Alessandra de Rossi is "proud and flattered" to be Piolo Pascual's leading lady

"Honestly, proud siyempre at flattered. Hindinaman kami puwedeng magsama sa TV dahil magkaiba kami ng station, so thankfulako kahit sa pelikula, maka-partner ko siya," says Alessandra de Rossi about being the leading lady of Piolo Pascual (not in photo) in one of the episodes of Manila.



Alessandra de Rossi isproud to be dark-skinned and prouder to be Piolo Pascual's newest leading lady.

With Alex in theinterview seat, it is always freewheeling and on the fun side, ‘tulad ngcontract signing with a new dermatological center Simply Perfect Face &Body sa The Block sa SM City North EDSA kahapon, June 10.

Late ng kalahatingoras si Alex, but only because ito raw ang ibinigay na call time sa kanya nghandler niya sa DMV Entertainment. First endorsement ito ni Alex for adermatological center and she's happy na kahit daw gano'n ang kulay niya, siyapa rin ang napiling mag-endorse ng bagong tayong company ni Dr. Kelyn Sy.

"Aba, sino pang negraang kilala mong nag-e-endorse ng mga ganitong clinic, di ba?" sagot ni Alex saamin on why she finally accepted to do the endorsement.

"Kung gusto nilapaputiin nila ako sa tamang halaga, charos!" sabay bawi at tawa.

Sa totoo lang kasi,proud si Alex sa kulay niya at ayaw na ayaw niyang magpaputi.

"Di sana matagal naakong lumaklak ng glutathione, ‘no!"

Ayon kay Dr. Sy,exceptionally beautiful daw kasi si Alex ‘tsaka honest, very sincere,confident, and not afraid to speak her mind.

FIRST TIME WITH PIOLO. The same qualities din ang balitang naging basehan ng grupo ng producers na gagawa ng twinbillmovie na Manila, kung saan isa si Piolo Pascual sa mga producer and will alsobe the lead in the two stories.

Personal choice palani Piolo si Alex na maging partner nito sa Lino Brocka's Jaguar-inspiredepisode to be directed by Adolf Alix.

"Kasi ang kailangandaw, puwedeng gumanap na model, mataas, maganda, marunong umarte. Meron pa bangiba?" pagbibiro na naman ni Alex.

How does it feel to bePiolo's next leading lady?

"Ay, very Angel [Locsin]!"sabay tawa ulit nang malakas. "Honestly, proud siyempre at flattered. Hindinaman kami puwedeng magsama sa TV dahil magkaiba kami ng station, so thankfulako kahit sa pelikula, maka-partner ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba kasi si Piolo,total package. May iba, guwapo lang, yung iba marunong lang umarte, may iba charismalang. Siya, lahat. Mas may karapatan siyang matawag na artista kesa naman saiba diyan..."

Like?

"Magpa-name droptalaga?" sagot niya.

Bagamat nagkikita nasina Piolo at Alex in different showbiz occasions, hindi pa sila nagkakausap nangformal or at least properly introduced.

"Ano, sa mga parties...Sa isang award night, naaalala ko noon inalalayan niya ako pababa ng hagdanan.O, di ba, ang bait? Hindi pa kami magkakilala noon, pero inlalalayan niya ako.Piolo na siya noon, ako award-winning actress pa lang kasi ako ang nanalo thatnight!" tawa niya.

Alex is also confidentthat they will hit it off.

"Kasi pareho namankaming Christian, so mayroon kaming mapapag-usapan. May saysay ang kuwentuhan namin,"aniya.

In Manila, Alex willplay a model and girlfriend to businessman Jay Manalo na gina-guwardiyahannaman ni Piolo sa pelikula.

Wala raw silang bedscenes at sa pagkakatanda ni Alex, wala rin silang kissing scene ni Piolo.

"Pero sige, para sainyo, magpapalagay ako sa script, charos!"

Dapat sana ay last Monday, June 9, ang first shooting day ng episodenila ni Piolo sa Manila, kung saan bukod kay Jayay makakasama rin sina Ms. Anita Linda and Jiro Manio. Kaso, masyadongnahihirapan ang production na makahanap ng free time sa schedule ni Piolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN