Yasmien Kurdi denies she got jealous of JC de Vera-Michelle Madrigal kissing scene

"Hindi ako nakikialam sa anumang trabaho pa ni JC. Concernko lang ay ang work namin na magkasama kami. Nangungumusta lang naman ako. Walanaman sigurong masama roon," says Yasmien Kurdi.



Pinawalang-totoo ni Yasmien Kurdi ang balitang sinita rawniya ang ka-love team niyang si JC de Vera dahil nabalitaan nito na may kissingscenes daw si JC sa ex-girlfriend nitong si MichelleMadrigal sa pelikulang My MonsterMom.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siYasmien, buong-ningning na nag-deny ito na sinita raw niya si JC. Kinumusta lang niya ang shooting nito, pati na si Michelle, at hindi rawniya itinanong ang mga eksena nila.

"Bakit ko naman gagawin iyon e trabaho naman nila ‘yon?"diin pa ni Yas. "'Tsaka hindi ako nakikialam sa anumang trabaho pa ni JC.Concern ko lang ay ang work namin na magkasama kami. Nangungumusta lang namanako. Wala naman sigurong masama roon."

May mga nagsabi kasi na parang nagselos daw siya noongmalaman niyang may mga eksena si JC with Michelle sa naturang pelikula.

"Bakit naman ako magseselos? Kami ba ni JC? Hindi naman, diba?" ngiti pa ni Yas.

"Professional lang kaming dalawa ni JC. Walang selosan satrabaho namin. Magkakilala naman kami ni Michelle. Kaya walang problema saaming dalawa."

Puring-puri nga ni Yasmien si JC dahil sa mga naging eksenanito sa soap drama nilang Babangon Ako'tDudurugin Kita. Bumilib daw siya kay JC nang gawin nito ang mabigat naeksenang kasama si Ms. Dina Bonnevie. Nakipagsabayan daw kasi si JCsa husay ni Ms. D.

"Nagulat din ako kasi ang laki na ng naging improvement niJC. Before kasi parang okey lang. Pero itong scene with Ms. D, talagang nadalaniya. Kaya na niyang magdala ng eksena. Kaya proud na proud ako sa kanya,"ngiti pa ni Yasmien.

Malapit na ngang magwakas ang soap drama nila ni JC at kay Rhian Ramos na siya ipa-partner sa bagong showtitled La Lola. Okey lang ba kayYasmien ito? Ma-miss kaya niya si JC dahil sa ibang aktres na ito itatambal?

"Okey lang naman. Hindi naman kasi puwedeng kami na langparati. It's time na rin na matambal siya sa iba. Anyway, na-prove naman nanamin na may market kaming dalawa ni JC. Nakatatlong soap dramas na kami,siguro time na sa iba na kami itambal muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tulad ngayon nga, may show siya with Rhian. Ako naman may Tasya Pantasya pa rin with Rainier Castillo. Pero may movie naman kami ni JC namagkasama. Yung Loving You. Malapitna rin ipalabas ‘yon. Kaya hindi kami mami-miss ng mga fans namin," pagtatapos ni Yasmien Kurdi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN