Lorna Tolentino reveals the moments she cried in front of Daboy

"Dito sa laban niya, lahat siguro kaming nagmamahalsa kanya, nandidiyan. Dito ko rin naramdaman kung gaano siya kamahal ng lahat.Marami ang tunay na nagmamahal sa kanya. Pati mga tagahanga niya na nandidiyanna patuloy na minamahal siya at naging kasabay din niya at kasama niya habang lumalabansiya," says Lorna Tolentino about husband Rudy Fernandez.


Humarap sa publiko para sa kanyang kauna-unahang live TVappearance ang maybahay ni Rudy Fernandez na si Lorna Tolentino sa The Buzz kahapon,June 8. Dito ay hindi na napigilan ni Lorna na ipahayag sa publiko ang kanyangtunay na damdamin sa pagkawala ng kanyang minamahal na asawa.

Ayon kay Lorna, sa Panginoon siya unang-una humuhugot nglakas para maging matatag sa pangyayaring ito sa kanyang pamilya. "Peroang pangalawa, mas nalalapitan ko siya [Rudy]," sabi ng aktres sa TheBuzz co-host na si Cristy Fermin. "Siya ang nagbibigay lakas sa aminglahat. Siya ang nagbibigay ng pag-asa, yung courage na harapin kung anumanitong laban na nilalabanan niya."

Inamin ni Lorna na itinatago niya kay Rudy ang kanyangpag-iyak sa loob ng banyo.

"Mas madalas ganun. Madalas ganun kasi madalas dinkapag meron siyang gustong sabihin sa akin, sasabihin niya agad, ‘Huwag kangiiyak.' So, talagang kailangan pigilan mo. So pagkatapos may panahon na, ‘Ah,sandali lang, punta lang ako ng banyo.' Yun yung time na talagang...sa pagligoko, yun yung mga panahon na puwede talaga akong umiyak. Para paglabas wala na,naubos na."

Ibinahagi rin ni Lorna sa The Buzz ang mga paghahandaat huling habilin ni Daboy.

"Katulad nito, yung dito sa Heritage Park. Dinaanannamin ito nung pumupunta kami sa Asian Hospital. Hindi lang namin natapos agadyung...pero tiningnan namin ang buong kapaligiran and may mga kinausap nakaming tao. After that, umalis naman kami, pumunta kami ng Amerika. So nungpagbalik namin at nasa ospital siya [Rudy], sabi niya kausapin ko naulit," lahad ni Lorna.

Sumundot ng tanong si Cristy kay Lorna kung yun bangpag-ikot nila sa Heritage Park ay bilang paghahanda nila sa paglalagyan niDaboy.

"Ah, hindi," paglilinaw ni Lorna. "Anginiisip namin pareho, mas mabibigyan pa siguro ng mas mahabang panahon dahillahat naman ng tao nagpe-prepara. Without the idea alone na marami namang taona pinaghahandaan dahil lahat naman tayo doon patungo, di ba? Siguro yun yungnagiging maganda, positibo ang pagtinigin namin sa paghahanap namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REVIVING DABOY. Nagbilin din daw si Daboy na sakanyang huling hininga ay huwag nang pilitin na i-revive muli siya.

"There was ano kasi, sumobra yung...hay! Mahirapmag-rewind ano," kasunod ng pagbagsak ng hindi na napigilang luha sa mgamata ni Lorna.

"Kasi itong incident na sinasabi mo, this was theincident na nag-breakdown talaga ako sa kanya. That's the only time na talagangumiyak ako nang husto. Umiyak ako nang husto noon dahil nakikiusap ako sa kanyanung time na yun. Dahil yun yung sinabi niya... Nagkaroon siya ng congestion salung sa dami ng fluid na dumaan sa kanya.

"And then, sabi niya, ayaw daw niya [i-revive]. Sabi kokasi, ‘May tanong ang mga doctor at sabi ko, kaya pa naman kitang kausapin.Ayokong magdesisyon dito sa bagay na ito.' Sabi niya, ‘Ano yung tanong?' ‘Angtanong sa akin at ang tanong sa ‘yo, kung sakali man na masyado nangnahihirapahn ang lungs mo, bubutasan ka.' ‘Tapos, ang sagot niya sa akin, huwagna.

"Hindi niya gusto na mabubuhay siya sa ganung paraan.Mahihirapan pa raw kami lalo nang husto. Yun yung time na nag-breakdown ako.Sinabi ko sa kanya, ‘Huwag namang ganyan. Huwag mo namang gawin sa amin ito.'Dahil siyempre ang gusto ko, e, yung talagang, kumbaga, may paraan pa, di ba?Ganun siguro talaga ‘pag...alam naman nating siguro lahat na kapag mahal mo,hanggang sa huling-huling sandali, hindi mo gustong mawala sa ‘yo. Lahatgagawin mo.

"Ayun, sinabi ko nga na, ‘Huwag mo naman gawin sa akin‘to. Huwag mo naman gawin sa amin ‘to.' And then, niyakap niya ako. And then,sabi niya, ‘O, sige na nga. Basta't huwag ka nang umiyak.' Pinagbigyan niya akodahil umiyak lang ako. Pero kinabukasan, siguro mga after two to three days naokey na... Alam namin pareho na hindi na aabot ‘to. In-explain niya sa akinkung bakit niya mas nanaisin na huwag nang ipagpatuloy ang buhay niya sa ganungparaan dahil lahat daw mahihirapan," naiiyak na lahad ni Lorna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


THE MORNING AFTER. Hindi naman masagot pa sa ngayon ni Lorna ang tanongsa kanya tungkol sa paggising niya sa umaga na wala na si Daboy.


"Hindi ko pa talaga siya hinaharap sa ngayon," aniya. "Hindi paako umuuwi pagkatapos dahil tuluy-tuloy ako. Wala pang nababago sa bahay. Sangayon, dito [Heritage Park] kami natutulog ng mga anak ko. Kasama ko sila.Siguro yun yung talagang.... Dito lang yung apat na oras yung pinakamahabangtulog ko sa buong sandali na nagkasakit si Rudy na tuluy-tuloy."

Ikinuwento rin ni Lorna ang pagkakataon na humagulgol dawsiya ng iyak sa harapan ni Daboy.


"Medyo mas...lumayo ako ng konti. Nakaupo ako doon sa may sofa na nakataasang mga paa ko kasi wala na akong pakiramdam nung mga panahon na yun, paranghindi ko na kayang itayo. Nakikita ko na lang yung doctor na ginagawan ngparaan na alam ko nag-collapse na ang mga veins niya at hindi na talagatumutulo yung dugo na ibibibigay sa kanya.

"Actually, it's a platelet, ‘no? And yung first unitnoon, pumasok pa doon sa pinaka-port sa cut niya. But then, yung second one,ayaw na. Hindi na tinatanggap. So yun yung hindi ko na nakayanan. Talagangpinipigil ko na huwag umiyak. Pero yun yata yung pinakamasakit na pigilin mokaya talagang nadinig niya kung gaano rin kasakit ang iyak ko. And then,tinawag niya ako, ‘Mama, Mama.' Ayun," salaysay ni Lorna.


DABOY'S FIGHT.
Nagbigay rin ng mensahe si Lorna sa pagyao ni Daboy.


"Actually, dito kasi sa ano na ito, laban niya, lahat siguro kamingnagmamahal sa kanya, nandidiyan. Dito ko rin naramdaman kung gaano siya kamahalng lahat. Marami ang tunay na nagmamahal sa kanya. Pati mga tagahanga niya nanandidiyan na patuloy na minamahal siya at naging kasabay din niya at kasamaniya habang lumalaban siya dito sa...

"I mean, he's an action star and at the same time, sabinila siguro ibang laban ang nilalabanan niya. Ang kalusugan niya at maramingmakaka-relate na mga...imposible na hindi tayo nagkakasakit o isa sa atinmerong pamilya natin ang may sakit. So, mas lalo sigurong naramdaman ng mga taoyung laban na tinatahak ni Rudy, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa paanong paraan niya gustong maalala si Daboy sa kanyang isipan?


"Alam ko kasi na... Siguro basta't ang alam ko, ako yung tao na nasa pusoniya. Ako yung taong minahal niya. Sinasabi nga niya, ‘Ikaw ang nasa puso ko,'most of the time. And yun din siguro ang puwede kong... At alam niya sa pusoniya na siguro maraming pagkakataon na may nangyayari sa buhay ng mag-asawa nadadaanan kayo. Pero sa huli, sa huling sandali, alam namin pareho na nasa pusonamin ang bawa't isa," pahayag ni Lorna.


May tatlong huling mga salita si Lorna na sinabi bago namatay si Daboy.


"Sabi ko sa kanya at nasabi rin niya sa akin... Hirap na hirap na siyangmagsalita nung madaling-araw na yun. Actually, nung six o'clock, that's thepinakamasakit na ungol na narinig ko sa kanya, na pinakamasakit siguro din parasa akin dahil alam ko na yun yung hirap na hirap siya, pero wala kang magawa.


"Siguro yun din ang pinakamasakit na makikita mo ‘pag mahal mo ang tao,gusto mo ibigay na lang sa ‘yo lahat. So, wala na, e. Wala kang magawa. Yungwala kang magawa, yun ang masakit.

"Sinabi ko sa kanya, "I love you Babe, I love youPapa.' And then, he tried his best, actually, naka-lift yung face niya atnaka-ganun [nakataas ang bibig]. ‘Pag kasi hirap ka na, hindi ka na masyadongmakasalita ng ano, parang yung tongue mo, medyo parang umuurong. And he reallytried his best to say and to respond to me, and he said ‘I love you,'"pagtatapos ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN