Mark Herras willing to revive love team with Jennylyn Mercado

Mark Herras readily admits that new Kapuso star Heart Evangelista (inset, top) has been his crush since high school. The young actor also agrees that his love team with ex-girlfriend Jennylyn Mercado (inset, bottom) is still a clamor among their fans.



Hindi naman itinanggi ng young actor na si Mark Herras nangitanong sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoong crushniya ang bagong Kapuso star na si Heart Evangelista.

Ayon kay Mark, "Actually, noon pa naman po yun. Even beforepa lang po na mag-artista ako, crush ko po siyang talaga."

Pero dahil magkaiba sila ng network napinagtatrabahuan noon, no chance for him na makilala at makasama si Heart.Noong mag-production number sila sa SOP lang daw sila nagkasama.

"Nag-meet po kami before, I think sa isang awards night.Pero ganun lang po, sa rehearsal po namin sa GMA lang po yung talagangnagkakilala. Okey naman po siya, mabait naman po. ‘Tsaka crush lang naman, walanaman pong masama dun," tila pagre-remind pa niya dahil, aniya, baka maging isyu nanaman.

"At saka, high school pa po ako noon. Lalo na noong hindi kopa po siya nakikita, siyempre mas curious. Pero ngayon po, siyempre matagal nanaman po yun," paglilinaw ni Mark.

Dahil pareho na silang Kapuso stars, kung may opportunity,okay raw kay Mark na makatrabaho si Heart sa mga show ng GMA-7.

A DIFFERENT MARK. Sa ngayon, bukod sa SOP, ang Joaquin Bordado pa lang daw angginagawa niya. Hanggang July 6 pa raw ang taping nila kaya wala pasiyang balita kung ano ang susunod niyang project.

Aniya, okey naman siya sa Joaquin Bordado dahil ibangMark naman ang napapanood dito.

"Mas heavy talaga siya kumpara sa ibang mga nagawa ko na," paliwanag niya. "May part na masama ako rito, which is mas maganda para sa akin nanakakagawa ako ng mga ganitong klase ng character. Natsa-challenge ako.So siguro sa mga susunod na projects, kung mabibigyan muli ng chance na iba parin yung character na gagawin ko, mas okey sa akin."

Sa movie naman ay malapit na rin daw silang matapos ngshooting for I.T.A.L.Y., kung saan may sarili raw silang kuwento ni RhianRamos. Almost two weeks din daw siya sa Italy, pero hindi raw siya gaanongnakapag-shopping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda yung place, sobra! Kaya nag-enjoy rin kami, lalo nasa pamamasyal. Pero yung mga bilihin, sobrang mahal. So nakapag-shopping manako, konti lang talaga," natawa niyang sabi.

TEAM-UP WITH JENNYLYN. Speaking of Rhian, aware daw si Mark na maraming hatee-mails or petition campaign na natatanggap ang young actress. Hindina rin naman masyadong nagulat si Mark nang sabihin namin sa kanya na ang mgafans ng love team nila ni Jennylyn Mercado ang isa sa mga against sa team-upnila ni Rhian.

"Hindi naman kasi natin sila magagawang pakiusapan namahalin din sana nila yung bagong love team. Kung ayaw, talagang ayaw nila,hindi mo mapipilit. Pero sana, maintindihan din nila na kami naman ni Rhian,hindi naman kami yung may gusto na kami ang ipareha. Kumbaga, managementdecision naman ‘yan. Wala naman kaming magagawa."

Pero aminado si Mark na kahit ang dami na nilang pinagdaananng dating ka-love team at ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, ang tambalan parin nila ang clamor ng mga fans.

"Totoo po yun, kahit nagkaroon na ako ng ibang girlfriend. Si Jen, ganoon din. Kahit nabuntis na siya, kami pa rin yung gusto nila.Iniisip ko na lang, siguro marami lang ang naka-relate sa naging relasyonnaming dalawa noon at sa naging trabaho namin.

"Nakakatuwa lang din na after lahat ng mga nangyari sa amin,gusto pa rin nila na kami pa rin ang mapanood. Siguro po, someday,mapagbibigyan naman din ng GMA."

Payag ba si Mark na after makapanganak ni Jennylyn aymakipagtambal pa rin sa dating girlfriend?

"Willing naman po," sagot ng young actor. "Ako namanpo, wala naman pong problema sa akin kahit na ano ang ibigay ng GMA. At saka,kung maganda naman po ang kakalabasan, bakit naman po hindi?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN