Dingdong Dantes no longer works out at Gold's Gym

"Ang sa akin lang, to give due recognition and respect to mypresent trainer right now, who is also my friend," says Dingdong Dantes in correcting a broadsheet feature on Gold's Gym that has his picture on it. He now works out in another gym.



Nang makita ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang maituturing na hottest young actor ngKapuso Network na si Dingdong Dantes yesterday, may naging request ito. Kungmaaari raw ba kayang mai-correct ang lumabas, two days ago pa lang, sa isangleading broadsheet tungkol sa kanyang gym at gym instructor.

Na-feature daw kasi sa broadsheet ang dati niyang gym, angGold's Gym, at ang dati rin niyang trainer na si Rene Dio. Nakalagay rin dawang picture ni Dingdong na obviously, isa sa mga ad photos niya for Bench Bodyat nakasaad daw na hanggang ngayon, sa Gold's pa rin siya nagte-train at angnaturang trainer pa rin ang kanyang trainer.

Sabi ni Dingdong, may pagkakamali sa naturang article.Matagal na raw kasi siyang wala sa Gold's Gym.

Since 2006 up to now ay sa bago na niyang gym siyanag-eensayo. Though, ayaw namang ipasulat pa ni Dingdong ang pangalan ng gym atng kanyang instructor, PEP was given the information na matatagpuan angpinag-eensayuhang gym ngayon ni Dingdong sa Edsa Shangri-La in MandaluyongCity.

"Meron kasi akong personal trainer who is also my friend.So, in a way, I just want to clarify rin na...kasi, yung ipinakitang picture,yung sa Bench. E, yung season na naghanda ako for Bench, ito yungpersonal trainer ko na ngayon."

Wala naman daw siyang intensyong i-discredit ang dati niyangtrainer o sabihing wala itong naging kontribusyon sa pagpapaganda ng katawanniya noon.

Aniya, "I'm not saying naman na walang naitulong yung unakong trainer or hindi ko naman sinasabi na ipinagdiinan ni Rene Dio na siya anggumawa ng body ko. It's just the picture on it [the article] at siyempre, yungperception din ng caption na up to present nga, I'm still under them [Gold'sGym]."

Dugtong pa niya, "Hindi ko naman sinasabi that they didn'thelp because I trained under him, siguro...mga almost a year din. Siyempre,nagkaroon ako ng improvement din. But, when I left Gold's and transferredto my present gym na pinag-eensayuhan ko, ito yung season na kinuha ako ngBench. At yung preparation na ginawa ko is from my present gym na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin lang, to give due recognition and respect to mypresent trainer right now, who is also my friend," pagbibigay-liwanag paniya.

Nahihiya rin daw siya on his part dahil meron daw nagbibirosa present trainer niya na tipong, Rene rin pala ang pangalan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN