Annabelle Rama honors Daboy's request for her to reconcile with Lolit and Lani

Before her "kabarkada" Rudy Fernandez died, he requested herto make peace with Lolit Solis, Sen. Bong Revilla and wife Lani Mercado. "Kayanoong lumapit at bumati sa akin si Bong, binati ko na rin siya. ‘Tapos lumapitdin sa akin si Lani, binati ko na rin siya. ‘Tapos noong nasa burol na kami niDaboy sa Heritage, si Lolit naman ang bumati sa akin. So, binati ko na rinsiya. Kaya okey na lahat para sa akin.," reveals Anna



Dahil na rin sa matagal nang kaibigan ni AnnabelleRama ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez, tinupad nito anghuling kahilingan nito na makipag-ayos na kina Lolit Solis at sa mag-asawangSen. Ramon "Bong" Revilla Jr. at Lani Mercado.

Kinuwento nga ni Tita Annabelle sa press conference ngcomeback movie niya na My Monster Mom ng Regal Entertainment at GMAFilms na ginawa niyang batiin sina Lolit, Sen. Bong, at Lani dahil na rinsa request iyon ni Daboy noong nabubuhay pa ito.

"Si Daboy kasi, mahal ko ‘yang taong ‘yan. Matagal ko nangbarkada ‘yan noong dalaga pa ako. Kaya mahirap ko siyang tanggihan talaga.

"Noong medyo malakas pa siya at papunta sila ni Lorna[Tolentino] sa Amerika, hiniling na niya sa akin na makipag-ayos na ako kayLolit at kina Bong at Lani. Sinabi ko naman kay Daboy na okey lang sa akin iyonpero hindi muna sa pagkakataong iyon. Galit na galit pa kasi ako that time kayasinabi ko kay Daboy na huwag muna ngayon. Magagawa ko namang kausapin sila perohuwag lang ngayon.

"'Tapos noong bumalik na nga sila ni Lorna at grabe na angsakit ni Daboy, dumalaw ako sa bahay nila. E, nagkataon na nandoon sina Bong atLani. Naisip ko tuloy ang request ni Daboy sa akin. Alangan namang hindi kopagbigyan si Daboy e malubha na ang karamdaman ng tao?

"Kaya noong lumapit at bumati sa akin si Bong, binati ko narin siya. ‘Tapos lumapit din sa akin si Lani, binati ko na rin siya. ‘Taposnoong nasa burol na kami ni Daboy sa Heritage, si Lolit naman ang bumati saakin. So, binati ko na rin siya. Kaya okey na lahat para sa akin.

"Ako naman wala akong gustong maging kaaway. Pero dahil ngasa hiling ni Daboy na maging okey na sana kaming lahat, tinupad ko iyon. Ganyanko kamahal si Daboy kaya okey na kaming lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanghihinayang nga si Tita Annabelle na hindi namapapanood ni Daboy ang comeback movie niya na My Monster Mom.Tuwang-tuwa pa naman daw si Daboy nang ikuwento ni Tita Annabelle namagpepelikula siya ulit. Aabangan daw iyon ni Daboy pero mas nauna pa angpagpanaw ni Daboy kesa sa showing ng pelikula ni Tita Annabelle.

"Alam kong matutuwa si Daboy sa pagbabalik-pelikula ko.Sayang nga at di na niya ito naabutan. Kasama parati si Daboy sa mga dasal koat siyempre, ang pagiging monster hit ng pelikula ko," pagtatapos ni Ms.Annabelle Rama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN