Ogie Alcasid remembers how Daboy teased him and Regine


"Nakakatuwa si Daboy kasi nga para siyang bata. Yung mahiligmagbiro talaga. Tinuksu-tukso nga niya kami ni Regine. E, kakaamin lang naminyata no'n kaya parang kinikilig siya for us," remembers Ogie Alcasid about hisfriend Rudy Fernandez.



Hindi malilimutan ng singer-songwriter-comedian na si Ogie Alcasid ang yumaong aktor na si Rudy Fernandezdahil naging malapit siya rito noong gumawa sila ng isang pelikula atkasama pa nila si Gelli de Belen, AyosLang Pare Ko way back in 1997.

Teary-eyed nga si Ogie nang magkuwento ito ng masasayangpagsasama nila ni Daboy. Para kay Ogie, isa lang ang naaalalang ugali ni Daboy—ang pagiging masayahin nito at pagiging palabiro.

"After we did the movie, naging constant na angcommunication namin. Kapag may special occasion ang pamilya nila, parati akonginvited. Lalo kapag birthday ni Daboy, I would always be there to sing him hisfavorite songs. Malambing na tao kasi si Daboy at iyon ang isang bagay namami-miss namin sa kanya," kuwento ni Ogie.

Nanghinayang nga si Ogie na noong nakaraang birthday niDaboy last March ng taong ito ay hindi siya nakadalo dahil may taping daw siyanoong araw na iyon.

"Nakakalungkot lang isipin na I wasn't there tocelebrate with him. Hindi naman natin alam na it would be his last birthday,'di ba? But Regine [Velasquez] was there naman at inawit niya yung song na "Pangako." Yun ang song na bagay na bagaykina Daboy at LT [Lorna Tolentino]. Sapinagdaanan nilang mag-asawa, the song says so much of their story as husbandand wife."

Kuwento ni Ogie na noong first time ngang ipinakilala niyasi Regine kay Daboy, tinukso raw sila nito kaagad.

"Nakakatuwa si Daboy kasi nga para siyang bata. Yung mahiligmagbiro talaga. Tinuksu-tukso nga niya kami ni Regine. E, kakaamin lang naminyata no'n kaya parang kinikilig siya for us," masayang pag-alaala pa ni Ogie.

"Mami-miss namin si Daboy because of his being such a goodperson. Wala akong nabalitaan na naging kaaway niya or nakasamaan niya ng loob.They all have good words for him at yun naman ang mahalaga.

"He lived a very good life and kahit masakit para sa kanyangpamilya at sa aming nagmamahal kay Daboy, we all have to accept what hashappened dahil kagustuhan ito ng Panginoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ogie ang nag-arrange ng mga songs na sinulat ni Joey de Leon para sa first Philippine digital full-lengthanimation na Urduja na produced ngAPT Productions ni Mr. Tony Tuviera.

Ang mga awitin na nailikha para sa Urduja ay "Babae Ako" na inawit ni Regine Velasquez; "Lakwenta" nainawit nila Michael V. at Allan K.; at "Awit ng Paalam" na isang duet ninaRegine at Cesar Montano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN