Pooh shares rags-to-riches story but says Pokwang is richer than him

Comedian Pooh acknowledges ABS-CBN as the network that reallyopened the doors for him.



From his humble beginnings, maituturing na ngang successstory ang comedian na si Pooh. Natatandaan pa raw niya na bata pa lang siya,ang kumot ang ginagawa niyang telon kasama ang mga kalaro sa Samar bilangstage nila.

Bagama't bata pa lang, hit na siya sa pagpapatawa, pero maslamang daw rito ang hilig niya sa pagkanta, which is, as Pooh confessed,talagang gusto niyang ginagawa. In fairness naman kasi, he really is giftedwith a very good voice.

Una siyang nakilala sa Nota't Kwela na isang comedy bar saCaloocan City na ngayo'y wala na. Napunta siya sa Music Box, then Jazz Café, atsa bandang huli'y na-discover siya ni Andrew del Real ng TheLibrary.

Kinu-consider ni Pooh na ang ABS-CBN talaga ang nakapag-openng door sa kanya para mas makilala pa.

"Sa ABS kasi talaga yung mas madalas. Sa GMA dati, mayguesting ako, pero sa SiS lang. Minsan, may isang sequence sapang-hapong show nila, pero yung talagang nagpa-hype, ABS-CBN."

Bukod sa mga comedy bar at telebisyon, marami na ring showsi Pooh outside the country. In fact, ang weekend show nga nila ni Pokwang saMusic Museum na Poohkwang na magsisimula na ngayong Biyernes at Sabado,June 6 and 7, ay halos end of May na lang sila nagkatagpong dalawa para sabay namag-rehearsal for the show.

THE RICHES. When asked kung sino ang mas rich sakanilang dalawa ni Pokwang, aminado agad si Pooh na si Pokwang yun.

"Ay, siya! Inaamin ko naman yun," natatawang hirit ni Pooh."Although, meron na rin naman akong mga properties. Meron ako sa Malolos. Merondin akong isa sa San Jose del Monte. 'Tapos yung nabili ko sa Novaliches, which is two monthsago, bumili ako ng lupa na ang plano ko, doon na matayo yung house."

At present, kahit daw masasabi niyang puwede na siyanglumipat ng ibang bahay, sa nirerentahan pa rin daw niyang bahay sa 11thAvenue sa Caloocan sila nakatira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tagal-tagal na naming umuupa dun. Ewan ko talaga, perohindi ko siya mabitiwan. Matagal ko nang pinaplanong bitawan, pero hindi komagawa. Ano lang siya, maliit lang siya na bahay na doon na ‘ko namulat.

"1978 nandoon na ‘ko, umuuwi kami ng probinsiya, pagbaliknamin, nandoon pa rin kami. Sobrang hirap na hirap ako dati, pero nangmagkaroon ako, yun pa rin ang bahay na yun," kuwento niya.

Dagdag niya, sa bahay raw nila, paglabas na paglabasniya ay pilahan ito ng tricycle, na ang pila ay halos nasa 500 na tricycle. Kayaganoon daw ka-busy ang street nila.

SOLICITATIONS ALMOST EVERY DAY. Hindi raw niyamaikakaila na kilalang-kilala na siya sa kanilang lugar. At ayon kay Pooh,hindi nga raw mawawala na halos araw-araw, may dumarating talagang solicitationsa kanya.

"Opo," nangingiti niyang sabi. "May mga sobre na palagi sagate. Lalo na kapag March, kapag panahon ng mga liga [ng basketball].Christmas...parang may pila!" natatawa niyang sabi.

"Minsan nga lang, kapag hindiko talaga kilala, like yung letter, may galing Mandaluyong. So, parangako...paano napunta ang Mandaluyong dito? Minsan pinapa-trace ko sa kasama ko. ‘Tapos, malalaman ko,friend pala ng friend ng friend ko, ganun."

LOVE FROM THE PAST. Bongga rin ang kuwento ng lovelife ni Pooh. Aniya, two weeks ago lang daw, nagparamdam sa kanya ang long-timeboyfriend niya na umalis ng bansa at nag-abroad.

"Two weeks ago lang!" excited pa niyang sabi. "Sabi niya, 'Pasensiya na, bigla akong nawala, tsu-tsu, tsu-tsu.' Kaso ako,parang wala na...wala na yung feelings, nawala na. Ayoko na kasi talaga nglong-distance."

Sa puntong ito, biglang hiniritan ni Pokwang na nakikinigpala sa interview kay Pooh at nag-dialogue na, "Ganda nito! Akala mo! Siya pa ang ayaw! E, kung ako nga, nagmamakaawana lang, kahit kanino lang," na ikinatawa ng lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN