Alessandra de Rossi: "Magde-demand ako ng love scenes with Piolo!"

"Iba yung Piolo Pascual. Super-guwapo na, mahusay pangartista. How can you go wrong with him? Kakaririn ko talaga ang mga eksena namingdalawa!" exclaims Alessandra de Rossi about her movie with Piolo Pascual.



Walang kuwentang pag-usapan ang love life ni Alessandra deRossi sa panahong ito dahil matagal nang humupa ang kontrobersiya sa kanila ngdating boyfriend na si Jeremy Marquez. Wala ring bagong inaaway si Alex dahilang pinakahuli, si Rhian Ramos, ay may iba nang kontrobersiyang kinakaharap.

Ang pinag-uusapan ay ang paghaharap nila ni Piolo Pascual saisang episode ng twin-bill film na Manila, isang indie movie na ipinu-producemismo ni Piolo kasama ang ilang co-investors. Tampok si Alex with Piolo saepisode na tipong bagong version o remake ng Jaguar (1979) ni Lino Brocka.

"I will be taking the Amy Austria part. Sa new versionkasi, may pagbabago na sa character ng role, pero ito pa rin basically yungginampanan ni Amy sa original film. Excited ako, for the simple reason namakakasama ko si Piolo sa isang project na katulad nito. Dream ko talagaito," sabi pa ni Alex nang makausap siya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Nang magwagi noon si Alex bilang Best Supporting Actress sa2001 Metro Manila Film Festival para sa Hubog, inalalayan pa raw siya ni Piolo fromthe stage after accepting her award.

"Tandang-tanda ko yun, at simula noon, pinangarap ko nasiya. Promise!" tawa ng young actress.

"Si Piolo kasi yung artista in a total package.Mayroon kasing ibang walang karapatan. Alam mo na, I don't have to name names,'no! Pero mayroon kasing iba, guwapo lang, pero hindi naman magaling. Mayroongiba, magaling, pero di naman bonggacious ang fez at body.

"Iba yung Piolo Pascual. Super-guwapo na, mahusay pangartista. How can you go wrong with him? Kakaririn ko talaga ang mga eksena namingdalawa!"

Si Jay Manalo raw ang gaganap ng role na unang ginampanan niMenggie Cobarrubias sa bagong version ng Jaguar sa episodic na Manila. Bale masmay connect sexually ang character ni Jay sa character ni Alex sa nasabingproyekto.

"Ay, ganoon ba yun? Naku, sorry, magde-demand ako nglove scenes with Piolo. Hindi puwedeng wala. Magko-connive kami ni Direk AdolfAlix tungkol sa bagay na 'yan," at natawa na lang si Alex sa nasabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bale first time niyang makakatrabaho ang direktor nilang siAdolf dito. As a director, that is. Kasi yung mga unang nagawa ni Alex gaya ngMunting Tinig at Homecoming, isa si Adolf sa gumawa ng script ng mga ito.

WAITING FOR NEXT PROJECT. Nagulat kami nang malamang nakatengga sa GMA-7 angcareer ni Alex. Wala pa raw itong pinupuwestuhang bagong teleserye.

"May guestings pa naman ako sa kanila. Katatapos ko rinlang ng isang nagawa ko sa kanila, kaya baka natatagalan lang. Pero naiisip korin yung baka may offer sa ABS-CBN, why not? Puwede naman akong magtrabaho rinsa kanila kung mayroong job doon. Ganoon lang naman ang tingin ko riyan,"pahayag niya.

MUSIC CAREER. Nagkaroon ng very positive feedback ang kanyang"Sailing" video na naka-mermaid costume pa siya na sumisisid habangkumakanta-kanta.

"Part yun ng lalabas na album ko. Magsasalita ako aboutthat kung sigurado na. Pero yung video, hit siya sa YouTube, huh! As in, angmga nagku-comment, from the U.S., from U.K. O, maiisnab mo ba 'yan?" sabini Alex.

Napili niyang i-remake ang nabanggit na Christopher Crosshit dahil may naiibang touch daw kapag babae na ang kumanta at kapag nabago angarrangement.

"Pero yung lalabas kong album, original compositions naang iba. Basta abangan na lang nila. Bale yung 'Sailing' ang lumalabas na firstsingle," pagwawakas ni Alessandra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN