Chynna Ortaleza just waiting for chance to do TV hosting

"Sa akin naman kasi, hindi naman kasi nilatinatanggal ang pagiging actress ko. Alam naman nilang matagal ko rin namangpinaghirapan. Binibigyan naman nila ko ng mga corporate events kung saan akoang kadalasan na ipinapadala nilang host. Pero yun, sana nga, mabigyan din nilako ng opportunity sa hosting sa TV din," says Chynna Ortaleza.



Nang magkaroon ng image plug ang GMA Artist Center, nilinyaang young actress na si Chynna Ortaleza as host. Pero kung mapapansin, tilanapakatagal na yata since her last hosting job on television.

Ayon kay Chynna, naghihintay lang siya kung kailan siyamabibigyan ng Artist Center ng pagkakataon sa TV hosting. Pero alam naman daw ngmanagement niya na isa ito sa mga gusto niyang gawin.

"I don't know... I'm just waiting for them to give me ahosting stint. But then, they opted to give me drama, ito ngang sa Codename:Asero, which is also good kasi it's primetime."

Dugtong pa niya, "Sa akin naman kasi, hindi naman kasi nilatinatanggal ang pagiging actress ko. Alam naman nilang matagal ko rin namangpinaghirapan. Binibigyan naman nila ko ng mga corporate events kung saan akoang kadalasan na ipinapadala nilang host. Pero yun, sana nga, mabigyan din nilako ng opportunity sa hosting sa TV din."

Anong nararamdaman ni Chynna kapag instead na siya, ibangartista ng Artist Center ang inilalagay sa mga project na host ang kailangan? Isanghalimbawa na rito ang Pinoy Idol Extra. Marami ang nagsasabi na sapackaging sa kanya, puwedeng-puwede siyang isama kay Karylle as host, rather thanRhian Ramos, na actress naman ang linya.

Ayon kay Chynna, may ilan na nga raw na nagsabi sa kanya nitoat ilang comments din na nabasa kahit dito sa PEP. Pero katuwiran niya, "Satotoo lang, nakaka-flatter kung may nag-iisip na puwede akong maging host tuladsa Pinoy Idol Extra, if ever. Naniniwala ako na magandang hosting job yun. Perosimple lang din yun, e. Hindi sa akin, so bakit ko pa iisipin?"

May tampo ba siya kapag hindi siya ang nabibigyan ng prioritysa mga trabahong puwede naman niyang gawin?

"Wala!" mabilis niyang sagot. "Kasi kapag ganoon,nakakapagod kapag may tampo kang nararamdaman or may bad vibes. Mas lalongbumibigat ang pasok ng blessing. So, dedmana lang. Naniniwala kasi akong kapag akin talaga, sa akin talaga ibibigay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN