Vina Morales tight-lipped on current love life

"Magsasalita ako kung sino siya, 'tapos,bigla namang mauudlot ang relasyon," says Vina Morales whenasked about her love life.



Kinumusta namin kay VinaMorales ang kanyang love life nang makita namin sa Broadway Centrum kung saanmay taping ang Master Showman niGerman Moreno. Ngiti lang ang isinukli ni Vina at mukhang sa puntong ito, ililihimmuna niya ang identity ng lalaking nagpapatibok sa kanyang puso.

"Nawawalan baako?" natatawang sabi ng singer-actress. "Safe answer na muna ako riyan.Kasi, with this one, on and off, on and off. Mahirap pag-usapan. Happy namanako.

"Sometimes kasi,mutual understanding pa lang, biglang nagkatampuhan. 'Tapos, balikan. Kaya angginagawa ko na lang, ini-enjoy ko. Ayoko munang ipamalita kung sino, at kungmayroon nga. Kung mayroon, okey. Kung wala, okey rin lang," nangingitingpatuloy ni Vina.

Hindi uso kay Vina angsinasabing "collect and collect, then select." Hindi raw siyanakikipag-date sa maramihan.

"Lagi akongexclusively dating sa iisa lang," pagdidiin niya.

"Non-showbiz. I can't give you an ideakung sino siya, kasi, hindi pa naman kami stable. Mahirap mag-comment.

"Magsasalita akokung sino siya, 'tapos, bigla namang mauudlot ang relasyon," sabi pa niya.

SHAINA'S LOVE LIFE. Marami nga ang nagbibiro kay Vina na baka maunahan pasiyang mag-asawa ni Shaina Magdayao, her younger sister, na nasa showbiz din.

"Naku, ayoko!"napapailing na pahayag niya. "Sabi ko kay Shaina, 'Naku, this time, yungate mo na muna!' Ang feeling ko naman kasi, mauuna ako.

"Wala naman kamingusapan ni Shaina, pero makikita mo na mukhang hindi ako uunahan ng kapatidko."

"Si Ate Sheila, gotmarried to the son of Kuya Germs, si Federico. I have another younger sisterwho also got married, so kami na lang ni Shaina ang natitira. Naibibiro ko langkay Shaina na huwag akong uunahan."

Wala ring masasabinghindi maganda si Vina tungkol sa relasyon nina John Prats atShaina.

"Lahat naman kasi,dumaraan sa ganyan," aniya. "Crush-crush muna, then, puppy love.Personally, I have nothing against kahit sino, kung sinuman yung magugustuhanni Shaina. Feelings niya yun, e.

"Kung ano angnagpapakilig sa kanya, sa kanya lang yun, at hindi ko maibibigay yun, o ngpamilya namin, 'di ba? Kahit friends or fans niya. Right now, she's makingthings easy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, alam mo,marami pang nagkakagusto kay Shaina. My gosh, she's still young. I'm just herefor her," banggit pa ni Vina.

Sinabi rin ni Vina sa PEP(Philippine Entertainment Portal) na kung pamimiliin siya, wala siyang pipiliinkina John at Rayver Cruz.

"Desisyon kasi niShaina 'yan, eh. Mahirap panghimasukan. At hindi rin natin alam, malay mo,mayroon pa palang iba riyan.

"Pero, hindi namankailangang ligawan din nila ako para maging malapit ang loob ko sa kanila parasa sister ko. Ang sa akin lang, lahat naman sila, very nice.

Si Shaina sa Lobo ay kinakikitaan na ng maturity. Kungsakaling may daring roles nang dumating for her, how far would she go, sapalagay niya?

"She's doing verywell naman with the kind of roles na ibinibigay sa kanya. At saka inaalagaansiya sa ABS-CBN, yung nagma-manage sa kanya roon.

"Alam nila ang mgalimitasyon ng kapatid ko. I don't need to tell Shaina what to do. She knowswhat she's doing," sabi ni Vina.

MISSING ACTING. Nagko-concentrate sa kanyang singing career si Vina.In fact, kagagaling lang niya sa U.S.at Canadafor a series of shows.

"Mayroon naman akongA.S.A.P., kapag naririto ako sabansa, napapanood ako lagi riyan," sabi pa niya. "Ang nami-miss ko ayang umakting, yung mag-drama.

"'Yun lang anghinihintay ko sa ngayon. Sana,may dumating ding offer," sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN