Carlos Agassi denies rumor he got ill because of steroids use

"Hindi ko na langiniintindi yung mga ganoon. Nakakagulat nga dahil kahit hindi na nila akonakikita sa telebisyon, pinag-uusapan pa rin nila ako. So, ibig sabihin, missnila ako. So, thank you, I miss you too," says Carlos Agassi.


Hindi na gaanong visiblesa telebisyon ang actor-rapper na si Carlos Agassi. Wala na kasi siyang regularshow sa ABS-CBN. Pero may mga pinagkakaabalahan pa rin naman siya ngayon, ang management ng kanilang family business.

"Mina-manage ko yungbusiness namin sa Boracay, Palawan, at Los Baños.Restaurant yun at resort," sabi ni Carlos sa panayam sa kanya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kahapon, June 8, nang mag-guest siya sa ASAP 08.

Kung dati ay kabi-kabilaang show ni Carlos sa ABS-CBN, ngayon nga ni isa ay wala siyang show sa Kapamilya network. Hindiba siya na-depress sa kinahinatnan ng kanyang careeer?

"Walang ganoon," sagotniya. I'm very happy right now. At least nag-guest ulit ako ngayon sa ASAP."

Wala naman palangkontrata si Carlos sa ABS-CBN Star Magic. Kaya okey lang sa kanya kung hindiman siya nito nabibigyan ng proyekto ngayon.

"Wala akong kontratasa kanila ever since but meron kaming agreement ni Mr. M [Johnny Manahan] soeven mga kapatid ko, lahat kami sa kanya. Parang family talaga rito, StarMagic, Talent Center, ABS-CBN. So, kung lalabas dinlang ako sa telebisyon, dito na lang. I mean kung bibigyan nila ako ng work, ‘Wow,thank you very much.'"

STEROIDS RUMOR. Samantala, nilinaw ni Carlos na walang katotohananang nasulat na nagkaroon siya ng malubhang karamdaman sanhi diumano ng pagggamitniya ng steroids.

"Walang ganoon, walaakong malubhang karamdaman. May nasulat pa nga na namatay na ako. Pero okeylang yun, ‘eto ako, buhay pa," sabay tawa ni Carlos.

Hindi naman daw napipikonsi Carlos sa mga ganoong tsismis sa kanya.

"Hindi ko na langiniintindi yung mga ganoon. Nakakagulat nga dahil kahit hindi na nila akonakikita sa telebisyon, pinag-uusapan pa rin nila ako. So, ibig sabihin, missnila ako. So, thank you, I miss you too," tawa na naman ni Carlos.

"Sa mga nag-aalala,huwag kayong mag-alala, I mean wala lang magandang offer or magandang work. ‘Pagmeron, siyempre, gagawin naman natin, siyempre miss ko na rin yung fans, miss kona rin yung mga Kapamilya natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm moving on withmy life. Kung may darating naman na maganda, e, di thanks. Kung wala, okey langdin naman. Kung anuman yung kinalalagyan ko ngayon, tanggap ko na, masaya naako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN