Dennis Trillo surprised and grateful for his first-ever title role in "Gagambino"

"After all ng mga isyung nangyari, ipinagkaloob pa rin sa akin ang role. Ewan ko. Sobrang suwerte ko talaga!" says Dennis Trillo about the opportunity given to him by home network GMA-7 to play Gagambino.



Hindi nga maiisantabi ang husay sa pag-arte ng young actor na si Dennis Trillo, kaya naman kahit tila nabawasan ang popularidad niya dahil sa mga intriga, masasabing napakalaki pa rin ng pagtitiwala sa kanya ng kanyang home network, ang GMA-7.

Among the actors of Kapuso, kay Dennis Trillo ipinagkakatiwala ng network ang Gagambino. Ayon kay Dennis nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa S.O.P. noong Linggo, maaaring pagkatapos ng kanyang afternoon series na Magdusa Ka ay mauumpisahan na niya ang taping ng maituturing na biggest project niya.

"Hindi pa kami nagte-taping, siguro, papatapusin muna ang Magdusa Ka, kung hindi naman, baka mag-ovelap kami ng taping. So far, kailangan ko pa lang mag-prepare for the show," masaya niyang pahayag.

Anong paghahanda ang gagawin niya bilang Gagambino?

"Sa preparation, kailangan lang na magpalaki ng katawan at kailangan kong mag-exercise palagi at ma-achieve ko yung superhero physique. Balak ko rin na mag-muay thai and boxing din siyempre."

In an interview with Lhar Santiago in 24 Oras's "Chika Minute" segment he said he'll also study the Brazilian martial arts Capoeira.

Dugtong pa niya, "Kailangan kasi, agile ka, bilang Gagambino. Dapat mabilis na reflexes ang kailangan. Yung power kasi niya, superhuman."

Aminado si Dennis na isang project ito na ipinagkaloob sa kanya ng GMA-7 na hindi niya ine-expect.

"Sobrang nagulat ako! Kasi, never naman akong humingi or naghangad ng title role, ‘tapos, ganito pa. After all ng mga isyung nangyari, ipinagkaloob pa rin sa akin ang role. Ewan ko. Sobrang suwerte ko talaga!" masaya niyang pahayag.

Hindi itinanggi ni Dennis na dahil sa nangyaring isyu sa kanya at sa pagdating ng kanyang anak with Carlene Aguilar, lalong hindi niya inasahang may ibibigay pa sa kanyang opportunity na mas maganda kaysa sa mga ginaganapan niya ngayon na leading man nga siya, pero hindi naman siya ang nasa title role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Ever since naman, never, e. Simula nang mag-start ako ng GMA hanggang ngayon, hindi pa ‘ko gumagawa ng mga title role. Ako lang palagi yung leading man. Kaya never akong umasa talaga...lalo pa ngayon, ‘di ba? Pero yun pala, after all ng mga nangyari, nandiyan pa rin ‘yung pagmamahal at pagtitiwala ng network sa akin."

May three weeks na raw siguro since he found out about his new project, pero hanggang ngayon daw, kapag naiisip niya, tila hindi pa rin siya makapaniwala.

"Siyempre, iniisip ko na lang, gagalingan ko na lang talaga para hindi masayang at hindi mapahiya sa akin yung mga boss namin na ipinagkatiwala sa akin ang show na ito, ‘di ba?"

Would he say, it pays to be loyal?

"Oo, oo!" maagap niyang sabi.

"At saka, loyal naman tayong talaga. At kaya naman ako loyal dahil alam ko na hindi nila pababayaan ang mga artista nila. At kahit paano, ilang taon na rin naman ako sa GMA.

"Minahal ko talaga ang network at minahal ko talaga ang mga nakatrabaho ko. Siguro, kunsuwelo na rin sa akin na ginagawa nila at ibinibigay nila sa akin ang lahat ng ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN