Snooky Serna happy for ex-husband's plan to remarry

"Ricardo is a perfectionist, hindi siya basta-bastasumusugod sa ganyan. At kung ganyang pakakasalan na nga niya'ng babae, siguradongpinag-aralan at pinag-isipan niyang mabuti yun," says Snooky Serna about herex-hubby Ricardo Cepeda's remarrying.



Nakarating na pala kay Snooky Serna yung isyung magpapakasal na rin ang datiniyang asawang si Ricardo Cepeda sa isang sexy at magandang modelo. Ibinalita raw ito sa kanya ng isanilang mutual friend ni Ricardo.

"Okey lang yun, I am happy for him, it's high time he should get a new wife,matagal na rin naman kaming wala at talagang he deserves to find one for him." Nakangiti pero halata ang kalungkutan sa sinabi ni Snooky sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Nakasisiguro raw ni Snooky na mabuting babae ang ipinalit sa kanya ni Ricardo. Kilalaraw niya ang discriminating taste ng kanyang asawa pagdating sa babae.

"Ricardo is a perfectionist, hindi siya basta-bastasumusugod sa ganyan. At kung ganyang pakakasalan na nga niya'ng babae, siguradongpinag-aralan at pinag-isipan niyang mabuti yun."

At kahit naman mas nauna pa si Snooky na magpakasal sa iba matapos ma-annul ang sa kasal nila ni Ricardo, hanggang ngayon, may panghihinayang pa rin siya sa pakikipaghiwalay niya kay Ricardo. Halata kasi saaktres na talagang hanggang ngayon ay may natititira pa rin siyang pag-ibig sadating asawa. Pero alam din niyang imposibleng maibalik ang datinilang pag-ibig.

"Intense kasi ako kung magmahal, pero lagi na, impulsiveako. I can say, naging impulsive ako sa pagpapakasal noon kay Ricardo pero hindi ako nagsisisi.

"If it ended that way [pakikipaghiwalay], okey lang.Basta'ng masasabi ko lang, kahit na nagkaroon ng turmoil ang marriage namin,there was a big part, he made me very happy. It's so sad lang na diyan nagwakasang lahat," pagbabalik-tanaw ni Snooky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN