Ruffa Gutierrez misses the days before the network war

"Kaya nga I really miss the days when we can promote our movie anywhere. Before I left showbiz, ang mga pelikula namin, napu-promote in all stations. Ngayon, hindi na," complains Ruffa Gutierrez about the ongoing network war.


Last shooting day na today, June 5, ng pelikulang pinagbibidahan ni Ruffa Gutierrez at ng kanyang inang si Annabelle Rama, ang My Monster Mom produced by Regal Entertainment and GMA Films. Written and directed by Joey Reyes and also starring JC de Vera, Ehra Madrigal, Chariz Solomon, with the special participation of Richard Gutierrez and Rhian Ramos, may playdate na ito—sa July 2.

Sinisimulan na rin ang promotion ng My Monster Mom at gagawa ang GMA Films ng "the making of" na ipalalabas siyempre sa Kapuso network. Sigurado na ang participation dito ni Ruffa kahit may contract siya sa ABS-CBN. Ito pa lang ang alam ni Ruffa na promotion niyang magagawa sa GMA-7.

Pinayagan naman daw siya na i-promote niya ang pelikula nila ng kanyang ina sa ABS-CBN.

"Like last Sunday, I was already telling everyone about the movie. Pero ingat na ingat ako, ang sinabi ko lang Regal Films. Mahirap na, baka kapag nasabi ko ang GMA Films, nakakahiya naman kasi nasa ABS ako," lahad ni Ruffa sa set visit na ginawa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, June 3.

Patuloy niya, "Kaya nga I really miss the days when we can promote our movie anywhere. Before I left showbiz, ang mga pelikula namin, napu-promote in all stations. Ngayon, hindi na."

Lately nga lang daw nababanggit ni Ruffa ang pangalan ng kapatid niyang si Richard Gutierrez sa The Buzz. Kasi at least, nakapirma na ang younger brother niya ng isang movie deal with Star Cinema na pagtatambalan nila ni KC Concepcion.

"Kailan ba ito [network war] nagsimula?" tanong niya sa amin. "Kasi I remember nung nasa SOP pa ako, nabanggit ko ang name ni Martin Nievera na nasa kabilang show, sa ASAP, pinagalitan ako."

"Pinagalitan?" we echoed.

"Hindi naman pinagalitan," sabay ngiti niya sa amin. "Pinagsabihan lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN