Rudy Fernandez's best buddies remember the loving person Daboy was

"Ang pagmamahal ng isang kaibigan. Pagmamalasakit. Alam konaman na kahit na wala na si Daboy ay ibibigay pa rin ng dalawang katabi ko.Masakit lang talaga na nawalan kami ng isang matalik na kaibigan," says Sen.Bong Revilla about Rudy Fernandez and his two other buddies, Sen. JinggoyEstrada and Phillip Salvador.



Live telecast ang ShowbizCentral noong Linggo sa HeritagePark, kung saan kasalukuyangnakaburol ang labi ng actor na si Rudy Fernandez. Ang Showbiz Central host na si Pia Guanio ang siyang nag-interbyu sa itinuring ni Daboy na tatlo sa kanyang pinakamatatalik nakaibigan sa showbiz—Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, atPhillip Salvador.

Unang tanong ni Pia kay Jinggoy ay kung gaano nga ba kahirapat kasakit ang mawalan ng isang kaibigan na tulad ni Rudy Fernandez.

Tulad nga ng naiulat na rito sa PEP (PhilippineEntertainment Portal), isa si Jinggoy sa mga taong nasa tabi ng deathbed niDaboy nang pumanaw ito noong Sabado ng umaga.

"Sa akin, he's very very close to me. Parako na siyang kapatid. Talagang mahirap...mahirap mag-adjust. Dahil araw-araw,kausap ko siya. ‘Tapos ngayon, wala na ‘kongmatatawagan. Hindi na niya ‘ko matatawagan kaya talagang napakahirap," umpisang pahayag ni Jinggoy.

Para kay Bong naman, "Isangkapatid na rin ang nawala sa amin. Yung palagi mong kausap. Palagi mongka-text. Palagi mong kasama. Lalo na sa mga bagay na kapag may problema ka,nandiyan siya. Pero alam niyo, sa ngayon, tuwing ipipikit namin ang mata namin,nakikita namin siya, e.

"Napakabigat lalo na yung paghihirap na dinanas niya. Parangbangungot ang nangyayari, e. Sabi ko nga, sanaito ay isang pelikula na lang na may sisigaw ng cut!"

Tulad din ng sinabi ng dalawa, para kay Ipe ay more than afriend for him si Daboy. Isa na raw itong kapatid at kapamilya para sa kanya.Aniya, "Wala akong nakitang taong pinaka-positive kundi ‘yang si Daboy. Ibangklase ‘yan. Ibang klaseng magbigay ng hope ‘yan. Medyo kapag talagang parangbagsak ka, siya ‘yung, ‘wala ‘yan...kaya natin ‘yan. Pagtutulung-tulungan natin‘yan.' Dapat positive ka palagi."

Dugtong pa niya, "E, ‘yan ang pacifier namin. Siya yungpinakikinggan naming tatlo."

A FRIEND IN HIS FINALMOMENTS. Ikinuwento rin ni Jinggoy kung paano niya hinarap ang paglisan niDaboy since naroon nga siya hanggang sa huling sandali ng kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was there on his bedside together with Lorna and hiskids. When I look at the monitor, ‘yung kanyang heart rate, medyo flat line na.So, sinenyasan ko si Doktora, si Dra. Gina, she also looks at me at sinabiniyang wala na...

"So, sinabi ko sa kanya [Daboy] na magpahinga ka na. Hirapna hirap ka na. Ako na ang bahala sa pamilya mo. I'll take care of them. Yunlang ang nasabi ko."

Ang sumunod na tanong naman ni Pia ay para kay Bong at kungano ang naging huling pag-uusap nila ng kaibigang si Rudy at kung meron baitong naging habilin, especially to his family?

"Well, up to the last minute, si Daboy yung tipong hindiniya ipararamdam sa ‘yo na nanghihina na siya. Siya yung tipong, ‘lalaban akoup to the last,' ganoon siya, e. In fact, nang sunduin nga namin sa airport'yan, pinipilit niyang idiretso ang katawan niya. Lalakad pa rin kahit hirap nahirap na siya. Sabi lang namin, ‘mag-wheelchair ka na.' Ganoon siyang klaseng tao, up to the lastminute, hindi niya ipapakita sa mga taong nahihirapan na siya."

Pero napansin daw ni Bong na yung mga last few hours, iyon yungnaging aminado na si Rudy sa nararamdaman at tila nagsasabing, "Pare, hirap nahirap na ko."

Bong regretted na kung alam lang daw niya, hindi na raw sanasiya umalis sa bahay nina Rudy at Lorna sa White Plains around 4 ‘o clock inthe morning. "Kung alam ko lang, hindi na sana‘ko umalis. Pero sinabi ng doktor na, magpahinga na kayo para may karelyebonaman kung kaya't si Jinggoy nga raw ang pumalit sa kanila.

"Kung alam lang namin, we should have stayed. Bago ‘koumalis, hinawakan ko siya sa noo at dinasal ko na lang na, Lord, sana po huwag na siyangmaghirap pa. Napakabait po niyang tao."

Tinanong din ni Pia si Ipe kung meron daw ba silangmagkakaibigan na "unfinished business," o mga bagay na pinangarap sana nilang gawin perohindi na nangyari dahil nga nagkaroon na ng sakit si Daboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ipe, "Dream ng bawat isa na makagawa kami ngpelikula na kaming apat ang magkakasama. At gustung-gusto ni Daboy namag-progress yun, kaya lang nga, nagkaroon na siya ng karamdaman."

A LOVING FRIEND. Naniniwalasila na walang-dudang tatanggapin ng Diyos si Daboy sa langit. Ayon kayJinggoy, wala raw siyang alam na naging kaaway nito. At kahit superstar statusna ay nanatiling humble pa rin. Nagpapasalamat din daw sila sa lahat ngnagdasal at nagdarasal para sa kaibigan, pero hiling din ni Jinggoy na sana ngaraw, isama rin sa prayers ang pamilya ni Daboy na sina LT, Ralph, Renz, atlalung-lalo na raw si Mark Anthony Fernandez.

Nangiti si Jinggoy nang ipaalaala ni Pia ang biro raw niDaboy na dadalawin pa rin ito kahit wala na. Sabi ni Jinggoy na ibinuko ng mgakaibigan na matatakutin sa multo, "Ang sa akin, kahit bumista siya, okeylang...pero sa umaga lang, ha, huwag lang sa gabi!" biro pa niya.

Ang sumunod na tanong ni Pia ay kay Bong at kung ano angmami-miss nito ngayong wala na ang kaibigan?

"Ang pagmamahal ng isang kaibigan.Pagmamalasakit. Alam ko naman na kahit na wala na si Daboy ay ibibigay pa rinng dalawang katabi ko. Masakit lang talaga na nawalan kami ng isang matalik nakaibigan."

Inamin din ni Bong na kapag nagkakaroon sila ng tampuhan ngkapwa senador na si Jinggoy, si Rudy raw ang tagapamagitan nila. "'Yun angbridge namin, e...tuwing nagkakaroon kami ng mama sa tabi ko ng conflict...tuwingnagkakatampuhan kami, si Daboy talaga ang tulay namin."

Sinundan naman ni Ipe ang sinabi ni Bong. Aniya, "Kapag nagkaganoonpa kayong dalawa, e, baka mamaya, bumangon ang kaibigan natin. Sasabihin sainyo, tumigil na nga kayong dalawa!" na ikinatawa nilang tatlo.

Ayon kay Bong, more than 20 years na raw ang friendshipnilang apat. At naniniwala raw siyang naramdaman naman ni Daboy ang pagmamahalnila rito bilang kaibigan dahil sila rin ay naramdaman din ang pagmamahal niDaboy sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As parting word, ang mga katagang ito ang huling nasambit niIpe. Na sa oras na ini-interview ni Pia nang live ang tatlo ay halatang masnaka-recover na kahit paano sa naging pagpanaw ng kanilang matalik na kaibigan.

Sa huli, nasabi nga ni Phillip, "Mahal na mahal ka namin,Daboy... Sobrang pagmamahal!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN