Lorna Tolentino: "Alang-alang kay Rudy, magpapatuloy kami ng mga anak niya."

"Mula sa umpisa, ipinagpaubaya na namin ni Rudy anglahat sa Panginoon. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya para kahitpaano, pahabain pa ang kanyang buhay. Pero hanggang doon na lang yun. Thy willbe done. Never naming kinuwestiyon ang mga pagsubok na ito, kaya lalong nagingmalakas ang pananalig namin sa Diyos sa kabila ng lahat," says Lorna Tolentino.



Kahapon, June 9, ay mas maaliwalas na ang mukha ni LornaTolentino nang humarap siya sa mga nakikiramay sa yumaong asawang si RudyFernandez. Noong unang gabing nakiramay ang grupo ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa labi ng action superstar sa Heritage Park, sa TaguigCity, ay mugtong-mugto ang mga mata niya sailang araw na ring pag-iyak sa sinapit ng asawa.

"Noong Linggo [June 8] kasi, umidlip lang ako ng ilang oras. Naramdamanko na lang na parang may malamig na hanging humaplos sa akin. Parangnaalimpungatan ako. Palagay ko, pagpaparamdam na yun ng asawa ko na maayos nasiyang nakakapagpaalam sa akin.

"Sa pagpikit ng mga mata ko, nakakatulog lang ako ngkonti, akala ko siya [Rudy] yung biglang manggigising sa akin. Pagdilat ng mga matako, si Precy [Ejercito, Jinggoy Estrada's wife] pala, kinukumutan ako,"nangingiting kuwento ng biyuda ni Daboy.

Kahapon ay medyo humupa rin ang dami ng mga taga-showbiz nadumalaw sa burol ni Daboy. Understandable yun dahil simula na ng pagbubukas ngmga klase sa eskuwelahan ngayon.

"Yun yung time na sinasamantala namin paramakipag-meeting sa ilang mga kaibigan at kamag-anakan," sabi ni Lorna. "Ilangbagay na hindi naman puwedeng ako lang ang magde-decide, kung hindi yunghihingin ko rin siyempre ang opinyon at masasabi ng mga malalapit na kamag-anakng asawa ko.

"Pero kailangang naririto pa rin kami para harapin angpublikong nag-aabalang pumunta rito para makiramay. Sa kanilang lahat,nagpapasalamat ako kasama ang aming pamilya ni Rudy sa kanilang tulong attaos-pusong pakikiramay."

THY WILL BE DONE. Inamin ng aktres na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sakanyang alaala ang mga huling sandali ng mister niya na kapiling siya.

"Yung pinakamasakit na ungol niya, ramdam na ramdam kopa rin," at medyo nangilid pa rin ang mga mata ni LT. "Naririnig kopa rin, at talagang may mga sandaling iniiyakan ko pa rin.

"Mula sa umpisa, ipinagpaubaya na namin ni Rudy anglahat sa Panginoon. Ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya para kahitpaano, pahabain pa ang kanyang buhay. Pero hanggang doon na lang yun. Thy willbe done. Never naming kinuwestiyon ang mga pagsubok na ito, kaya lalong nagingmalakas ang pananalig namin sa Diyos sa kabila ng lahat," very positive nasabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang dahilan kung bakit very admirable ang katatagan ngloob at pananalig ni Lorna sa kabuuan ng paglalakbay nilang mag-asawa para sapakikipaglaban sa pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan nilang mag-asawa sanakaraang dalawang taon.

"Sa mga ganitong pagkakataon, wala ka namangpanghahawakan kung hindi yung pananalig mo sa Kanya," sabi niya. "Naroroonagad ang pagtanggap. Pero hindi kami nawawalan ng pag-asa na kung makakagawakami ng paraan, may maitutulong pa rin yun para pahabain ang buhay ng misterko.

"Kung hanggang doon na lang talaga yun, Diyos ang nakakaalam,at ang kasagutan sa mga tanong ay malalaman din sa takdang panahon. Basta ako,never kong kinuwestiyon ang lahat ng kaganapang ito at hinarap ko na lang,bilang pagbibigay ng lakas ng loob pa sa asawa ko noong nabubuhay pa siya."

ALL PROPERLY PLANNED. Lahat halos ng mahahalagang desisyon ay naihabilin ni Daboysa asawa bago ito nalagutan ng hininga.

"Pati itong sa Heritage Park, napadaan lang kami ritonoon. Nabanggit na niya na kung sakali, dito niya gustong puntahan siya ng mganagmamahal sa kanya.

"Naging praktikal naman kami. Pero hanggang sa hulingsandali, hindi talaga ako sumuko. Naiiyakan ko ang mga nasasabing pagtanggap nani Rudy sa kanyang sitwasyon, pero ako yung gusto pa ring lumaban, hangga'tmakakaya. Ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Ikaw dapat ang magiginglakas niya," pahayag ng asawa ni Daboy.

Haharapin ni Lorna ang bagong kabanata ng buhay niya ngayongwala na ang kanyang asawa nang mas matapang.

"Pero, hindi na siya mabubura sa puso ko," nakangitiniyang sabi. "Inihanda rin niya ako para rito. Alang-alang kay Rudy,magpapatuloy kami ng mga anak niya, sina Mark [Anthony], Ralphe at Renz, lahatng mga nagmamahal sa kanya, para sa higit pang pagsubok ng buhay,"pagwawakas ni Lorna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN