PBB Teen housemate Robi Domingo happy to be second placer

by Rommel R. Llanes
Jun 12, 2008
"I guess God has His reason kung bakit naging second placer lang ako. But still, I'm happy po dahil winner pa rin naman ako," says Pinoy Big Brother Teen Edition Plus second placer Robi Domingo.

Ang Atenistang si Robi Domingo ang itinanghal na second teen placer sa Big Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus na ginanap sa Araneta Coliseum last Sunday, June 8. Pero maraming supporters ni Robi ang hindi matanggap na second placer lang ang kanilang idolo sa Big Winner na si Ejay Falcon.


Pero para kay Robi, tanggap niya kung anuman ang naging resulta. Blessed na rin naman daw siya dahil napasama siya sa Big Four at itinanghal pang second teen placer.

"I guess God has His reason kung bakit naging second placer lang ako. But still, I'm happy po dahil winner pa rin naman ako," sabi ni Robi sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na binigay ng ABS-CBN para sa Big Four ng PBB na ginanap noong June 10 sa ELJ Building.


Sa ngayon ay freshman si Robi sa Ateneo. Health and Science ang kursong kinukuha niya rito.

Continue reading below ↓


Hindi pa raw nagkakaroon ng girlfriend si Robi maski minsan.

"Darating din naman po ang time na magkaka-girlfriend. Pero sa ngayon ay hindi yun ang priority ko," aniya.


Ngayong nakalabas na ng PBB house si Robi, siguradong malalaking opportunities ang naghihintay sa kanya sa showbiz. Artistahin naman kasi ang dating ng binata. Hindi pa nga siya artista at PBB housemate pa lang ay marami na siyang supporters. What more kung naging isa na siyang ganap na artista.


"Hindi ko pa po alam kung ano plans ng ABS-CBN sa amin. Pero sa ngayon po, ang alam ko ay magiging busy kami sa mga TV guesting," aniya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I guess God has His reason kung bakit naging second placer lang ako. But still, I'm happy po dahil winner pa rin naman ako," says Pinoy Big Brother Teen Edition Plus second placer Robi Domingo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results