Jericho Rosales widens horizon with his SAG membership card

"Expect a new Jericho, new projects, and there are a lot ofthings which I still want to share with you. Be it music, acting, directing, orwhatever it is. For sure, all you people will be a part of it. Kasama na lahatkayo sa considerations ko. Salamat," says Jericho Rosales.


Ang pagtanggap finally ng young actor na si Jericho Rosalesng SAG (Screen Actors Guild) membership card from Hollywood ay magsisilbing pasaporteniya para palakasin ang kanyang international acting career. Ang balak nga niEcho, ang palayaw ni Jericho, ay samantalahin ang paghawak nito nang sa gayo'y makapag-audition siyafor some meaty parts in Hollywood productions.

"Hindi lang 'yan, marami pa akong gustong gawin,"sabi ni Echo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I think, masmaganda nga ang takbo ng lahat sa ngayon, and I will never go wrong. Nakakasulatuli ako ng mga bagong kanta. Para na yun sa susunod na album.

"I am very happy because after the hard times, bumalik akorito sa ABS-CBN na mayroon silang magagandang plano for me. Bumisita nga uliako sa Talent Center. I did the rounds in some radio stations, and I'm sooverwhelmed to know na hindi nagbabago ang suporta nila sa akin. Hindi koini-expect na naroroon pa rin ang suporta ng mga executive ng Kapamilya Networksa akin. I feel so loved."

Sa hirap man o sa ginhawa, Echo owes a lot to the public,na hanggang ngayon, sumusuporta sa kanya.

"Wala naman akong masasabi kung hindi yung magingthankful na lang sa patuloy nilang pagtanggap, at ayokong mabigo sila sa mgainaasahan nila sa akin ngayon. Sa bandang huli, palagay ko, may mangandangbagay na naghihintay sa akin.

"Expect a new Jericho, new projects, and there are a lot ofthings which I still want to share with you. Be it music, acting, directing, orwhatever it is. For sure, all you people will be a part of it. Kasama na lahatkayo sa considerations ko. Salamat," pahayag ng young actor-singer.

TALES FROM MALAYSIA. First week of April, bumalik na si Jericho sa Malaysia parasa commitment niya roon for a teleserye. Ratsada raw agad sila ng taping doon. Angunang location daw ay sa may Camaron Islands, four hours travel daw from KualaLumpur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tea plantations yun bale, and very beautiful!" sambitni Echo. "First time ko ngang nakakita ng tea plant, and my gosh, gabundokna tea plants talaga, as in files, wonderfully planted. Ang ganda talaga!

"Masaya working with Malaysian actors, kasi parang mgaPinoy rin. Asians din, pero iba yung food nila, yung culture. May language barriernoong una, kaya mahirap. For a while, marami sa mga kasama namin, sumasakit naang leeg nila dahil hindi nga magkaintindihan. Just have to adjust, lalo na safood, laging spicy kasi," kuwento niya.

Ang leading lady niya rito ay si Carmen Soo, whomhe describes as very professional. Half-Chinese daw ito, half-Malaysian,half-something else.

"British colony nga raw sila kaya may halo na rinsiyang British," sabi ni Echo. "Two months kami sa Malaysia at dire-deretsoang trabaho. Twelve to sixteen hours of shoot kami everyday, pero tuloy-tuloy.

"Comfortable ako sa ganoon. Working in a differentcountry, na nandodoon lang ako, just to work. Walang distractions. I love theworking hours, nakakapag-concentrate talaga ako. Strict sila sa working hours.At a certain time, kailangang tapusin na. Minsan lang talaga nangyayari yungkailangang mag-extend. But most of the time, we stick with the schedule.

"Yung mga artista dasi roon, may Malaysian names sila,may English names. Like Carmen Soo, parang si Zhang Ziyi, kapag sa English,Ziyi Zhang siya. Baligtad. Medyo complicated. Yung isang co-actor ko doon,Ahwal ang name niya na alam ko. Depende kasi yung surname nila kung Muslimsila, or Chinese. There's also Louisa Chong, who's Chinese.

"Marami pa sila, but I can't remember the names talaga.Sa Pinoy co-actors, kasama ko sina Christopher de Leon, Albert Martinez, andEmpoy, who plays my sidekick. Pareho kaming pulis," lahad ni Jericho.

HOLLYWOOD PRODUCTION. Nag-audition naman si Jericho noon for I Love U Bug na isangHollywood production by a Fil-Am filmmaker, si Francis dela Torre. Lucky enoughsi Echo na matanggap dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dito lang naman ang shooting sa Manila. But we stillhave to shoot the remaining scenes in San Francisco. I got the chance to workwith Dean Cain, Dante Basco, and Briana Evigan. All have worked in Hollywoodmovies.

"Kami pa ni Heart [Evangelista] noon, and it was herbirthday when I went to the audition. I was with Heart also when I learned thatI passed the auditions. Nauna ko pang malaman from someone from the production,who I met again in Rockwell, when we went to see a movie, kami ni Heart.

"Napalundag talaga ako sa mall sa sobrang tuwawhen I learned about it. So this opportunity opened the doors for me, and I wasgiven nga my SAG card for having worked with an American production," saadni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN