Rudy Fernandez's last words to wife Lorna Tolentino: "I love you."

"Siguro dito rin sa journey namin na ito, dito ko rinnalaman na kahit na ano pa yung nangyari, mga nangyari sa amin, dito konapatunayan na talagang sa puso niya, ako lang ang minahal niya. Ano ako ro'n, siguradoako," says Lorna Tolentino about husband Rudy Fernandez, who passed away last Saturday, June 7.



Sa burol ng aktor na si Rudy Fernandez kahapon, June 8, aynakapanayam ni Pia Guanio ng Showbiz Central ang biyuda ng namayapang aktor sa loob ng mismong silid nito sa Heritage Park. Iyon angunang pagkakataon na humarap si Lorna sa media dahil noong unang araw ng burolng kanyang asawa ay hindi nagpaunlak ng panayam ang aktres sa media.

Unang tanong ni Pia kay Lorna ay kung ano ang naiisip niyasa panahong iyon.

Ayon sa biyuda ni Dabo, mas maayos na ang kalagayan niyangayon kumpara noong unang araw ng lamay, "Actually kasi, may mahabangprocess," umpisa ni Lorna. "Yung time na nasa hospital pa lang kami, when hetalked to me, sinabi niyang hirap na siya..."

Sa bahaging ito, nangingilid na ang luha ni LT, nanapagtagumpayan namang huwag nang umiyak hanggang sa huling bahagi nginterview.

Aniya, "Ayokong umiyak...sabi ko na nga ba..." At sakanyang pagpapatuloy, "'Tapos, sabi niya, yun ang time na gusto na rinniya... So parang ako, I always pray na, for healing, for Rudy's completelyhealing. Pero nung time na yun na kinausap niya ako... Ang dasal ko lang is I'm surrendering Rudy to Him. Kung ano yung gusto Niya.His will should be done."

Mas mahirap daw para sa kanyang makita na nahihirapan angasawa dahil sa sakit na periampullary cancer.

"Mahirap siguro...masakit sa part ko. Doble ang sakit nanakikita mong nahihirapan yung taong mahal mo," sabi ni Lorna.

Sa gitna ng naging pagsubok sa buhay nilang mag-asawa simulanang ma-detect ang cancer ni Rudy two years ago, naitanong ni Pia kay Lornakung anu-ano naman ang mga bagay na nakapagbigay sa kanya kahit kontingkaligayahan sa panahong yun.

"Each day is a miracle noong time na yun with him," sagot niLorna. "Kasi nakikita talaga na anuman ang suffering, pain, and sorrow napinagdadaanan namin, yung pagmamahal ng mga taosa kanya, yun yung nakaka-ease ng pain, e. At siguro yung pinaka...pinaka-masayais that, yung last word niya is ‘I love you.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, I started it. I said, ‘I love you Babes, I loveyou Papa.' And then, hirap na hirap siya. Halos hindi niya masabi becausenahihirapan na siyang magsalita Pero dun sa nangyari and yun yung maririnig mo faintna faint na sinabi niyang ‘I love you'"

Tumawa si Lorna nang ipaalaala ni Pia sa kanya angsinabi ni Daboy sa interview niya before na never did he realize how kind andmabait and what a wonderful woman his wife was during this period.

"Siguro dito rin sa journey namin na ito, dito ko rinnalaman na kahit na ano pa yung nangyari, mga nangyari sa amin, dito konapatunayan na talagang sa puso niya, ako lang ang minahal niya. Ano ako ro'n, siguradoako," pahayag ni Lorna.

Ayon pa sa report ni Pia noong katapusan ng ShowbizCentral, kapansin-pansin daw na lahat ng mga bulaklak sa burol ni Rudy ay kulayputi dahil ito raw ang kagustuhan ng aktor bago siya namayapa. Ang kanyangkasuotan naman sa loob ng coffin ay isang black suit at blue tie na sinadyangipagawa sa kanyang paboritong designer na si Paul Cabral. Maging ang lugar naHeritage Park ay personal daw ng aktor, kasama ang asawang si Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN