Kim Chiu on Enchong Dee's plan to court her: "Bolero ‘yan! Di ako naniniwala!"

"Mabait si Enchong, masarap siyang kasama, okey naman siyaas a friend pero kung may pag-asa ba siya? Di natin alam ‘yan. Ewan ko, ewanko sa kanya," says Kim Chiu about Enchong Dee (inset, top). She feels closer with Gerald Anderson (inset, bottom), her partner in My Girl.



Sa pocket presscon ni Enchong Dee few weeks ago, he admitted how much she admired Kim Chui and his plan to court the young actress.

Ayon kay Enchong, di siya naniniwala sa sinasabing specialrelationship between Kim and Gerald Anderson dahil di naman niya nakikitang close osweet ang dalawa sa isa't isa.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) had an interviewwith Kim recently in ABS-CBN, nagpahayag ang young actress na hindi siyananiniwala sa sinabing ito ni Enchong, lalo't wala naman daw move na ipinapakitasa kanya ang aktor na may balak nga talaga itong manligaw sa kanya.

"Si Enchong, bolero‘yan. Ewan ko sa kanya. Di ako naniniwala sa kanya. Puro siya biro. Purotawanan nga kami sa set. Puro biruan."

Dagdag na pinaliwanag pa ni Kim, hindi naman daw siyaang laging kasama ni Enchong nang magkakasama pa sila nito sa isang workshop ngABS every Sunday mula pa noong January.

"Magkakasama kami sa isang workshop here in ABS every Sundaymula pa nung January at ang laging kasama ni Enchong ay si Empress [Schuck] athindi ako."

Wala rin daw espesyal na pinapakita sa kanya ang aktor. Pati nga raw sa minsang communication nilathrough texts ay walang personal na tanungan sa mga nangyayari sa buhay-buhaynila.

"Minsan nagte-text siya, ‘Uy, punta ka sa party ni Ganito?'Pero ganun lang. Wala yung, ‘Kumusta ka na? Anoang ginagawa mo?' Walang ganun."

Nang tanungin namin kung may pag-asa ba si Enchong saka-sakaling manligaw ito sa kanya, di naman itinago ni Kim na nababaitan siyadito pero hindi siya nagbibigay ng malinaw na sagot kung may aasahan ba ito sakanya o wala.

"Mabait si Enchong, masarap siyang kasama, okey naman siyaas a friend pero kung may pag-asa ba siya? Di natin alam ‘yan. Ewan ko, ewanko sa kanya."

Sa sinabi naman ni Enchong na di sila nakikita ni Gerald naclose o sweet sa set ng My Girl, may paliwanag naman na ibinigay sa aminang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kasi magkahiwalay kami ng unit ni Gerald, ‘pagnagkikita kami. Ano lang, isang eksena lang sa unit na yun pero aalis na siyaagad. Kami ni Enchong ang laging magkasama sa set."

But sa kabila ng sinabi ni Kim na sila ang laging magkasamani Enchong sa set ng My Girl, pinili naman niya si Gerald na higit namas malapit sa kanya dala na rin ng tagal ng kanilang pinagsamahan kumpara kayEnchong.

"Mas malapit sa akin si Gerald. Siya yung matagal ko nangkasama, si Enchong, every Sunday lang nung January, 'tsaka sa taping ng My Girl.Siyempre iba yung friendship na namin ni Gerald."

GERALD IS DOWN. Balita na bumagsak daw at ilang arawnagpahinga mula sa taping ng My Girl si Gerald dahil sa taas nglagnat nito. Sa tanong namin kung every now and then ba ang pangungumusta atpag-a-update niya sa kalagayan ng kapareha, klinaro sa amin ni Kim na hindiniya tinatawagan ang kapareha dahil ayaw niyang makaistorbo dito.

"Hindi niya kinaya, bumagsak nga siya nung kinukunan yungreaction shots niya, sabi niya, teka lang daw tapos umupo na siya kasi dumilimdaw ang paningin niya.

"Minsan nagte-text ako, pero di ako tumatawag kasi nandunnaman yung handler niya. ‘Tsaka ayokongmakaistorbo, nagpapahinga yung tao."

Marami ang pumupuri sa acting na ipinapakita ni Kim as Jasminsa My Girl. May iba namang bumabatikos sa acting naipinapakita naman daw ni Gerald as Julian at paminsan-minsang bulol daw napagsasalita nito ‘pag nagda-dialogue. May depensa naman si Kim para sakapareha.

"Mahirap kasi yung role niya as Julian, parang ginawa siyangsobrang matured pero ganun talaga ang role niya na masungit, strict. But let'sgive him chance and more time.

"Dun naman sa mga pumupuri sa akin, sobrang nakakatuwa kasinaa-appreciate pala nila. Nung una takot na takot ako kasi may mga negative nalumalabas na balita pero nung ipalabas na yung My Girl and sabi nila okeydaw, natutuwa daw sila, dun naglubag ang loob ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN