Judy Ann and Ryan fail to attend London premiere of "Caregiver"

Judy Ann Santos and boyfriend Ryan Agoncillo (inset) were not able to attend the premiere of Sharon Cuneta's movie, Caregiver, in London. According to a report, Ryan had to rush back to Manila because of a family emergency.



By this time ay posibleng dumating na ng Pilipinas angMegastar na si Sharon Cuneta mula sa successful premiere ng Caregiver sa Rome,Italy. Pinutol ni Sharon ang pamamasyal sa Rome, pati na ang pagkikita sananila ng asawang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan" at mga anak na sinaFrankie at Miel sa U.S.

Bago ang screening ng Caregiver sa Rome ay nanggaling namansi Sharon sa London, kung saan kinunan ang 80 percent ng pelikula. Sa London ayinasahan ang pagdating sana ng magkasintahang sina Judy Ann Santos at RyanAgoncillo.

Nagpunta sina Judy Ann at Ryan sa Europe after ng birthdayni Juday last month for a vacation. Nangako raw si Juday na manonood ngpelikula ng kanyang Ate Shawie sa London. But sad to say, hindi sila nakaratingsa isa man sa screenings ng Caregiver sa London.

Mula sa TFC Global Limited na si Mickey Muñoz na nasa Europe, kinumpirma niya ang reportna hindi nga nakapanood sina Juday at Ryan ng Caregiver sa London.

Ayon kay Mickey, "Ang alam ko invited sila ni Mega to watch,pero nagpasabi na days before the screening na hindi makakarating because ofconflict of schedule. Pero dinalaw nina Juday and Ryan si Mega sa hotel thenight before the premiere.

"Si Ryan is also supposed to appear in the TFC Hour saFiesta in Dubai and Milan this week, pero kinailangan niyang umuwi saPilipinas. I think a close friend or relative ay nag-aagaw buhay kaya napauwisiya sa Pilipinas nang mas maaga. Dapat sa Tuesday pa ang uwi nilang lahat. Perohindi ako masyadong sure sa reason ni Ryan. Basta sabi niya, may familyemergency siya sa Manila."

Going back to Sharon, bumiyaheng mag-isa si Sharon pabalikng Pilipinas sakay ng Thai Airways. Dapat ay sa Cathay Pacific siya sasakayalong with JD Ching ng Star Cinema, si Penny na kanyang secretary, at si Peachyna kanyang makeup artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw kasi na-confirm ang mas maagang Cathay PacificFlight nila pabalik ng Pilipinas kaya napilitan siyang humanap ng ibang flight.Bumiyaheng mag-isa si Sharon para lang makapunta agad sa burol ng kaibigang siRudy Fernandez. Wala na rin kasing available three slots para sa tatlo paniyang kasama.

Tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang managerni Ryan na si Noel Ferrer para alamin kung may nangyari sa pamilya o kaibiganng boyfriend ni Juday. But at press time, wala pa kaming natanggap nareply from Noel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN