Last three evictees of "PBB Teen Edition Plus" unanimous in choosing Ejay as Big Winner

(From left) Arnann Jay Clenaur, Valerie Weigmann, and Alex Esmoso Ansemuccio all want to stay in Manila after being evicted from Big Brother's house.



Iniharap na ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plusang last three evictees mula sa Bahay ni Kuya—sina Alex of Italy, Nanfrom Davao, and Valerie from Germany—sa isang lunch sa 9501 Restaurant saABS-CBN The Loop kahapon ng tanghali, Thursday, June 5.

Kasama ni Alex ang Mommy Minda niya, si Mommy My Love namanang kay Nan, at si Tita Violy naman ang kay Valerie.

ALEX ESMOSO ANSEMUCCIO, 18, FROM ITALY. Si Alex anglast evictee sa bahay ni Kuya last Wednesday evening, June 4. Maramingnanghinayang na siya ang napalabas dahil siya raw ay mas mukhang artista kaysaiba.

Ano ang una niyang ginawa paglabas niya sa bahay ni Kuya?

"Nagulat po ako nang makita ko ang Papi [his Italianfather] ko na umuwi rito para makasama ako," wika ni Alex nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal). "Kaya ang higpit-higpit ng yakap ko sakanya. Crispy chicken ang una kong kinain, pero sa isang room pa rin ako saBahay ni Kuya natulog kagabi. Mixed emotions ako, kasi parang they are so near,yet so far. Naroon lang sila sa tabi ko, pero nasa labas naman ako."

Ngayon na nasa labas na siya, ano ang balak niya?

"Gusto ko pong mag-stay na rito sa Philippines kasamasi Mama, at gusto kong mag-aral ng Tagalog. Gusto ko po talagang maging Pinoy,at gusto kong madalaw ang lola ko [sa mother side] na nasa Lucena,"nakangiting sagot ni Alex.

"I've finished my high school in Italy, gustokong kumuha ng electrical engineering and be close to my mom. Noong nasa Italy kasi kami, wala kaming time to betogether. Domestic helper siya, at madalas nasa trabaho, kami naman ng mgabrothers and sisters ko, nasa school. Member din kasi ako ng soccer team sa Milan. Si Papi ang babalik saItaly pagkatapos ng grand night sa Saturday."

Isa sa pagpapatunay ni Alex na gusto niyang maging isangPinoy ay ang pagpapa-circumcise niya sa Bahay ni Kuya. Matagal na raw niyanggustong gawin 'yon, pero nagkaroon lang siya ng chance nang nasa bahay nasiya ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw siya nasaktan nang siya ang na-evict noongMiyerkules ng gabi, pero feeling daw niya ay siya na talaga ang mae-evict.Hindi siya nakasama sa Big Four dahil less ang support sa kanya ng mga taorito. Nasa Italy raw kasi ang mga friends and barkada niya, tulad din niValerie who came from Germany.

May na-develop man sa kanila ni Beauty sa loob ng bahay niKuya, gusto rin muna ni Alex na makalabas si Beauty.

"Iba po kasi ang feelings kapag nasa labas na kami ngbahay ni Kuya," sabi ni Alex.

Kung papasukin ang showbiz, gusto niyang tularan si PioloPascual at gusto niyang leading lady si Beauty.

For Alex, mas gusto niyang maging Big Winner si Ejay dahilito ang una niyang naging ka-close sa Bahay ni Kuya at kailangan daw talaganito ang pera. Ang number two niya ay si Robi, number three si Beauty, at number4 si Nicole.

ARNANN JAY CLENAUR, 18, FROM DAVAO. Inamin niNan na hindi siya marunong umiyak, pero nagawa siyang paiyakin sa loob ng Bahayni Kuya. Sinisikap daw niyang laging maging masaya pero deep inside, seryososiya.

Ang sagot niya sa tanong na kung gusto niyang sakalin sagalit si Beauty dahil sinabihan siya nitong 'plastic', "No, hindi akonagalit kay Beauty. Pero doon ko nga nalaman na marunong din pala akongumiyak.

"Siguro po dahil iyon ang pinakamatagal na nalayo akosa family ko at nami-miss ko na sila. Isang magandang experience ang nangyarisa akin sa Bahay ni Kuya at hindi ako nag-expect na makakasali ako sa Big Four.

"Marami po akong natutunan sa bahay tungkol sa friendship,self-discipline, teamwork, at maging independent sa buhay."

Isang seaman ang father niya.

Ano ang balak niya ngayongpatapos na ang PBB Teen Edition Plus?

"Gusto ng father ko na lumipat na kami ng Manila. Gustokong mag-aral ng college dito, siguro sa susunod na semester dahil start na ngclasses on Monday. Ang sister ko na lang ang umuwi ng Davao dahil naka-enrol nasiya roon," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

If given the chance na mapasok siya sa showbiz, sino anggusto niyang sundan ang yapak among our actors today?

"Gusto ko pong sundan ang yapak ni Vhong Navarro, gustokong magpatawa ng mga tao," sagot ni Nan.

After niyang lumabas sa Bahay ni Kuya, gusto sana ni Nan namaglakad-lakad sa kalye, pero hindi siya pinayagan.

For Nan, gusto niyang si Ejay ang maging Big Winner dahilkailangan daw nito ang pera. Number two niya si Robi na kahit daw hindi itomanalo, malaki ang pagkakataon nito kasi matalino at very responsible. Numberthree niya si Nicole, at number four si Beauty.

Idiniin ni Nan na hindi siya bading, kaya nga raw nagulatsiya nang tanungin siya ni Cristy Fermin sa The Buzz last Sunday, June 1,tungkol dito.

VALERIE WEIGMANN, 18, FROM GERMANY. Gusto rin niValerie na mag-stay na sa Pilipinas, kahit ang Filipino mother niya ay nasaGermany, kasama ng ama niyang German. Gusto niya ring mag-aral na magsalita ngTagalog. Guardian niya rito si Tita Violy na siyang nagkuwento tungkol kayValerie.

"Natuwa ako nang mapanood ko siya na marunong siyangmaghugas ng pinggan at magluto," sabi ni Tita Violy. "Spoiled kasisiya sa daddy niya sa Germany, dahil medyo old na ito at gusto niyangpagsilbihan ang kanyang anak sa konting panahon na itatagal ng buhay niya. Kayakahit kumuha lamang ng plate, iaabot mo pa sa kanya. Pero iyon nga, maramingnabago sa kanya sa loob ng Bahay ni Kuya."

Sabi naman ni Valerie, "Marami akong natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya. Teamspirit, they give me more strength in doing our tasks, natuto akong magingindependent."

After niyang na-evict, tinawagan siya agad ng mommy niyadahil napapanood daw sa Germany, through TFC, ang reality show nila.

"She told me she's very proud of me," nakangitingwika ni Valerie.

Hindi kailang na-in love sa kanya si Ejay. Palagay ba niya,totoo ang love nito sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, I know Ejay loves me. Siguro dahil from the starttahimik na siya, matapat siya sa akin. Pero ang hirap niyang kausap noong una.But now, malaki na ang ipinagbago niya, madaldal na siya," sabi ng dalaga.

If ever na pasukin niya ang showbiz, sino ang gusto niyangtularan?

"Marami sila. Sina Anne Curtis, Angel Locsin, ToniGonzaga, Kristine Hermosa, at Judy Ann Santos. Gusto kong makatambal sina SamMilby, Piolo Pascual, Luis Manzano, and Jake Cuenca."

Siyempre pa, si Ejay ang gusto ni Valerie na maging BigWinner. Number two niya si Robi, number three si Beauty, at number four siNicole.

Ang Big Night at the Big Dome ay gaganapin bukas, June7, sa Araneta Coliseum. Sasalubungin ang mananalong Teen Big Winner ng Big Winner ng unangPBB Teen Edition na si Kim Chiu at 3rd Teen Placer na si Gerald Anderson, kasamaang buong cast ng My Girl. Makikisaya na rin ang bagong host ng PinoyDream Academy 2 na si Billy Crawford, sina John Prats, at Mickey Perz, atlahat ng ex-teen housemates and their guardians.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN