Angel Locsin's magazine cover to be featured in an international TV show

"Good news! Ipi-feature sa E! Networks ang cover ni Angel sa magazine. It's a show based in Los Angeles. It's usually aired on cable," informs Angel Locsin's manager Becky Aguila.



Pagkatapos itanghal bilang number one sexiest female young actress ng isang men's magazine si Angel Locsin, masaya namang ibinalita sa amin ng kanyang manager na si Becky Aguila na ang naturang cover ng kanyang talent ay matutunghayan sa international lifestyle television show na E! Networks.

"Good news! Ipi-feature sa E! Networks ang cover ni Angel sa magazine. It's a show based in Los Angeles. It's usually aired on cable," masayang sabi ni Tita Becky.

Nagkagulo noon ang mga dumalo sa jampacked crowd sa venue kung saan ginanap ang party ng sexy magazine nang lumabas si Angel. Tuwang-tuwa si Angel sa pag-appreciate sa kanya ng crowd. Mabuti naman at behaved daw ang mga tao at walang nagtangkang mag-take advantage sa kaseksihan ng young actress.

Happy rin ang kampo ni Angel sa mga positive remarks na nababalitaan at naririnig nila sa teleserye nila ni Piolo Pascual sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lobo.

Ayon naman sa ABS-CBN at Star Cinema Productions, mas matitinding eksena pa raw ang matutunghayan sa natitirang limang linggo ng Lobo, na patuloy na sinusubaybayan ng maraming manonood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN