Regine Velasquez's memorable brief encounter with Daboy


Rudy Fernandez's favorite Regine Velasquezsong was the touching ballad "Pangako"—a song he tenderly dedicated to wifeLorna Tolentino, who stood beside him in sickness and in health.



Bago tuluyang magsimula ang presscon ng groundbreaking Pinoyanimation movie na Urduja kagabi, June 7, sa Imperial Palace Suites aynag-alay muna ng moment of silence ang lahat para sa pumanaw na aktor na siRudy Fernandez.

Si Rudy o Daboy sa kanyang mga kaibigan at tagahanga aysumakabilang-buhay kahapon ng umaga, June 7, matapos ang mahabangpakikipaglaban nito sa sakit na periampullary cancer.

"I think the whole industry is really very sad. Nagluluksaang buong industriya sa pagpanaw ni Rudy Fernandez. I mean, first of all, hehas touched many lives. I did not know him that long but I had an opportunityto know him a little bit," maluha-luhang sambit ni Regine Velasquez nangmakausap ito ng mga entertainment reporters.

Boses ni Regine ang ginamit sa lead character na si Urdujasa animated film. Tampok din dito ang boses nina Cesar Montano, Jay Manalo, Eddie Garcia,Michael V, Allan K, at Ruby Gutierrez, among others.

A PROMISE. Matatandaan na noong 56thbirthday celebration ni Daboy, umawit siRegine bilang pagtupad sa kanyang binitiwang pangako. Bago pa man angbirthday party na ginanap sa William J. Shaw Pavilion ng Wack Wack Golf andCountry Club sa Mandaluyong City ay nag-guest din si Regine sa Startalk na kung saan nag-render dinsiya ng isang awitin para kay Daboy.

Kuwento ni Regine, "Because I promised him. Sabi ko kunggusto niyang maaliw tawagan niya ‘ko, kakantahan ko siya. Nung nag-birthdaysiya, I really wanted to be there."

Halata ang kalungkutan sa mga mata ng Asia's Songbird at hangga't maaari raw sana'y ayaw niya munang pag-usapan ang anuman tungkol kay Daboy sa dahilang hindiniya mapigilan ang maiyak.

"Siguro ayaw ko muna siyang abalahin," pahayag nito tungkol sa naiwang asawa ni Rudy na si LornaTolentino.

"Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan niya. Siguro thebest thing for all of us to do is to pray for her. But I just want for her toknow that alam ko na madami naman silang kaibigan, madami siyang kaibigan nanandiyan para sa kanila. Ogie and I are also...we're here for her should she needanything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang TV interview ay sinabi ni Lorna patungkol sa buhayni Daboy ang mga salitang, "It's a life well-lived and life well-ended.Maraming salamat sa lahat."

FOND MEMORY OF DABOY. Contrary sa paniniwala ngmarami ay hindi naman daw ganun katagal kilala ni Regine si Daboy.

"Actually mas magkakilala sila ni Ogie talaga kasi nagkasamasila sa pelikula at saka magkaibigan talaga sila," paliwanag nito.

Bagama't hindi sila matagal na magkakilala ay sapat na rawang mga moments na pinagsamahan nila para maging matalik silang magkaibigan.

"Meron akong brief encounter na naging favorite person kosiya," ngiti ni Regine, "sobrang mabait siya talaga."

At ano nga ba yong "brief encounter" na yon?

"Nakainuman ko siya. ‘Yon ‘yongdinadaya-daya niya ako kasi tagay siya nang tagay sa ‘kin ‘tapos ice lang yongnilalagay niya dun sa baso niya. ‘Tapos para bang hangang-hanga siya sa ‘kinkasi nakakatayo pa ‘ko.

"Nung nagkita kami ulit [sabi ko] ‘Ano ka ba, tumayo nga ako[pero] pagdating ko sa bahay sumuka kaya ako, so tawa siya nang tawa."

Katulad ng obserbasyon ng maraming nakakakilala kay Rudy aytalaga daw masayang kasama ito.

"He had a great sense of humor," pag-ayon ni Regine. "Andlike I said, I had a brief encounter kaya ako naiiyak kasi parang, I wanted toreally know him better. I wish I had the chance but nevertheless, I had awonderful memory of him pouring tequila," bulalas ni Regine habanghumahalakhak. "I'm sure pinagtatawanan niya ‘ko."

Incidentally, sa bagong show ni Regine sa GMA-7, ang Ako Si Kim Sam Soon, ang leading man niya ay ang panganay na anak ni Rudy na si Mark Anthony Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN