Annabelle Rama feels she's a real actress after doing "My Monster Mom"

"Ngayon, napi-feel ko talaga. Ito talaga ang totoong pelikula na ginawa ko kasi nakakaartetalaga ako dito," says Annabelle Rama about her comeback movie after more than two decades of absence from the screen.



Naging masaya ang press conference ng My MonsterMom, a co-production venture of Regal Entertainment and GMA Films, sa Mezzanine ngImperial Palace Suites last Tuesday evening, June 10.

Maliban kina Richard Gutierrez (na may taping ng Codename:Asero) at JC de Vera (na may taping ng Babangon Ako't Dudurugin Kita), presentang buong cast: sina Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Rhian Ramos, MichelleMadrigal, Mart Escudero, Iwa Moto, Charize Solomon, at Bubbles Paraiso, pati na angdirektor ng pelikula na si Direk Joey Reyes.

ANNABELLE TAKES THE MIC. Nang magsimula ang presscon at nahawakan ni Annabelleang microphone, tuluy-tuloy na ang pagsasalita niya at pagkukuwento sa mgaexperiences niya sa first shooting day pa lamang niya ng My Monster Mom.

"Kasi noong araw, nagpelikula ako,walang pumapansin sa akin," bungad niya. "Naghubad ako para mapansin ako, pero hindi ko naman tinanggal lahat, 'no? Noongaraw kasi kapag maganda ang katawan mo, maganda ang boobs mo, maganda lahat,sikat ka na. Pero yung acting, wala yun. Kaya pipi ako noong unang pelikula,kaya flop yun, e. Walang dialogue yun kaya flop siguro.

"Ngayon, napi-feel ko talaga. Ito talaga ang totoong pelikula na ginawa ko kasi nakakaartetalaga ako dito.

"Ang preparation ko hanggang langit. Ewan ko ba, first daypa lang, na-feel ko na ang aking mukha namaga pala. Namamaga pala ang mukha ko kasisiyempre bago ako mag-shooting, pinaplantsa ko ang mukha ko para maganda ako.Siyempre lahat ng kaartehan ginawa ko na kasi first time ko sa pelikula, atayaw ko namang magpatalbog kay Ruffa. Baka sabihin alalay niya ako, 'no!

"So, sa first day shooting ko, yung mata ko nag-allergy.Nagbu-beautiful eyes ako sa pelikula. Pumunta ako ng doktor sa Cardinal Santoskasi sabi ko, ‘Dak [Doc], magsu-shooting na ako.' So, ginamot ako ng doktor.Sa shooting, talagang hindi ko alam mukha ako..."

Nahalata na siguro ni Ruffa, na katabi niya lang that time, na humaba na nang humaba angsinabi ng kanyang ina kaya sinabi nitong, "Ma, you're just supposed to say goodevening." Pagkatapos nito ay tawanan ang lahat, pati na si Annabelle. Perohindi nagpapigil si Annabelle at diretso pa rin siya sa pagkukuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napigil lamang ni Ruffa si Annabelle nang sabihan niya angina na hintayin daw munang tanungin siya ng press bago siya sumagot. Lalongnagkatawanan ang mga entertainment press nang sabihin ni Annabelle na: "Osige, tanungin na lang ninyo ako."

Sumingit naman si Direk Joey. Aniya, "Ganyan angnangyayari tuwing may shooting kami. Lagi kaming masaya sa set, at hindi akonagkamali nang tanggapin ko ang project na ito, dahil may monster best actressna ako—si Annabelle."

PAINS OF BEING AN ACTRESS. After My Monster Mom, may susunod na bang film project angGutierrez matriarch?

"O, hindi ako nanghihingi ng project kahit kanino, 'no? Akoang laging ino-offer-an. Marami na akong tinanggihan, pero itong My MonsterMom, sabi ko, ‘Naku, baka mahirapan akong umarte nito, ah.' Pero nung mabasako yung script, lalo kong nagustuhan kaya tinanggap ko yung offer ni Mother atsaka ng GMA [Films]. At saka si Direk Joey pa ang director, siyempreblockbuster director. Sabi ko, ‘Atleast makatikim lang ako ng blockbuster.' Siyempre galing ako sa flop.

"Magiging happy ako kung tatanggapin ako ng mga tao sapelikula naming ito. Alam ko magiging blockbuster ako, kaya from flop, iyongunang movie ko noong dalaga pa ako, ngayon naman blockbuster ang talagang firstmovie ko. In fact, may three movie offers na ako. At least, hindi akohumihingi, sila ang nag-o-offer sa akin.

"Akala ko nga itong tapos na ang shooting ko, ‘Hay, salamatnaman!’ Sabi ko, ‘Nakaraos din ako.’ Kasiang nerbiyos ko, kamuntik na nga akong mag-change mind noong kalahati ngpelikula kasi, ‘Hindi ko ata kaya ang mag-artista,’ sabi kong ganun.

"'Tapos noong tapos na yung shooting, okay na ako. Sa dubbing, mas worse pala! Gaganun ka pa, ‘Haaaaaa,’ kasi kailangan daw hindi lumabas sailong. Basta nahihirapan ako doon sadubbing!

"Nahirapan din ako sa hair extension ko kasi maiklilang talaga ang buhok ko. Masakit sa ulo, parang tinutusok ako nang nagtatagalna ang extension. ‘Tapos nag-additional shooting day pa kami dahil may naisipdaw si Direk na mas maganda, kaya nang mag-last shooting day kami kanina,pinatanggal ko na agad ang hair extension ko. Pero hindi ako nagsisisi, maramiakong natutunan kay Direk Joey," lahad ni Annabelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpapasalamat daw ni Annabelle sa kanyang mister na siEddie Gutierrez kung paano siya natutong mag-memorize at magbitaw ng dialogue.

"Si Eddie ang voice coach ko," sabi ni Annabelle."Iitinuturo niya sa akin kung paano mag-memorize at kung paano magbitaw ngdialogue. Kaya naiinis ako kay Ruffa kapag binabago niya ang dialogue atnag-a-ad lib siya, dahil hindi ako makasunod. Pero pinayagan ako ni Direk Joey na mag-ad lib na rin. Kung ano yungaraw-araw na sinasabi ko sa mga anak ko at kahit sa maid ko, kaya naging madalina sa akin."

ACTRESS OR TALENT MANAGER? Ngayong artista na siya, hindi kaya mapabayaan na niya angmga talent niya?

"Hindi, kasi puwede ko namang papuntahin sa shootingang mga kausap ko. Nagdi-deal pa rin ako ng mga projects para sa kanila, movie,TV show, endorsements. May bago nga akong nakuhang bagong commercial para kayRichard at kay Heart [Evangelista]. Hindi ako humihinto sa pagtatrabaho dahilayokong maging palamunin. Ayoko yungnaghihintay lang ako ng ibibigay sa akin ng mga anak ko. Sanay akongmagtrabaho. Kahit kasama ko sila [ang mga alaga niya] dito sa movie, nagka-cutpa rin ako ng commission ko sa kanila.

"Hindi ako nagbabago," patuloy niya. "Kung ano akonoon, ganoon pa rin ang ugali ko ngayon. Kahit sa mga anak ko, kahit sa mgatalents ko, lagi kong sinasabi sa kanila na huwag silang magbabago,magpasalamat sila sa mga nakatutulong sa kanila.

"Palagi kaming nag-aaway ni Ruffa kasi siya, kapag nasaMakati na siya, feeling niya sosyal na siya. Ako kasi ganun pa rin ako. Kapagako ang sumisigaw, ‘Ma, nakakahiya sa kapitbahay natin, my gosh!' Ako, ang nasaisip ko, ‘Ruffa, wala akong pakialam kung sino sila. Kung ano ang ugali ko,‘yon ang ilalabas ko. Anong gusto mo, bubulong ako?' Hindi ko kayang bumulong,'no! Mamamatay ako! Wala akong pakialam sa kanila."

REAL, NOT FAKE. Sa ipinakitang trailer ng My Monster Mom ay may eksenang kung saan may suot siyang napakalaking brilyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako nagsusuot ng fake. It's the real thing!"pagmamalaki ni Annabelle. "Sabi kasi ni Direk sa akin, ‘Ganito yun, angaartihan mo dito, 'yong baduy, maraming bling-bling at alahas.' Sabi ko,‘Direk, hindi ba nakakahiya iyon? Naka-duster at nakaalahas?' ‘Yan ang role mo talaga diyan. Naka-duster ka, naka-tsinelas ka kuntodo angmga diamond mo, lahat.'

"So ako naman, hindi ko pa nilabas lahat kasi nga nahihiyaako, naka-duster 'tapos naka-alahas. Parang hindi ako sanay na lumalabas nakuntodo alahas. Pero si Direk, bago mag-shoot, ‘Ang alahas ni Bisaya nandiyanna ba, nakasuot na ba?' Palagi akong nagdadala ng alahas doon sa set. Hindi ako nagdadala ng fake doon, totootalaga."

BILLING ISSUE. Tinanong din si Annabelle sa reaksiyon niya na walang "and"ang pangalan niya sa billing nila ni Ruffa.

"Alam mo, wala akong pakialam sa title, kung sino ang mauunasa billing, kung sino ang mahuhuli," sagot ni Annabelle. "Ang gusto ko langkumita ang pelikula, that's it. Alam konaman na dapat si Ruffa ang mauuna kasi una na siya, matagal na siya[nag-aartista]. Ruffa, huwag kang mag-worry, 'Day. Iyo na ang lahat ng billing,huwag ka lang magsalita kay Mother. Maski na yung ‘and,' iyo na. Ang importantekumita, ang pelikula."

May sariling plano raw si Annabelle sa pagpu-promote ngmovie. Ini-aanounce niya atipinagpaalam na kina Mother Lily at Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films namagbibigay daw siya ng sariling presscon na siya ang gagastos.

Iikot din daw siya sa mga palengke at supermarkets paramag-imbita ng manonood ng movie na may premiere showing on June 29 sa SMMegamall at sa July 2 naman ang playdate.

Hindi na rin daw niya itutuloy ang pagpunta sa Las Vegaspara manood ng laban ni Manny Pacquiao dahil kasabay ito ng premiere night ngMy Monster Mom.

Additional report by Nerisa Almo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN