Gerald Anderson won't stop Enchong Dee from courting Kim Chiu

"Tao si Enchong athindi mo puwedeng pigilan ang isang tao kung sino ang magugustuhan niya, rightniya yun. Wala akong magagawa dun, di ba? Kanya-kanyang laban ‘yan, laban niya yun. ‘Tsaka na kay Kim yun, hindisa akin, kasi siya yung babae," says Gerald Anderson about Enchong Dee's (inset, bottom) statement that he wants to court Kim Chiu (inset, top).



Inamin ng youngactor Enchong Dee na may special feelings siya sa co-star niya sa My Girl na siKim Chui at balak niyang ligawan ang dalaga. Dahil dito, pumasok agad sa isip ngiba ang katanungan kung ano ang magiging reaksiyon ng ka-love team ni Kim na siGerald Anderson.

Sa pakikipag-usap ngPEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald, sinabi niya na hindi siyanangangamba dahil karapatan naman daw ni Enchong na magustuhan ang kahit nasino, kahit pa si Kim.

"Tao si Enchong athindi mo puwedeng pigilan ang isang tao kung sino ang magugustuhan niya, rightniya yun. Wala akong magagawa dun, di ba? Kanya-kanyang laban ‘yan, laban niya yun. ‘Tsaka na kay Kim yun, hindisa akin, kasi siya yung babae," pahayag ni Gerald.

Sinabi rin ni Geraldna kahit manligaw si Enchong kay Kim ay hindi maaapektuhan ang magandangsamahan nila ng kapwa young actor.

"Hindi kamimagkakaaway because of that. Kasi kaibigan ko si Enchong, lagi kamingmagkakasama sa taping ng My Girl and we're okay," aniya.

Malaki angposibilidad na kung ipagpapatuloy ni Enchong ang panliligaw kay Kim ay maaaringkausapin nito si Gerald at magpaalam out of respect na rin sa kanya. Sabi naman ni Gerald, sa ganitong sitwasyon ay hindi na niya alam angmagiging reaksiyon niya.

"Siguro ‘pagkinausap na niya ako, dun ko pa lang talaga malalaman kung ano ang magigingreaction ko. Sa ngayon kasi talaga, hindi ko pa alam. Wala rin naman akongbalak to ask Kim about that."

Lumabas din sa interviewni Enchong na hindi siya naniniwala na may espesyal na relasyong namamagitankina Kim at Gerald. Hindi naman daw kasi niya nakitang sweet o close na closeang dalawa sa set ng My Girl.

"Akala ko ba sweetna sweet kami [ni Kim], ‘tapos ngayon hindi kami sweet and close ni Kim sa set? Parangnakakalito na ang mga issue. Sa dinami-dami ng mga sinasabi, iba-iba na siya,"naguguluhang sabi ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO WORK. Ilang araw rin nanagpahinga si Gerald sa taping ng My Girl nang bumagsak ang katawan niya dahilsa sobrang trabaho. Right now ay back to work na uli ang young actor.

"Okey na ako, lagnatlang," aniya. "Sa San Juan de Dios Hospital kasi yung location namin kayatamang-tama na nasabihan kaagad ako na I need to rest muna. Ngayon, baliktaping, balik trabaho."

May ilang nagbibigayng negative feedback kay Gerald na hindi raw niya gaanong nabibigyan ng justiceang role niya as Julian sa My Girl. Nabubulol din daw siya sa ilang dialoguesniya.

Hindi naman itominasama ni Gerald. Aniya, challenge ito sa kanya para higit pang pagbutihanang trabaho niya.

"Habang tumatagal,dun papasok yung character ko talaga. Kumbaga, kahit sino naman, hindi agadmakukuha ang character mo. Hindi maiiwasang magkaroon ng comparison because mayoriginal na My Girl. But this will serve as a challenge to me para higit kopang pagbutihan ang ginagawa ko," pahayag ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN