Ejay Falcon and Robi Domingo make first TV appearance after winning in "Pinoy Big Brother Teen Edition Plus"

Still excited over last Saturday's Pinoy Big Brother TeenEdition Plus Big Night, Ejay Falcon (right) and RobertMarion "Robi" Domingo (left) were surprised and overwhelmed at thewelcome they received in The Buzz.


Tila hindi pa rinmakapaniwala ang Pinoy Big Brother TeenEdition Plus Big Winner na si Ejay Falcon sa tagumpay niya noong nakarangSabado ng gabi, June 7, sa Araneta Coliseum, aniya sa kanyang first talk show appearancesa The Buzz kahapon, June 8.

Noong last day ngvoting, ang Second Big Placer na si Robert Marion "Robi" Domingo raw angnangunguna sa botohan for the Big Winner. Pero laking-gulat ng marami noongpangalan ni Ejay ang i-announce as big winner. Diumano, dumagsa raw ang botokay Ejay nung bandang gabi, na siyang naging dahilan ng pagkatalo ni Robi sakanya at maging pangalawang PBB Teen EditionBig Winner si Ejay.

"Uhm, para sa ‘min po, parasa aming apat hindi na inisip yun. Hindi na namin ini-expect kung sino ang maypinakamaraming vote para sa amin. Para sa amin yung naging Big Four kami,winner na kaming lahat," panimula ni Ejay sa The Buzz.

Ano ang plano niya sa kanyang napanalunan sa PBB Teen Edition Plus?

"Ah, para sa pag-aaral ng mga kapatid ko atpara sa pag-aaral ko."

Gusto rin tulungan niEjay ang kanyang mama at nakagisnang ama na si Mang Erning na winner din amongthe guardians ng teen housemates sa loob ng bahayni Kuya. Umaasa pa rin kasi siEjay na magkabalikan na ang kanyang mga magulang.

"Sana po," sambit niya. "Kasi yun ang dream ko,magkabalikan sila. Kung hindi naman po, pareho ko silang tutulungan."

EJAY WANTS VALERIE. Kung mabibigyan daw siya ng chance na mamili namakasama sa teleserye o pelikula ng ABS-CBN at Star Cinema, pipiliin niya sinaSarah Geronimo at ang ex-teen housemate niya na si Valerie Weigmann. Pinapilirin si Ejay ng mga hosts ng The Buzz (Boy Abunda at Ruffa Gutierrez) between Valerie and Sarah.

"Hmm...si Valerie po,"nangingiting sabi ni Ejay.

Ipagpapatuloy ba niya angpanliligaw kay Valerie ngayong nasa labas na sila pareho ng Bahay ni Kuya?

"Kung bibigyan pa niya akong isang chance, gusto ko po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ulit siya ni Boykung bakit niya nasabi ang "isa pang chance," dahil ba nabasted na siya ni Valerie?

"Hindi po, pero...kasiparang naudlot sa loob, kasi lumabas siya sa bahay."

Nagkita rin daw sila niValerie sa big night sa Araneta Coliseum noong Sabado ng gabi. Pero hindi rawsila nakapag-usap.

"Uhm, nagtitigan lang po. Hindi siya makaayat sa stage kasi po bawal."

Ipinahambing din ni Boykay Ejay kung anong klaseng bulaklak para sa kanya ang nililiyag naex-teen housemate Valerie.

"Ah, rose. Kasi ano po,sa una akala mo mahirap hawakan kasi matinik. Pero kapag nahawakan mo siya, napakagandangbulaklak."

Sa huli ay nagpasalamatsi Ejay sa mga sumuporta sa kanya para tanghaling big winner ng PBB Teen Edition Plus.

EVER HELPFUL ROBI. Umalingawngaw naman sa loob ng studio ng The Buzz ang malakas na sigawan pagtawagsa Second Big Placer ng Pinoy Big BrotherTeen Edition Plus na si Robi Domingo. Mismong si Robi ay di makapaniwalana gano'n na karami ang mga humahanga sa kanya. Kaya tinanong agad siya ni Boy Abunda kung anoang nararamdaman niya nang mga sandaling yun.

"Ah, unexpected po,"bungad ni Robi with a big smile.

Kinuwento naman ni Boyang nakarating sa kanya na noong i-announce ang pangalan niya bilang second placeray hindi raw agad makaupo si Robin sa lugar niya. Nag-e-expectdaw kasi si Robi na siya ang tatanghaling big winner.

"Well, sumasagi po sa isipanko, kasi siyempre po last two na po. Iba po'ng experience."

Na-disapoint ba siya nahindi siya ang nanalong Big Winner sa PBBTeen Edition Plus?

"Ah, hindi po."

SHOWBIZ AND SCHOOL. Tulad ba ng ibang ex-housemates niya, type din ba niRobi ang mag-artista?

"Well, ang plano ko po this year, ma-try ko po na mapagsabay yungstudies ko at sanapo yung opportunity [na magkapag-artista]."

Tiniyak naman ni Robi nababalik siya ng Ateneo De Manila University ngayong schoolyear.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit naman ni Boy naang pinsan ni Robi na si Atty. Celine Casanova ay abugado niya at ng kaibiganniyang si Kris Aquino. Kasunod nito ay ni-reveal ni Robi ang kanyang crushsa showbiz na naging dahilan ulit ng malakas na sigawan sa studio ng The Buzz.

"Ha! Crushes po? Si anopo, siyempre po si, ah...maganda po si Kim Chiu. Ah, si Shaina [Magdayao] po andIya Villania."

Ano sa tingin niya angmeron siya na wala sa tatlong lalaki na nali-link sa kanyang mga showbiz crush namely,sina Gerald Anderson (Kim's love team), JohnPrats (nali-link kay Shaina), at Drew Arellano (boyfriend ni Iya).

"Ah, true-blue [Atenista]po," diretso niyang sagot.

Wala namang maisip napinakaseksing babae sa showbiz si Robi nang tanungin siya nina Boy at Ruffa na nag-interbyusa kanya.

"Wala pa po akong maisip.Lahat po kasi maganda."

Payag ba siyang magingka-love triangle sa love team nina Kim at Gerald?

"Why not? I'll doanything po."

Pagkatapos ay nagbigay ng mensahe si Robi sa mga sumuporta sa kanya sa PBB Teen Edition Plus.

"Sobrang salamat po sainyo. Dahil, ah...alam ninyo po talaga, after [three] straight nominations,unexpected po yung Big Four po. Dapat yung pagka-2nd Big Placer po sobrangnakumpleto na ako."

DONATING AND HELPING. Nagkaroon naman ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng chance na makausap si Robi pagkataposng live interview niya sa The Buzz.At sinabi niya sa amin kung ano ang gagawin niya sa napanalunan niyangcash prize.

"Marami po akong balaktulungan, gamit po yung prize-money ko [P500,000]. Unang-una po yung parte po noon gusto kong ibalik sa Ateneopara yung parang donation sa funds ng tinutulungan namin. And yung iba, gustoko po yung pera tulungan ang mga pinsan ko, sa mother side ko po.

"Kasi po yung mga pinsanko, iba ang life nila. Yung tita ko, namatay nung December 24. E, siya langpo ang nagpapabuhay. Tatlo po sila na anak at magka-college po. Para po sa tuition nila. ‘Tapos yung matitira po safamily ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagkakaalam ni Robinaayos na ng mommy niya ang pag-enrol niya sa Ateneo. Kaya lang ay hindi paraw niya alam kung ano ang kursong kukunin niya.

"Titingnan ko mamaya,hindi pa po ako lumalabas ng bahay."

Bukod sa mga nabanggitniya na hahatian ng kanyang napanalunang cash prize, tutuparin din daw niya angpangako nila ng dating housemate niya na si Alex sa isa pa nilang kasamahan sa Bahay ni Kuya.

"May pangako po ako kay Nan pati si Alex na parang magbo-boy's night out kami," huling sinabi ni Robi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN