Alfie Lorenzo berates Juday's detractors who accuse her of being anti-poor

"Si Juday, hindi pulitiko. Kayo, pulitiko kayo, hinalal kayong mga nasasakupan n'yo. Pero kung maglalabas tayo ng mga lahat ng nagawa, parasa mahihirap since tinatawag n'yo si Juday na anti-poor, e, siguro, mas maramipang nagawa si Judy Ann Santos," says Alfie Lorenzo.



Habang kumakalat ang intrigang may pagbo-boycott namagaganap sa young actress na si Judy Ann Santos ang ilang sector ng lipunandahil sa systems loss ad niya for Meralco, nasa ibang bansa naman ito kasamaang boyfriend na si Ryan Agoncillo para sa matagal na ring binalak na bakasyon.

Ang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo ang humarap sataped interview ng Showbiz Centralpara sagutin ang mga paratang ng ilan sa kanyang alagang si Juday.

Ayon kay Alfie, aware na raw si Juday tungkol sa mga bagongisyu sa kanya, kahit na nasa ibang bansa pa ito. Ang ina raw kasi nitong siMommy Carole ang nag-inform sa kanya.

"E, itinawag ng nanay niya kung kaya naman na-spoil angbakasyon. E, kasi hindi mapalagay ang nanay niya. Nasa St. Luke's ang nanay niya, tumaasang presyon dahil sa isyu."

Kailan lang, naging vocal ang manager ni Juday na pakiramdamnito, nagagamit nga raw ang alaga niya para sa kapakinabangan ng ibang artistng ABS-CBN Star Magic, particularly nga si Claudine Barretto na tinukoy niya.

So, feeling ngayon ng talent manager-columnist, baka rawsinadya talagang ibigay kay Juday ang naturang ad campaign ng Meralco, na as weall know ay pag-aari naman ng mga Lopez.

"Bakit siya ang pinili? Mukhang kapag sadyang ikapapamahakni Judy Ann, inaamo nila...yung mga nagagalit na yun kay Judy Ann, baka inaanonila...baka raw anti-poor siya. O, sige, rich kayo...putulin n'yo ang kuryete n'yong Meralco at bumili kayo ng generator n'yo. O, e di napagmalakihan n'yo angMeralco. Ganoon lang yun kasimple."

Tila hindi naman apektado si Alfie sa sinasabing gagawingpagbo-boycott kay Judy Ann.

"Gagawa pa kayo ng boycott e sa palagay n'yo naman, yung mgafans niya susundin kayo at magbo-boycott?"

Naniniwala rin ang manager ni Juday na malalampasan pa rinng alaga ang bagong intrigang kinakaharap.

"Si Juday, hindi pulitiko. Kayo, pulitiko kayo, hinalal kayong mga nasasakupan n'yo. Pero kung maglalabas tayo ng mga lahat ng nagawa, parasa mahihirap since tinatawag n'yo si Juday na anti-poor, e, siguro, mas maramipang nagawa si Judy Ann Santos. Mas marami siyang natulungan kaysa sa inyo nanakaupo ngayon diyan. Na hinalal ng taong bayan. Kung katulad n'yo si Juday, sana, tumutulong din sa mahihirap, sana, magtulungan na lamang. Para maipakita talagang maka-mahirap tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "Dapat hindi lang nga sarili yun. Desisyonng tama, wala namang nangyayari, e. Gulu-gulo lang yun. Ipakita na lang natinsa gawa."

Nagbigay naman ng pahayag sina Mr. Dante Jimenez, FoundingChairman ng Volunteers Against Crimes and Corruption (VACC) and CongressmanBienvenido Abante Sr., Chairman of Committee of Public Information. Para sakanila, the issue definitely is not that simple.

Pahayag nga ni Dante Jimenez, "Kami ay nanawagan na kungmaaari, itigil na niya ang advertisement na ‘yan na nakikita naming hindimakatarungan sa ating mga kababayan. In fact, by next week, we will formallylaunch our boycott in all her advertisements, all her shows at lahat ng mgaprograma niya."

Nilinaw naman ni Congressman Abante Sr., na wala raw siyangpersonal grudge against the actress. In fact, aniya, " I don't have anythingagainst Judy Ann Santos. Napakahusay niyang movie star. Ang sa akin lang, talagabang nauunawaan ni Judy Ann yung kanyang binanggit na ilustrasyon? Na ito ay parangisang blokeng yelo, ‘di ba? Na natutunaw.

"If I will advertise, I would like to find out if thatcertain product is very good. Because I'm a good person, ‘di ba? Judy Ann is agood person and a good character. So, anything that she advertise, paniniwalaanng marami. Marami siyang mga fans, e. Pero kinakailangan na bago niya tingnanang professional fees niya rito, tignan niya muna yung produkto."

Sa naturang VTR, nagbigay na rin daw ng pahayag ang isa samajor stockholder ng Meralco na kinuha raw talaga nila si Juday upang mas maikalatang impormasyon sa kanilang mga customers. At hindi raw nila pinilit ang aktress,bagkus, naniniwala raw ito sa mensaheng gusto nilang iparating.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN