"PBB Teen Edition Plus" runners-up Beauty and Nicole answer issues and controversies

by Julie E. Bonifacio
Jun 10, 2008
Teen housemates Beauty Gonzalez (left) and Nicole Uysiuseng (right) answered all issues and controversies involving them after coming out from Pinoy Big Brother house.

Katulad ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus big winner na si Ejay Falcon at second teen placer na si Robi Domingo, na-interview rin ng The Buzz last Sunday, June 8, and third and fourth placers na sina Nicole "Nikki" Uysiuseng at Christine Marie "Beauty" Gonzalez.

BEAUTY. Tanggap daw ni Beauty ang lahat ng hindi magagandang akusasyon sa kanya ng paglabas niya ng Bahay ni Kuya. Una na rito ang pagiging taksil niya diumanong kaibigan.

"Inamin ko po naging taksil ako at alam ko po ang kasalanan ko," sabi ni Beauty. "Pero naghingi na ako ng patawad at nag-usap na po kami, kami ni Rona."

Kung meron daw siyang unang dapat kausapin ngayon na ex-housemate niya, ito'y walang iba kundi si Rona Marie Libby.

"Si Rona, balikan ko siya. Mag-usap kami. Hihingi ako ng sorry ‘tsaka kung ano ang nangyari sa loob ng bahay, sana kalimutan na ‘yan," saad niya.

Continue reading below ↓

Bago pa man daw lumabas ng Bahay ni Kuya si Rona ay nagkaayos na sila at doon natutunan ni Beauty ang lesson ng pagpapakumbaba.

"Yes, I'm open to people who told me na kung ano ang mga mistakes ko. And I'll accept it and open to change my attitude."

Sinabihan din na OA si Beauty ng mga televiwer dahil sa pagiging sobrang iyakin niya sa loob ng PBB house.

"Alam ko naman po OA, pero dapat ko ipalabas ang iyak ko kasi kung hindi, maloka ako doon. Iyak talaga ako nang iyak, ganun. Pero okey lang. Kaya tumaba ako kasi yung depression ko, ipinalabas ko sa kain. ‘Tapos walang magawa at ang sarap ng pagkain," sabi ni Beauty, na halatang-halata pa rin ang puntong Bisaya.

Tinanong si Beauty ng The Buzz host na si Ruffa Gutierrez kung ano ang waist line niya bago siya pumasok ng bahay ni Kuya.

"Huwag na po, please!" tanggi naman ni Beauty.

Continue reading below ↓

Natanong din kay Beauty kung nagkita na ba sila ng "boyfriend" niya sa loob ng Bahay ni Kuya na si Alex Anselmuccio na taga-Italy.

"Kagabi [June 7] nagkita kami, pero hanggang tinginan lang kami po."

Ipagpapatuloy ba nila ni Alex ang naputol na relasyon nila sa loob ng Bahay ni Kuya?

"Hindi ko po alam kasi marami pang dapat ayusin."

Nakipag-break na ba si Alex sa girlfriend niya?

"Hindi ko po alam. Yun ang una kong itatanong sa kanya kapag nagkita kami, ‘Na-break mo na ba?'" tawa niya.

Hindi ba sumama ang loob niya na hindi siya ngaing Big Winner?

"Hindi po," sagot ni Beauty. "Kasi hindi ko talaga inakala na aabot ako sa Big Four. Kasi yung attitude ko po pasaway, maingay. Inaamin ko po talaga."

Ano ang unang-una niyang gagawin ngayong nasa labas na siya ng Bahay ni Kuya?

"Magpapapayat po ako," diretso niyang sagot. "Bigyan n'yo po ako ng two weeks. Nag-start na ako kanina. Ayaw ko na kumain ng marami."

Continue reading below ↓

Anong klase ng pagda-diet ang ginagawa niya?

"After six po. Kung may alam ako kung saan meron dito, magdyi-gym ako."

Itinanggi ni Beauty na pinakamayaman ang pamilya niya sa Dumaguete.

"Hindi po, parang may kaya lang po."

Spoiled brat daw siya?

"Opo, aaminin ko yan," nahihiyang sabi ni Beauty.

Only daughter lang daw kasi siya at youngest pa sa pamilya kaya masyado raw siyang na-pamper sa pagmamahal. Plano niya bang baguhin ang ugali niyang ito?

"Opo, kasi hindi ako aasenso kung ganito lang ako palagi."

Gusto ba niyang mag-artista?

"Kung bigyan ako ng chance. Kahit ano pong role."

Ano ang gagawin niya sa napanalunan niyang cash prize na P200,000?

"Bigay ko sa parents ko sa lahat ng paghihirap niya sa akin," sabi ni Beauty.

NICOLE. Itinanggi ng third teen placer na si Nicole ang akusasyon ng iba na umikot lang ang mundo niya sa dating kasama sa Bahay ni Kuya na si Marc Josef Elizalde. Very open din ang ina ni Nicole sa pagtutol niya sa namuong closeness nila ni Josef sa loob ng PBB house. Una, dahil kapwa may karelasyong iba sa labas ng Bahay ni Kuya sina Nicole at Josef.

Continue reading below ↓

Sa The Buzz ay ipinaliwanag ni Nicole ang tunay na estado ng relasyon niya sa kanyang boyfriend bago siya pumasok ng Bahay ni Kuya.

"Sinabi ko naman na nung pumasok ako sa Bahay ni Kuya, sobrang malabo na po. Pero wala pang closure. ‘Yan ang gusto kong ayusin sana paglabas. Pero ngayon, hindi ko pa siya nakakausap," pahayag ni Nicole tungkol sa kanyang boyfriend.

Kailangan daw makausap niya ang kanyang boyfriend nang masinsinan. Hindi naman masabi ni Nicole kung sa pag-uusap na yun ay tuluyan na siyang makipag-break sa boyfriend niya or give the relationship another try.

Sa Big Night ng PBB Teen Edition Plus ay muli silang nagkita ni Josef after a month ng pagkakahiwalay. Ano ang naramdaman ni Nicole nung makita niya ulit si Josef?

"Ah, masaya," kasunod ang matamis na ngiti ni Nicole.

Hindi pa raw sila nagkikita ng mommy niya as of last Sunday kaya naiintindihan niya kung bakit tutol ang kanyang ina sa pagkakaibigan nila ni Josef.

Continue reading below ↓

"Kasi yung time na yun, hindi pa alam ng mommy ko ang status ng boyfriend ko sa labas," paliwanag ng dalaga.

From scale of 1 to 10, tinanong si Nicole ng host ng The Buzz na si Boy Abunda kung nasaan doon sa puso niya si Josef.

"Six," mabilis niyang sagot.

Five lang ang ibinigay niya na points sa kanyang boyfriend kung nasaan na ito ngayon sa puso niya.

Kasunod nito ang pagbibigay niya ng mensahe sa kanyang boyfriend on national television.

"Gusto ko lang sabihin na I want to fix things. I want to talk to him properly. I don't want to do it to him this way."

Pagkatapos ay kay Josef naman siya nagbigay ng mensahe.

"Thank you sa lahat. Kasi siya ang tumulong sa akin sa loob ng Bahay to open up at makilala ako ng tao."

Nagpasalamat naman si Nicole sa lahat ng sumuporta sa kanya at naniwala. Hindi raw niya ine-expect na aabot siya sa Big Four ng PBB Teen Edition Plus.

Continue reading below ↓
"Pinakaimportanteng leksiyon natutunan ko sa loob ng Bahay is don't let others judge you. Don't let them bring you down ‘coz you don't have to please others. All you have to please is God and you know naman what is true," pagtatapos ni Nicole.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teen housemates Beauty Gonzalez (left) and Nicole Uysiuseng (right) answered all issues and controversies involving them after coming out from Pinoy Big Brother house.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results