Fans and celebrities pay their last respects to Rudy Fernandez

Security personnel and volunteers estimated that 250,000 people trooped to the Heritage Park on Saturday and Sunday to pay their last respects to action superstar Rudy Fernandez who passed away last Saturday, June 7, after a two-year battle with cancer.



Bilang pagtupad sa huling habilin ng action superstar na siRudy Fernandez na gusto niyang makita siya sa huling pagkakataon ng lahat ng taong nagmamahal sakanya, ibinukas sa publiko ang kanyang burol sa Heritage Park sa Taguig City.Itinuro pa sa mga tao na gustong makapunta sa burol ni Daboy kung paanomakarating sa The Heritage Park, sa pamamagitan ng pagdaan sa C-5.

Hindi pa man inilalabas ang mga labi ni Rudy from themortuary last June 7, bukod sa kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan, may mga maaga nangdumating na fans na nagsimula nang pumila at hindi inalintana ang init ngaraw.

Second night, June 8, nang pumunta kami sa burol ni Daboy.Nadaanan namin ang pagkahaba-habang pila na parang hindi kumikilos, at iisipinmo kung kailan sila makararating sa loob ng chapel at makita na si Rudy.

Yung ibang fans, nagkasya na maupo na lang sa damuhan atdoon mag-vigil. May picture frame sila ni Rudy at may mga kandila sa harapannito.

Tamang-tama na noong dumating kami ay magsisimula na angHoly Mass officiated by Rev. Fr. Joey Faller, ang healing priest from Kamay niHesus Shrine sa Lucban, Quezon, with the Oasis of Love MusicMinistry. Naging close na si Fr. Joey sa pamilya ni Rudy dahil simula nangmagkasakit ang aktor, madalas na siyang nagbibigay ng healing mass for Rudy and hisfamily.

Nasa front row siyempre ang maybahay ni Rudy na si LornaTolentino, katabi ang mga anak na sina Ralph at Renz; ang panganay na anak ngaktor na si Mark Anthony Fernandez with his wife Melissa and daughterChelsea. Kumpleto rin ang mga malalapit na kaibigan ni Daboy na sinaJinggoy Estrada, Bong Revilla, Phillip Salvador, Christopher de Leon, at TirsoCruz III, kasama ang kani-kanilang mga asawa.

Naroon din sina Gloria Romero with daughter MaritessGutierrez, Gina Alajar, Isabel Rivas, Amy Austria, Jestoni Alarcon, Iza Calzadoand dad Lito Calzado, Sunshine Dizon and mom Dorothy Laforteza, Johnny Delgadoand wife Laurice Guillen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Later, dumating na rin sina Dolphy and Zsa Zsa Padilla;Eddie Gutierrez and Annabelle Rama; Janno Gibbs and Bing Loyzaga; MalouChoa-Fagar of Eat Bulaga; Redgie Acuña-Magno of GMA-7; at ang mga direktor nasina Tony Reyes, Wenn Deramas, at Erick Salud.

Nagulat kami nang sabihing nahirapang makababa ng kotse niyasi Dingdong Dantes na siyang nagmamaneho ng kotse, kasama ang girlfriend na siKarylle at si Direk Mark Reyes. Pinagkaguluhan daw kasi ng mga fans ang young actor.

Kaya pala, nakapasok na ang mga fans hanggang doon sa VIPentrance na inilaan para sa relatives and friends ni Rudy. Umalis na raw sa pila ang mga fans dahil napakarami na nila at baka hindi rin sila makapasok sa loob ngchapel. Tilian na lamang at palakpakan sila kapag may nakikitang artista,o kapag lumalabas ang magkakapatid na sina Ralph, Renz, at Mark Anthony.

Estimated 250,000 ang mga taong nasa loob ng Heritage Park nang gabing iyon, ayon sa security and volunteers na namamahalasa pila. Sinabi nila iyon kay Lorna na medyonapangiti at sabi, "Last night na ba niRudy?" Sagot sa kanya, asahan na niya ang mas maraming tao sahuling gabi ng burol ni Rudy sa Wednesday, June 11.

Maagap namang naayos ng security ang flow ng mga tao at mgasasakyan, kaya maayos na nakapasok sina Dolphy, Zsa Zsa, Ruffa Gutierrez, atPops Fernandez.

Nakiusap din si Lorna sa phone-patch interview sa kanya ngBoy & Kris na sana ay irespeto nila ang mga kapwa nila at huwagsamantalahin ang pagkakataon. May mga reported cases daw kasi ng pagkawalang cell phones, wallets, at ilan pang personal na bagay.

Tuluy-tuloy pa rin ang public viewing ngayon, 24 hours aday. Nahihinto lamang ito kapag nire-retouch ang makeup ni Rudy at kapag ongoingang Holy Mass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ipinaabot na rin ni Lorna na ang public viewing ayhanggang sa Wednesday na lamang, June 11, at 5 p.m. Isasara na nila anggate ng ganoong oras para makapag-ayos naman sa isang necrological service nagaganapin pagkatapos ng isang Holy Mass at 5 p.m. to be officiated by Rev. Fr.Arlo Yap, spiritual director ng Oasis of Love Catholic Renewal Community, kungsaan active members ang mag-asawang Rudy at Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN