Sharon Cuneta now in London for premiere night of "Caregiver"

Megastar Sharon Cuneta arrived in London yesterday, June 5, for the premiere night of her film produced by Star Cinema, Caregiver, which is scheduled tomorrow, June 7.



Kasabay ng pagsikat ng araw saLondon noong Huwebes, June 5, ang pagdating ni Sharon Cuneta via BritishAirways sa Heathrow Airport. Ito ay kaugnay ng premiere ng pelikulaniyang Caregiver ng Star Cinema sa London, kung saan kinunan ang maramingeksena sa pelikula.

Kagagaling lang ng Megastar sa napaka-successfulpremierenight din ng kanyang pelikula sa Los Angeles at sa Honolulu, Hawaii. Piniliniyang dumiretso sa London kaysa umuwi ng Pilipinas.

In high spirits si Sharon pagkakita niya sa InternationalArrivals area. Nakatulog daw siya nang husto sa eroplano. Perokahit halatang pagod sa long-haul flight ay walang tanda ng jetlag sa superfresh pa ring ayos ng aktres.

Nag-kape at late breakfast si Sharon kasama ang grupo ngABS-CBN Global Limited, sa pangunguna ng Media Production Events head na siMickey Muñoz, sa Costa Coffee Bar habang hinihintay ang mga bagahe niya.

Pinili namang maghintay ni Sharon sa taga-Star Cinema na siJD Ching na nawawala ang bagahe, kahit puwede naman siyang mauna paramag-check in sa hotel na tutuluyan nila, kasama ang kanyang personal assistantna si Penny.

Tuwang-tuwa naman ang mga kasamahan ni Sharon sa pagigingbibo niya sa isang oras na biyahe mula airport to the city habang giliw nagiliw siyang nagkukuwento tungkol sa mga pangyayari sa L.A. at Honolulu.

Mismong ang top honcho ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez at angCOO ng TFC na si Raffy Lopez daw ang umasikaso sa Megastar. Ipinasyal pa raw siya saopisina at sound studio ng TFC sa Redwood City. Nandoon din si Cathy Perez atstaff from her weekly show Sharon. Sinuportahan din si Sharon ng TFC Productiongroup headed by John-D Lazatin.

Nag-check in si Sharon sa kanyang suite sa isa sapinakamagandang hotel sa Leicester Square. At ang kuwartong ibinigay ngTFC London kay Sharon is the same suite na tinigilan ni Sarah Jessica Parkernoong premiere night ng Sex And The City last week sa katabi nitong OdeonCinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa verandah sa labas ng hotel ay nadatnan ni Sharon na nagle-latelunch si Direk Chito Roño at sina Malou Santos at Olive Lamasan ng Star Cinema. Lumipad sila all the way from Manila to show their support for the premiere nightkinabukasan.

Kagabi sa London ay sinamahan ni Sharon sina Mickey fordinner sa Josephine's restaurant sa Charlotte St. near Oxford Circus. She wasoverwhelmed to meet Madonna Decena and Charlie Greenfrom Britain's Got Talent after eating supper. Tuwang-tuwa si Shawie habangkinantahan siya ng 11-year-old na si Charlie ng "Summer Wind" at ni Madonna ng "IWill Always Love You."

Past midnight nang maghihiwalay na sila at saka palang pinagpahinga ng TFC Global si Sharon dahil kinabukasan ang scheduleng premiere night ng Caregiver. Ibinalita sa amin ng taga-TFC Global na nakitanila kung gaano karaming Pinoy ang nagkumahog na makabili ng tickets.

Apat ang screenings tomorrow, June 7. Dahil sold-out na raw ang tickets, napilitanang TFC na mag-open pa ng 5th screening at 8:30 p.m. para sa nagpipilit pa rinna makapanood ng pelikula. Excited sina Sharon at Direk Chito na makita angreaksiyon ng moviegoers dahil doon sa London nila mismo kinunan ang 80 percentng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN