First day of Rudy Fernandez's wake is a "box-office hit"

Celebrities, non-showbiz friends, and fans went to the first night of action superstar Rudy Fernandez's wake. The actor wanted his wake to be a "box-office hit" and his wish was granted.



Natupad ang hiling ni Rudy Fernandez na maging "box-officehit" ang kanyang burol dahil sa dami ng mga taong pumunta sa Heritage Park atpumila para makita siya sa huling pagkakataon. Noong nabubuhay pa kasi si Rudy,nagbiro ito na maging "box-office hit" sana ang kanyang burol.

May kalayuan ang Heritage Park, na nasa kahabaan ng C-5 sa Taguig City, at paramarating ito, kailangang sadyain ng mga tao angnabanggit na lugar kaya nag-alala ang mga nagmamahal kay Rudy na baka hindimangyari ang kanyang inaasahan. Mali ang kanilang akala dahil ilang oraspagkatapos bawian ng buhay ang showbiz icon, dumagsa ang tao sa Heritage Park.

Bukod sa pamilya at kamag-anak ni Rudy, nagpunta sa mgaunang oras ng lamay ng aktor ang best friends niyang sina Bong Revilla, JinggoyEstrada, at Phillip Salvador.

Naroroon din ang mga malalapit na kaibigan nina Rudy at ngasawa nitong si Lorna Tolentino na sina Tirso Cruz III and wife Lyn Ynchausti,Amy Austria, Mother Lily Monteverde, Christopher de Leon and wife SandyAndolong, Gloria Sevilla, Benjie Paras, Edgar Mortiz, Rez Cortez,Maritoni Fernandez, Robert Ortega, Ricky Davao, Rez Cortez, Boots Anson Roa, Sheryl Cruz, DingdongAvanzado and wife Jessa Zaragoza, Tonton Gutierrez and wife Glydel Mercado.

Siyempre, hindi mawawala ang manager ni Rudy na si LolitSolis at ang dating live-in partner ng aktor na si Alma Moreno.

Dumating din nang maaga para i-cover ang event ang staff and crew ng Startalk sapangunguna ni Butch Francisco, pati na ang Entertainment Live sa pangunguna niLuis Manzano. Si Lorna ay isa sa mga co-host ng Startalk.

Hindi lamang ang pagiging "box-office hit" ngkanyang burol ang natupad sa mga kahilingan ng yumaong aktor. Nagkaroon din ngkatuparan ang hiling ni Rudy na walang ibang mga labi na paglalamayan sa lugarna pagbuburulan ng kanyang bangkay dahil nagdesisyon ang management ng HeritagePark na huwag tumanggap ng ibang kliyente habang hindi pa naililibing ang sikatna action star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad ng kanyang habilin, coat and tie ang suot ni Rudy atnapapaligiran ng mga puting bulaklak ang kanyang ataul.

Bilangpaggalang sa kanyang kagustuhan, bukas sa publiko ang burol ng aktor bilangpasasalamat sa lahat ng mga tao na tumangkilik sa showbiz career niya atnagluklok sa kanya bilang isang action superstar ngPhilippine cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN