Dingdong Dantes prepares for Bench's fashion event

"More than a month din siguro ang itatatagal until yungmismong fashion show na nga. Ayoko kasi ng drastic, yung mabilisan. Dati kasi,nahirapan ako dun. So, gusto ko ngayon yung medyo relax pa ako, hindimasyadong pressured," Dingdong Dantes about his preparation for the Bench fashion show.



Next month na ang much-talked about yearly event na BenchFever fashion show sa Araneta Coliseum. Kahit napakalaki na ngiginanda ng katawan ng young actor na si Dingdong Dantes, more than one monthpa rin daw ang gagawin niyang preparation para sa espesyal na gabi ng mga Bench celebrity endorsers.

Ayon kay Dingdong, starting this Monday, June 9, ang paghahanda niya para rito.

"More than a month din siguro ang itatatagal until yungmismong fashion show na nga. Ayoko kasi ng drastic, yung mabilisan. Dati kasi,nahirapan ako dun. So, gusto ko ngayon yung medyo relax pa ako, hindimasyadong pressured. ‘Tapos, may biyahe pa kami ng Amerika sa July, beforethe fashion show. So para maka-relax naman ako ng konti," lahad ni Dingdongnang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ang tinutukoy na biyahe ni Dingdong sa Amerika ay angpag-represent nila ng kanyang co-star sa Dyesebel na si Marian Rivera sa GMAPinoy TV.

Nandoon na raw ang excitement ni Dingdong for the BenchFever, though wala pa raw siyang ideya kung ano ang magiging concept. Peronaniniwala naman daw siyang it will be styled properly, aside from thefact na successful naman palagi ang biennial event na ito ng Bench.

Tinanong ng PEP ang young actor kung may pressure ba sa kanya ang pagrampa ngayong taon, especially now thathe's the newest Bench Body endorser at yung line niya talaga ang inaabangan sanaturang fashion show?

"Hindi naman siguro," saad ni Dingdong. "Marami naman kasinglines ang Bench. Marami naman kaming endorsers. Kanya-kanya kasi ‘yanglines, di ba?

"Kung sa pressure, siyempre, meron talaga. Pero masaya, e. Ako,ini-enjoy ko lang ‘yan. Ang maganda lang is that hindi lang ako mag-isakundi marami kami."

MAN OF THE HOUR. Noong araw na nakausap namin si Dingdong, napag-alaman naminna nakapag-shoot na siya ng isang TV commercial para sa isang endorsementniya na ngayong buwan ilu-launch. Bukod pa rito, we heard na magsu-shoot siya ngisa pang TVC for another product na ngayong buwan din mapapanood. Ang iba pa paniyang endorsements ay confidential pa at press time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede ngang sabihin that Dingdong is really the man of thehour. Thankful naman ang young actor sa lahat ng nagaganap sa career niyangayon.

"Well, you know, there are 24 hours in a day. And there areseven days in a week and 12 months in a year. And all those days and hours,ako, palaging always on my feet, always on the go. Kaya, you know, sort ofhappy that na-notice nila even this one hour because every hour for me is verysignificant. Kahit na sabihin nila na, heto, sa panahon ngayon napansin, parasa akin, lahat ng effort ko, e, hindi nasasayang," pahayag niya.

Nararamdaman na nga ba niya ang intensity ng popularity niyangayon?

"Yes and no," sagot niya. "Yes, dahil hindi ko naman itonararamdaman dati. No, because no matter what, hindi pa rin magbabago angpananaw ko sa ginagawa ko. So kailangan always on the go. Ganoon namanako, yun naman talaga ang pananaw ko every day.

"Kaya nga, kahit sabihin man natin na maganda yungnagiging resulta, medyo ang maganda, yung reception sa akin, I just say thankyou. Pero hindi yung nagiging relax ako or lumalaki ang ulo. Parang ganoonlang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN