Regine Velasquez talks about relationship with Ogie one year after admitting it

"Nagpapasalamatkami dahil nalampansan namin. ‘Tsaka ang dami talagang sumuporta na tao. Maramiang nag-try na intindihin yung sitwasyon namin," says Regine Velasquez about the trials that she and boyfriend Ogie Alcasid (inset) faced after admitting their relationship.



Isang taon na angnakalilipas magmula nang ilantad ni Ogie Alcasid sa YES! magazine ang tunay narelasyon nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Nakasabay ito sapagpapalabas ng pelikula ni Regine, katambal si Piolo Pascual under Star Cinema,ang Paano Kita Iibigin.

Ilang taon dinginilihim nina Ogie at Regine ang kanilang tunay na relasyon sa publiko. Butlast year, nagdesisyon si Ogie na aminin ang matagal nang bulung-bulungantungkol sa kanila ni Regine.

Sa presscon nganimated film na Urduja last Saturday, June 7, sa Imperial Palace Suites ayipinaalala namin kay Regine ang paglalantad nila sa publiko ng kanilangrelasyon.

"Siyempre, I'm veryhappy, pero ano na yun, e... Natutuwa nga ako dahil accepted na ng mga tao. Happykami na a lot of people understand. At least, they're trying to understand therelationship and the situation. Parang hindi na ngayon nga pinag-uusapan.Parang normal na," pahayag ni Regine.

After a year, anoang assessment niya sa relasyon nila ni Ogie at ang reaksiyon ng mga tao sakanila?

"At the beginning,siyempre maraming mga negative. Although like I said, marami rin yung who triedto understand and I'm really very thankful," saad ni Regine.

Inisip ba niya namagiging mabilis ang pagtanggap at maiintindihan sila ng publiko sa kanilangrelasyon?

"Marami kaminghesitations noon that's why we didn't come out right away because we're reallyscared that people would judge us. We are, unfortunately, in a business naconstantly being judged, di ba?

"Kahit ano'ng gawinmo, tumaba ka lang ng konti, pumayat ka lang ng konti, yung people are alwayslooking at you na parang may malaking-malaking magnifying glass. So we werereally, really scared; not just for our families, but as individuals who arealso scared about our careers. I mean, this is our livelihood. Natatakot kamina kapag umamin kami... Siyempre maliit na parte lang yun, but still, ito pa rinang kabuhayan namin. Natatakot kami baka hindi na kami suportahan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nagpapasalamatkami dahil nalampansan namin. ‘Tsaka ang dami talagang sumuporta na tao. Maramiang nag-try na intindihin yung sitwasyon namin. Kasi parang, hindi rin namankami masasamang tao. As much as possible nga, ayaw naming mang-agrabyado ngtao. Kaya lang, we were put into this situation. Of course, ayaw naming maymasaktan pero nangyari yun. Hindi rin namin din lahat gusto yun."

WEDDING PLANS. Kasunod na ba nitoang pinaka-inaabangang kasal nila ni Ogie ngayong taon?

"Ang next, ofcourse, napapag-usapan namin. Puwede naman yun, dadating yun. Hindi pa naminmapag-usapan kasi nga, we still have to settle a lot of things," pahayag niRegine, na ang tinutukoy ay ang annulment ng kasal ni Ogie sa asawa nitong isMichelle Van Eimeren.

Baka maunahan pasila nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nababalitang ikakasal saNobyembre ngayong taon?

"Dapat lang, I'mhappy for them. They are my friends. Go! Mas matagal naman sila, e. Nauna naman sila," depensa ni Regine.

Hindi kamisumang-ayon sa sinabi ni Regine dahil sa pagkakaalam ng marami, more or less ayfive years na silang magkarelasyon ni Ogie. Pero noong 2007 lang sila umamin.

"Oo, nga,"pagsang-ayon niya.

May idea na ba siyakung ano na ang development ng annulment case nina Ogie at Michelle?

"Actually, meron,pero I'm not supposed to talk about it," pag-iwas niya,

Binigyan na ba siyani Ogie ng engagement ring?

"Wala pa,manghihingi pa lang ako!" biro niya.

REGINE'S SHORT HAIR. Sabi ni Ogie,nami-miss na niya ang long hair ni Regine.

"Oo nga, kasi ngamatigas ang ulo ko. Gusto ko ng short hair. Inuuto ko nga siya. Sabi ko nga sakanya, ‘Ayaw mo nun para kunyari iba yung girlfriend mo.' Kaya ako nagpaputolng buhok ko," natatawa niyang kuwento.

Hahaba naman dawulit ang buhok niya after a year. "E,kung hindi, magwi-wig ako, bakit hindi!" tawa niya ulit.

PROUD OF "URDUJA." Samantala, proud naproud si Regine sa kauna-unahang animated movie na nilapatan ng kanyang boses,ang Urduja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First of all, hindiito kasama sa pangarap ko," sabi ng actress-singer. "Kumbaga, bonus ito nabinigay sa akin na pagkakataon. Di ba, kapag nanonood ka ng mga cartoons, sinaDemi Moore, Brad Pitt yung nagbo-boses? Parang nakakatuwa, and Urduja camealong.

"So when I was askedto do this film, hindi talaga ako nag-hesitate at nakita ko talaga nungnag-uumpisa na, nagda-dubbing na kami, meron kaming konti-konti na nakikitanganimation.

"I feel very proudand one thing also, alam ninyo yung mga napapanood nating animated movie fromWalt Disney, ganyan, karamihan doon mga Pilipino ang gumagawa. Hindi lang posila nare-recognize. But this time, they're being recognized and I think that'ssomething to be proud of.

"Maganda talaga yungmovie and nagpapakumbaba naman kami na hindi nga namin kayang pantayan yung...First of all, masyado na silang advanced. Masyado rin silang maraming ginawa atmasyado ring marami silang money. PeroUrduja is something to be proud of.

"If you watch the movie it's a very, verybeautiful movie. Pilipinong-Pilipino. May love story, pero meron ding conflictna makikita. Makikita rin natin doon yung ating kultura," pahayag ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN