young actress na si Chynna Ortaleza nangmakita siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last June 3. Very shortang hair nito, pero halos lahat naman ng nakakita kay Chynna ay nagsasabingbumagay sa kanya ang bago niyang look.

"Ano kasi, in preparation nga sa bago kong role forCodename: Asero. Wala lang. Di ba, alam n'yo naman ako, pati pagta-tackle ko ngrole, maging physical looks inaaral ko. Yung sa akin, para naman siyempre hindimagsawa ang mga tao," paliwanag ni Chynna.

Supposedly ay kahapon, June 4, raw sana ang first taping dayniya for Asero. Pero na-postpone ito dahil sa may revision pa sa script. Pero,aniya, kahit paano raw ay may idea na siya sa magiging role niya.

"Ang description kasi nila sa role ko, kontrabida ni HeartEvangelista at ex-girlfriend ni Richard [Gutierrez], and my character name isFran," saad niya.

Hindi pa raw sila talaga magkakilala ni Heart on a personallevel. At the same time, first time daw niya na makakatrabaho ang datingKapamilya star kaya hindi pa niya masabi what to expect.

"I don't know pa nga, e," sabi ni Chynna. "I don't know pawhat to expect. I haven't really metHeart. We see each other, pero siyempre, in passing lang. Alam mo yung usual nahindi mo pa masyadong kilala? So siyempre, hindi mo pa masyadong gamay. So,hindi ko pa alam kung may instant chemistry kaya.

"A lot of people naman have been saying she's nice andpleasant to work with. E, di good. At least, magiging palagay naman ako withthe working relationship."

CHARACTER ROLES. Puwedeng sabihin talaga na nalinya na siya sa mga characterroles. Halos lahat kasi ng mga primetime series na ginawa niya ay masasabingkontrabida or bida-kontrabida siya—from Sugo to Atlantika to La Vendetta. Atngayon nga, itong Codename: Asero.

"Actually, hindi nga ako super black except for Atlantika.Yung iba, gray ang character ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, okey lang sa kanya na sa ganito siya nalilinya?

"Oo!" mabilis niyang sagot. "Ewan ko nga ba kung bakit.Actually, sinabi ko talaga ‘yan sa Artist Center, lalo na noong puro pa-tweetumsang mga naibibigay sa aking character, sinabi ko talaga na ayoko na. Para kasisa akin, mas masarap gampanan ang mga character roles, mas masarap paglaruan atmas challenging."

FROM LEADING LADY TO VILLAIN. Bago siya nagkaroon ng mga character roles, maaalala nating naging leading lady si Chynna ni Richard Gutierrez sa Click at ilang pelikula.

Sa muling pagsasama nila ni Richard, okay lang ba kay Chynnana kontrabida siya sa leading lady nito na si Heart?

Sa puntong ito, maagap kaming kinontra ni Chynna at sinabinghindi ito dapat nila-lang-lang. Aniya, "Hindi mo maila-lang ang kontrabida.Para sa akin, ang kontrabida ay halos kasing bigat din ng bida."

Katuwiran pa niya, "Of course, ang bida, nandoon angsimpatiya ng manonood. Mahal siya ng masa, siyempre underdog, e. Pero ang kuwento, hindi uusad kung walangmasama, di ba?"

Aminado si Chynna na compared sa ibang mga batang artista,iba siya kung mag-isip.

"Iba talaga, e. Before, nang pinag-audition nila ko forDarna, tinanong ako kung gusto ko raw bang maging Darna. Ang sabi ko, ayoko.Ang gusto ko, maging si Valentina. Well, maybe because ang personality ko aystrong talaga. Hindi naman masama ang ugali ko, pero yun nga, I just findchallenge sa mga ganoong klase ng character," lahad niya.

Wala ba siyang nararamdamang panghihinayang na maagangnagwakas ang love team nila ni Richard, na ngayon ay itinuturing na top malestar ng Kapuso network? Aniya, mas okay raw sa kanya na hindi na.

"Kumbaga, kami niChard kasi, we already showed people yung love team namin before. We have movedon na. And I have to grow rin naman. Feeling ko, ang dami na rin naman niyangnaging leading lady, so bakit pa ko makikisiksik? Kung puwede nga lang bigyanako ng project na ako ang kontrabida ni Chard, it's unexpected. It's somethingdifferent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanya, trabaho lang ang lahat.

"Hindi ako magko-complain sa trabaho. Ang hirap-hirap kayangkumita ng pera. Ang dami naming artista. Yung iba, waiting for a long time namagkaroon ng work. ‘Tapos ako, aayawan ko pa ba ang grasya? Parang ang pangitnaman yata no'n?" natatawa niyang sabi.

"At saka, ngayon kasi, mas inspired akong mag-work kasi maypamangkin ako na sa amin na nakatira at nag-aaral. So yung work ko ngayon forAsero, it will definitely help my niece kaya naman very thankful akong talaga,"pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN